DAWSON

83 2 0
                                    

DAWSON POV

"I don't know what I am going to do with you, Dawson!" singhal ng nanay niya sa kaniya matapos malaman nito na hindi siya nakapasa. "Do whatever you do! I don't care anymore!"

Nang makaalis na ang Mommy niya ay dumiretso siya sa kwarto niya. Kaagad siyang nagpatugtog at sinabayan niya ito ng pagkanta hanggang sa bigla na lang pumasok si Dawn sa kwarto niya. Ang nakababata niyang kapatid.

"Kuya!" Dawson rolled his eyes as he paused the music. "Do whatever you want daw. Now mag-audition ka. May nakita ako kung saan pwede ka mag-audition ng may mangyari naman sa buhay mo na bago!"

Napabutonghininga si Dawson bago niya kunin ang papel na hawak ni Dawn. Binasa niya ito saka pinabayaan na lang sa tabi.

Minabuti na lang ni Dawson na tumambay sa labas kaysa sa magstay sa bahay nila. Ni hindi niya man lang pinag-isipan ang gustong iparating ng kapatid niya.

Isang araw nagulat na lang siya ng may tumawag at sinabi na isa siya sa natanggap sa mga nag-audition. Saka na lang niya nalaman na si Dawn ang gumawa ng paraan para makapag-pasa siya online for registration. Wala na siyang nagawa kundi ang pumunta na lang sa company building na iyon.

Ginawa niya ang lahat para mapansin siya ng parents niya noong bata pa siya pero habang tumatagal doon niya narerealize ang gusto nito. His mom and dad are both doctors and they want him to be like them too but he doesn't want it. Kaya ngayon na wala ng pakialam sa gagawin niya ang parents niya ay gagawa siya ng paraan para talagang hindi pumasok sa med school.

When he first met Tyrone he smiled because he is very young and cute. Hindi niya alam kung bakit niya na lang ito kinausap matapos niyang mapansin na nainiinitan ito. Hindi siya ang tipong talagang basta-basta na lang din namamansin kaya naman nagulat na lang siya sa sarili niya na kinausap niya sa unang pagkakataon si Tyrone. Sobrang gusto niya magkaroon ng little brother but his parents decided that it's enough that they have him and Dawn.

"Dawson-hyung, I love you." He smiled when Tyrone hugged him. "Goodluck."

Tyrone is the sweetest among them. Hindi nito nakakalimutan na parating pagaanin ang loob nila kaya close talaga rito pati kahit na sino sa tuwing nakakasama nito ay kinatutuwaan siya. Ang mga staff nila ay talagang alagang-alaga si Tyrone maging sila rin. Iba nga lang talaga pag si Tyrone na ang pinag-uusapan dahil halos lahat sila ay talagang parating pinagbibigyan ito.

"Tyrone! Water! Tubig!" sigaw ni Hoshi. "Uminom ka! Hindi ka pa umiinom! Gusto mo palo, be?!"

"Go on. Aalis na ako," sabi niya sabay nguso sa direksyon ni Hoshi.

Kaagad naman itong tumayo at umalis para puntahan si Hoshi sa kitchen. Nagpaalam na rin siya kina Lucas at may kasama siyang staff papunta sa set. Hindi niya rin inaasahan na mabibigyan siya ng opportunity na magkaroon ng role sa isang movie series at dahil nasa oras sila na kailangan nila ng spotlight ay tinanggap niya na rin para sa grupo dahil marunong din naman siya umarte.


"Hi, Dawson." Napalingon siya habang inaayusan na siya dahil sa paglapit ni Shayla. "I'm Shayla."

"Yeah. Naalala ko."

"Can I sit here beside you?" Tumango na lang siya. "Thank you."

Nang magring ang phone niya ay napangiti siya ng makita na tumatawag si Tyrone.

[Hyung.]

"Oh?"


[Kailangan ko ng cartolina, pentel pen, tapos illustration board. Bilhan mo ako pag-uwi mo.]

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon