Mas maaga nagising si Dawson kaysa kaniya kaya naman dali-dali ang bawat pagkilos niya dahil sa nakakahiya. Habang naliligo si Tyrone ay nagluluto naman so Dawson ng agahan nila. Hindi na nagtagal pa sa cr si Tyrone dahil mas lalo lang siyang kinakabahan.
Pagkalabas niya ay nagbihis kaagad siya. Nakablack below the knee shorts siya at white shirts. Nagsapatos din siya at pinatuyo niya ang buhok niya at nagsuklay para medyo iniangat ang buhok niya para maiba naman ang style. Naglagay din siya ng eyeliner sa ilalim ng mata niya ay naglagay ng kaunting lipstick at nagpulbo base sa nakita niya sa mga ibang kasama niya. Nilagyan niya rin ng kaunting gel ang buhok niya para manatili itong nakaangat.
"Bad boy?" Dawson teased Tyrone. "Mukha kang panda."
"Tumigil ka nga. Isusumbong kita kay Lola!" Tyrone shouted. Naupo na lamg ito sa upuan at nagsimula magsandok ng pagkain. "Bakit ang dami?" tanong niya.
May sinangag, hotdog, bacon, at fried pork chops. May juice rin na nakahanda na at may tinapay pa.
"Para ganahan ka," tanging sagot ni Dawson bago naupo at sinaluhan kumain si Tyrone. "Hatid kita tapos susunduin kita mamaya. Batang bad boy."
"Huwag mo na ako ihatid wala ka namang sasakyan."
Natawa si Dawson at napailing habang inilalapg niyang muli ang serving spoons sa sinangag. Bigla siyang nagtiim-bagang at naglandas sa labi niya ang kaniyang dila habang nakatingin kay Tyrone dahil sa kakulitan nito.
"Pero sige sunduin mo ako," dagdag niya pa.
Hindi na lang nagsalita pa si Tyrone at sinabayan na sa pagkain si Dawson. Matapos kumain ay nag-toothbrush si Tyrone kaya inulit niya muli ang pag-aayos sa mukha niya habang naghuhugas naman si Dawson. Nagtext din muna siya gamit ang cellphone ni Dawson sa Lola niya bago tuluyang umalis.
Pagkarating ni Tyrone sa harap ng building ay nakita niya na nakatayo si Flinn habang nagpipindot sa cellphone nito. Patakbo siyang lumapit kung nasaan ito saka umakbay pero lumayo sa kaniya si Flinn at tamad siyang tiningnan.
Nakasuot ito headband at nakawhite shirt na may print sa gitna na Move away at naka-black denim pants at rubber shoes habang nakasakbit sa isang balikat ang dala nitong bag.
"Tara na," tanging sambit nito sa kaniya.
Kabadong-labado si Tyrone kaya mas naapektuhan pa lalo ang performance niya. Parang hindi kasi para sa kaniya ang genre na iyon at ang sayaw na halos puro na lang giling. Matapos magperform ay naupo si Tyrone sa isang tabi at nakayuko lamang at naiiyak pero pigil na pigil siya dahil ayaw niyang may makakita sa kaniya kaya nagkunwaring nagpunas na lang siya ng pawis habang nakayuko pa rin.
Matapos sila mag-perform ay may kalayaan na sila na lumabas. Iniwan nila ang kani-kanilang cellphone number sa isang notebook dahil hapon pa malalaman ang result through message. Dahil maglulunch na ay itinext niya si Dawson na puntahan na siya dahil tapos na sila mag-perform. Nag-aya si Flinn na kumain sa isang fast-food kaya naman nagtext ulit si Tyrone kay Dawson kung saan siya puntahan.
Si Flinn ang nag-order kaya naiwan siya sa upuan. Nang magbukas ang pinto sa entrance ay napaangat kaagad siya ng tingin at pumasok nga si Dawson na kaagad din siyang nakita. Dali-daling lumapit ito sa kaniya at tumabi sa katabi nitong upuan.
"Okay ka lang?" Natulala si Tyrone kay Dawson dahil sa katanungan nito. "Hey!" Kaagad na hinawakan ni Dawson ang leeg niya at isinubsob ang mukha niya sa dibdib nito.
"I messed up, Dawson. Hindi na ako nag-eexpect pa."
"Shh... huwag mo na isipin yun. Ang mahalaga you did your best, right?" Tumango si Tyrone kahit nakasubsob pa rin ang mukha niya sa dibdib ni Dawson. "Then I'm so proud of you. Don't over think. Kapag hindi ka nakapasok magbaback-out ako at talagang maghahanap ulit tayo kung saan pwede tayong mag-audition ulit ng sabay. Okay ba?" Hindi kumibo si Tyrone kaya pilit siyang pinapatahan ni Dawson dahil alam nito na umiiyak na nga talaga siya.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...