Hoshi
Through his homeroom adviser nakapagpasa siya ng kaniyang application. Sinabi kasi nito na magtry mag-audition since may talent naman siya. He knows how to sing but he needs a proper coach, he can rap too, and he knows how to dance.
He has a lot of friends because he is so friendly and even flirted with a lot of girls. Some girls are really into him because he's the type of person that has a sense of humour and he indeed has a cute smile.
Parati na lang siyang may kaakbay na babae. Halos parati talaga siyang may kausap dahil sa sobrang daldal niya rin at hindi naaawkward dahil sa siya talaga ang nagdadala sa usapan.
Nang oras makuha naman siya ay hindi niya alam kung paano sasabihin sa papa niya. Sila na lang ang nasa bahay kasama ang kaniyang bunsong kapatid na si Clinton. Dalawang taon lang ang agwat ng kanilang edad pero masasabing mas matured si Clinton mag-isip kaysa sa kaniya.
Mag-audition si Hoshi kahit na hindi pa siya nagpapaalam sa papa niya. Ang nais niya lang naman ay hindi pa naman sigurado na makakapasok sila. Sinusuportahan naman naman siya ng mga kaklase niya maging ng adviser niya kaya talagang tumuloy siya.
Nang makatanggap na tanggap na siya ay saka niya lang sinabi sa papa niya ang lahat. Gusto na lang din biglain ito para payagan siya. Mas mabuting biglaan kaysa matagal pa dahil marami pa ang oras na magbago ang isip nito.
"Ano pa bang rason para pigilan ka? Nagpapaalam ka kasi ayaw mo na rito. Ayaw mo magsaka. Ayaw mo tumulong."
Namulat ang mga mata niya sa hirap. Na tipong asin, toyo, at asukal ang ulam dahil sa kawalan nila ng pera na pambiling ulam. Siya ang tumutulong sa pagsasaka maging sa gawaing bahay lalo na at wala na ang nanay nila dahil maaga silang iniwan nito dahil sa sakit na leukemia. Sa murang edad ay kailangan ni Hoshi na maging matatag para sa papa niya at sa bunsong kapatid.
Maingay man at talagang masyadong nag-ientertain ng mga babae ay talagang hindi naman siya cheater. Marami siyang naging girlfriend pero kahit kailan ay wala siyang pinagsabay na dalawang babae. Mapaglaro man ngunit siya yung tipong marespeto.
"Hindi ko kayo tinatakasan, pa. Gusto ko lang na makapagtapos. Kapag nandoon ako maghahanap ako ng scholarship. Kung wala man akong makita at magtatrabaho ako. Ayoko lang na parating ganito na lang ang buhay natin. Nandito naman si Clinton. Kakayanin ko."
Hindi man siya pinigilan ng ama ngunit ramdam niya na hindi ito kumbinsido sa kaniyang desisyon. Buo man ang kaniyang desisyon ngunit nang makita niyang umiiyak si Clinton ay tila dinudurog ang puso niya. Hindi man sila parating magkasundo nito pero normal naman ang samahan nila.
"Kuya, iiwan mo ako?" tanong nito sa kaniya. "Ayoko rin naman magsaka, kuya."
Kaagad niya itong nilapitan at ginulo niya ang buhok ng kapatid bago niyakap.
"Kaya nga ako aalis para kapag college ka na kaya kitang pag-aralin. Gusto mo maging engineer diba?" Tumango ito. "Kaya ako aalis. Hahanapan ko ng paraan na kapag nag-aaral ka na ay kakayanin kong pag-aralin ka."
"Baka umuwi kang may anak na rito, kuya. Sinasabi ko sayo itatakwil kita!" sigaw sa kaniya nito kaya ginulo niya ang buhok ng kapatid. "Huwag ka munang mag-asawa! Napakalandi mo pa naman!"
"Oo na! Parang tanga naman nito. Kasalanan ko ba na lapitin ako ng mga babae? Pogi lang talaga ako."
"Kadiri ka. Hindi ko nga alam kung bakit ka natanggap sa lagay na iyan eh."
"Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo, Clinton."
Nauna pa sa kaniya si Dawson dahil kinailangan niya pa maghanap ng pamasahe. Dahil sa training days nila ay nahirapan siya. Hiyang-hiya siya dahil mga magulang ni Ryker ang sumagot sa tuition niya. Gusto niya man tumanggi pero ayaw ni Ryker magpapigil. Gusto niya man umekstra ngunit wala ng oras kaya nagpapabayad na lang siya sa tuwing may nagpapagawang assignment sa kaniya. Nang malaman ito ni Ryker ay pinagalitan siya nito pero walang alam ang iba.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...