Lumipas ang dalawang araw ay sinundo siya ni Zeyr. Denied na mga bali-balita pero hindi ito nawala. Hindi rin bumabalik si Dawson na ikipinagtataka nilang lahat. Nang makarating sa building ay wala rin ito. Sobra siyang nagtaka pero hindi siya makagawang makapagtanong. Si Hoshi naman ay tahimik lang din sa tabi kaya ayaw na niyang guluhin pa.
Nakasuot lang siya ng black loose shirt at black shorts dahil wala naman silang gagawin masyado. Kailangan lang nila icheck ang recording na ginagawa ng ARCTURUS dahil sila mismo ang nag-sulat ng magiging kanta nito. Kahit papano ay mas mabilis ang lahat sa ARCTURUS dahil na rin sa open na ang mga tao sa ganitong sitwasyon. Mas marami na rin ang nagiging fangirls or fanboys hindi katulad ng sa noon.
"Kuya Tyrone, good morning po," bati ni Weather. "Pinatatawag ka po ni Zeyr."
Ngumiti siya dahil talagang ayaw ni Zeyr ng mga formality na pati ang mga bata at sinasanay niyang Zeyr ang itawag sa kaniya.
"Ayos ba pagkanta mo?" Kaagad naman itong tumango sa kaniya. "Good luck."
"Goodluck din po sa parating ninyong comeback, kuya."
"Hindi na ba talaga kayo magrerenew ng contract, kuya?" Pareho silang napalingon sa kararating pa lang na si Tiara. Ang bunso at leader ng STARRY. "Nakakalungkot lang kasi. Wala na po ba talaga?"
Pinalapit niya ito saka niya inakbayan ang dalawang bunso ng BRIGHT ENTERTAINMENT. Napangiti siya dahil parang dati lang ay sila lang din ang bunso at binibaby ng lahat.
"Hindi naman dahil disband na kami ay hindi tayo magkikita-kita. Malay niyo kami pala ang magsusulat ng mga kanta niyo, magpoproduce ng kanta niyo, na concept pala namin ang bubuo sa album niyo. Sadyang napagkasunduan na ito. Pero tayo-tayo pa lang ang nakakaalam nito ah. Lagi niyong tandaan, hindi lahat ng naririnig at napag-uusapan natin dito ay ilalabas na natin sa labas. Okay?"
Kinuha niya ang phone niya at kaagad silang nagpapicture sa staff.
"Ang cute naman. The youngest line," sabi nito bago iniabot ang phone sa kaniya. "Ang cute niyo."
"Thank you po," sagot naman ng dalawa.
"Syempre kami lang ito, ate Jenn." Tinapik siya nito sa balikat bago nagpaalam. "Bye-bye, ate."
Nang maghiwa-hiwalay na sila ay dumiretso siya sa room ni Zeyr. Pagpasok niya ay nakaupo ito sa sofa kaya doon na siya dumiretso at naupo sa kabila nito habang magkaharap sila. Tila malalim ang iniisip nito.
"Why? Anong balita?" tanong nito sa kaniya. Naguguluhan niya itong tinignan dahil wala siyang idea sa tinutukoy nito. "Tumawag ba si Dawson sayo?" Umiling siya. "Tawagan mo nga."
Naguguluhan man ay kinuha na lang niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Dawson pero walang sumasagot. Ilang ulit niya iyong ginawa hanggang sa wala talaga kaya pati si Zeyr ay napahawak sa noo nito sa frustration.
"What's happening? Bakit? Nawawala ba si Dawson?" he asked. "Zeyr."
"He's parents didn't even give us information about Dawson. Basta ang sinsabi nito ay ayos lang daw si Dawson. Hindi ko alam pero wala talaga akong balita, Tyrone. Ni hindi nga siya napunta rito eh. Hindi ko alam ang nangyayari sa batang yun."
Nakaramdam si Tyrone ng pangamba. Kaagad siyang tumayo at hindi na nagpaalam kay Zeyr. Dumiretso siya sa parking lot at dali-daling nagmaneho papunta sa condo nito pero sabi ng tito nito ay hindi pa raw ito bumabalik. Dahil sa nalaman ay dumiretso na siya mismo sa bahay nito. Pinagbuksan siya ng pinto ni Dawn pero halatang hindi ito ayos dahil sa itsura nito.
"Dawn, nasaan ang kuya mo? I need to talk to him. Kailangan na rin niyang bumalik sa building. We need to sort some things there."
Yumuko ito at nagsimulang umiyak.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...