Okay na sina Dawson at Tyrone bago man sila bumalik sa base. Nandoon na rin sina Flinn, Hoshi, Ryker, Lucas, at Dawn. Kaagad silang pinagbihis ni Lucas dahil sa labas daw sila kakain dahil libre raw ng pamilya ni Ryker. Nagbigay din ng pera ang family ni Dawn para raw makakain sa labas.
Magkakasama silang pito na lumabas. Sumakay sila sa jeep para pumunta sa sinasabing gusto ng tatlo. Gusto kasi nina Tyrone, Dawn, at Hoshi na kumain sa Mcdo. Nakahawak kay Tyrone si Lucas at nagmumukha talagang bata si Tyrone, hindi na lang siya umangal dahil alam niyang ayaw lang ni Lucas na maiwala siya. Si Dawn naman ay nasa tabi ni Dawson at nakaalalay naman sa kaniyang kapatid. Si Flinn at Hoshi naman ay napapagitnaan si Ryker sa paglalakad matapos nila makababa sa jeep.
Sina Ryker at Dawn ang nag-order. Nagk'wentuhan lang sila habang hinihintay nila ang pagkain. Lucas, Flinn, and Dawson order rice and chicken Mcdo while Hoshi and Dawn order spaghetti and burger McDo, and Ryker and Tyrone McNuggets. There's their soda drinks, fries, and hot fudge sundae for each of them.
"Cheers tayo dali," masayang turan ni Tyrone habang hawak ang baso ng soda. "Dali na."
Napailing na lang ang mga kasama niya bago naman kinuha ng bawat isa ang kani-kanilang baso para sa isang kampay para sa bawat isa. Napailing na lang sila at gusto na ni Lucas na umuwi at sabihin na hindi niya kilala ang mga kasama niya dahil sa pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil na rin sa ingay nina Hoshi, at Tyrone.
They laughed at Hoshi and Tyrone's story. They took a picture as a remembrance. Tyrone being clingy on Flinn, and Dawn being too close to Lucas. Ryker and Dawson talking about something. It's being captured by their camera.
Halos magdadalawang oras ang itinagal nila bago sila lumabas. Dahil sa simoy ng hangin ay lamig na lamig sila. Si Tyrone at Flinn lang ang naka-t-shirt kaya yakap-yakap na nila ang sarili nila dahil sa lamig. Nakakapit na rin si Tyrone sa braso ni Dawson at nagsusumiksik.
"Paano ba yan mayabang na ako. I don't need a jacket," Flinn said even though it's obvious that he feels so cold.
Tawang-tawa na lumapit si Lucas sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi na sila makapag-lakad nang maayos. Niyakap na rin ni Dawson mula sa likuran ni Tyrone habang nag-aantay sila ng masasakyan pauwi.
"Kuya, nilalamig din ako." Sinamaan ng tingin ni Dawson si Dawn at kita iyon ni Tyrone dahil sa bahagya niyang paglingon kay Dawson. "Sipunin ka sana."
Matapos makasakay nina Tyrone, Lucas, Flinn, Ryker, at Hoshi ay saka lang nagsabi si Dawson na ihahatid niya muna si Dawn at magpapahatid na lang siya sa driver nila pabalik. Kaagad naman na tumango si Lucas at sinabihan ang dalawa na mag-ingat. Napapagitnaan si Tyrone nina Lucas at Flinn kaya ginawa niyang unan ang balikat ni Lucas.
Habang bakasyon na nina Hoshi, Dawson, Ryker, Tyrone, at Flinn ay hindi pa si Lucas. Todo practice na sila sa tuwing wala si Lucas dahil wala naman na silang gagawin. Ang linggo nila ay break na ulit nila since bakasyon kaya plano ni Tyrone na umuwi sa kanila ng sabado ng hapon.
Nang magkasama-sama ulit sila sa dance studio kasama ng chereograper nila ay seryoso ang naging practice nila. Hanggang 9pm ang naging serious practice nila bago natapos pero nagpaiwan muna sila sa dance studio para magpahinga.
"I'll try to enrol in the school which has a bachelor in arts in communication. Ikaw, Hoshi?" Ryker asked while his sight was still on the ceiling.
"Sama na lang ako sayo," Hoshi answered. "Actually hindi ko alam ang gusto ko. Siguro dahil sa mukat ako sa hirap at parating pinaaalala sa akin na pagkatapos ko sa high school ay hindi na ako tutuntung sa kolehiyo at kailangan ko na magtrabaho. Dahil sa scholar ako ngayon ng kumpanya ay hindi ko naman hahayaan na magsayang ng oras kaya kung papalarin ako sa course kung nasaan ko doon na lang din ako."
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...