Ryker's family finally let go of Ryker when the members wanted to celebrate the new year and anniversary with each other at the apartment. Ayaw sana payagan si Ryker ng mga magulang nito pero nakumbinsi na lang sila dahil sa tinulungan sila ng mga kapatid ni Ryker.
Hinatid sila ni Quinn para hindi na hassle pa para sa kanila ang umuwi. It's already December 31 kung nakumbinsi kaagad nila ang magulang ni Ryker ay nakasama na sana sila kina Dawn at Dawn nang umuwi ito kagabi.
Pagdating nila sa apartment ay nandatnan na nila si Hoshi. Naupo kaagad si Tyrone sa tabi nito at isinandal ang ulo sa balikat nito habang nanonood sila ng tv.
"Kamusta bakasyon mo?" Hoshi asked. "Nag-enjoy ba ang baby namin?"
"Hindi na ako baby," nakasimangot na sagot niya kay Hoshi na ikinatawa ng malakas nina Ryker at Hoshi. "Hyung, 17 na ako."
"Baby ka pa rin at mananatiling baby namin," sabi ni Hoshi at hindi na lang sumagot si Tyrone at nanatili ang mata sa pinapanood ni Hoshi.
Nang dumating si Lucas ay may dala na itong sasakyan. Gulat na gulat pa sila pero nakuha na raw kasi nito ang driver license niya at matagal na siyang nag-aaral magdrive. Dahil sa new years eve ay magkakasama silang pumunta ng grocery. Nakahawak si Lucas sa kamay ni Tyrone dahil sa kakulitan nito.
"Hyung, pinagtitinginan na tayo. Susunod ako promise," sabi ni Tyrone habang kinukumbinsi si Lucas na bitawan na siya. "Promise talaga. 17 na ako."
"Kahapon ka pa lang nagbirthday kaya huwag mo ako anggasan. Hoshi, bilisan mo dito ka sa may tabi ko nasa iyo ang cart."
Nang may inabot sa taas si Lucas ay binitawan niya saglit ang kamay ni Tyrone kaya biglang tumakbo si Tyrone at hinila si Hoshi. Tawa sila ng tawa ng makalayo sa dalawa. Kumuha ulit ng cart si Hoshi at malaki ito dahilan para makaupo sa loob si Tyrone habang tulak-tulak ni Hoshi ang cart.
Kumuha si Hoshi ng mga ingredients para sa macaroni salad na nakalista naman na sa papel na hawak ni Tyrone. Hindi pa rin siya umaalis kaya nasa may tiyan niya ang mga kinukuhang ingredients ni Hoshi. Tumawag din si Dawson kay Tyrone na pasunod siya sa grocery.
"Ano gusto mong snacks, bebe? Sina Lucas naman magbabayad nito eh," sabi ni Hoshi na pumipili ng mga chichirya. "This is bad for our health na naman maririnig ko nito pero ngayon lang naman kaya kunin na natin."
Dahil sa madami-dami na ay aalis na sana si Tyrone pero nasa ibabaw niya ang mga kinuha nila. Napasabunot na lang ng buhok si Hoshi matapos alisin sa may tiyan niya ang mga ito at nilapag na muna sa lapag ang mga bibilhin nila.
Nang tuluyan na maalis ay pagod na si Hoshi kaya kinurot niya ang braso ni Tyrone. Nang dumating si Dawson ay tawa ito ng tawa pero siya rin naman ang tumulong para makababa na si Tyrone at binalik nila sa cart ang mga ingredients.
Kumuha ng basket si Dawson at pinagpili niya sina Hoshi at Tyrone ng mga snacks at siya raw ang bibili kaya parang batang tuwang-tuwa ang dalawa na pumili. Gusto man magalit ni Lucas ngunit wala na itong nagawa ng mauna na sa counter sina Dawson at nakapagbayad na.
Nagdrive thru na lang sila at minabuti na ma-groadtrip na muna bago tuluyang umuwi. Halos dalawang oras din silang nagtagal bago umuwi at wala pa rin si Flinn kaya busy silang lahat na magluto. Si Ryker ang naghihiwa ng mga ingredients. Si Lucas ang taga-luto pati si Dawson at si Hoshi naman ang naghahanda para sa dessert. Si Tyrone naman ang nagdidecorate sa mesa at pader.
"Hyung, nasaan ka na?" tanong ni Tyrone kay Flinn ng tumawag ito. "Pupunta ka? Hyung, bili ka naman ng mga something na bilog."
[Papunta na ako. Yeah, nasa mall ako nakita ko si Dawn. Magkasama kami, sasabay daw papunta diyan sabihin mo sa kapatid niyang ugok.]
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...