Journey #7

113 4 0
                                    


Inihatid si Tyrone nina Dawson at Lola Felly sa company building. May mga pinirmahan din na consent ang kaniyang Lola para sa pag-istay nito sa kamay ng may-ari ng kompanya since tulong na ito kaysa magdorm pa ang trainee. Tahimik lang si Dawson habang nakamasid sa tuwang-tuwa na si Tyrone.

Matapos ang pag-uusap ay nagpaalam na si Tyrone sa dalawa. Mahigpit ang yakap na iginawad sa kaniya ng kaniyang Lola habang nakamasid lang si Dawson. Masaya si Tyrone na nalulungkot dahil sa mas matagal na pagkakahiwalay niya sa Lola niya.

"Mag-iingat ka rito. Huwag mo pababayaan ang sarili mo. Proud na proud ako para sa inyo ni Dawson." Lumapit si Dawson at yumakap na rin kay Lola Felly. "Mag-iingat kayo. Hindi na ako makapaghintay na makita kayo na nagpi-perform sa stage magkaiba man ito."

Tumango si Dawson at hinaplos ni Lola Felly ang kaniyang buhok. Si Tyrone naman ay nakatingin lang kay Dawson. Hindi kasi masyado natingin si Dawson sa gawi ni Tyrone kaya kinurot pa ito bahagya ni Tyrone para lang lingunin siya.

"Good luck. Let's meet again on the same stage even with a different group. Inaasahan ko na yan, Dawson ah."

Humalakhak si Dawson saka bahagyang binatukan si Tyrone. Napagalitan pa si Tyrone ng Lola niya dahil tawag niya kay Dawson at wala raw galang.

"Oo na," tangin sagot ni Dawson.

Matapos magpaalam ay inihatid si Tyrone ng staff kung saan ang room nito. Pagpasok niya sa loob ay nakita niyang may nag-pupush up na lalaki. Hindi kaagad siya nito napansin kaya bahagya siyang tumikhim dahilan para mag-angat ng tingin ang lalaki.

"Kuya Ryker?" gulat na muntawi nito. "Makakasama kita?"

Tumayo si Ryker at nag-pagpag ng kamay. Lumapit siya kay Tyrone saka naglahad ng kamay. Pawisan ito dahil kagagaling pa lang sa pag-pupush up.

"Ryker Guelliro, the first member of the group." Kaagad na ibinababa ni Tyrone ang dala niyang bag at nagpunas ng kamay sa kanyang pants bago ito tinanggap. "You're funny. Feeling ko sikat na ako dahil sayo," natatawang sambit nito.

"Kuya," sabi ni Tyrone. " Mukhang mas matanda ka sa akin eh."

"I like you ah. Fix your things on the cabinet layer number 3. I will just tell them about our food. I don't know how to cook. How about you?"

Bahagyang ngumiti si Tyrone bago humalakhak. Hindi siya pinapayagan ng Lola niya na magluto dahil parati siyang nagkakalat. Ang kaya niya lang talaga lutuin ay mga typical na pang-agahan na pagkain lamang.

"Takot ako sa mantika, kuya. Tapos baka masunod pa itong room na ito."

Inayos ni Tyrone ang gamit niya habang si Ryker naman ay lumabas. Kinuha ni Tyrone ang litrato nila ng Lola niya sa isang Photo booth at inilahay iyon sa may higaan niya. May dalawang k'warto at may double deck sa bawat room. Sa baba ay pwedeng pang-dalawang tao at sa taas naman ay isa. Napapagitnaan nito ang dressing room kung saan sama-sama ang gamit nila at ang dalawang k'warto ay parehong may access paano makapasok.

Dalawa pa lang sila at nagtataka si Tyrone kung bakit sa number 3 siya kaya naman tinanong niya si Ryker ng makabalik kaagad ito.

"Bakit nasa number 3 ako?" tanong niya habang nakasunod kay Ryker na may dalang paper bag. "Sino sa number 2?"

"Actually may isa pang trainee I mean member last week pa pero ngayon rin ata ang punta niya so baka mamaya tatlo na tayo and he will take the number 2. He's the 2nd member according to them." Tyrone just nodded before he picked a nuggets.

Wala naman silang ginawa since nag-aantay pa sila ng ibang members. Lalabas na sana sila after nila makapanood ng isang movie ng bigla na lang may dumating na staff kasama ang isang lalaki. He's taller than Ryker and his face is so beautiful. He has a heart shaped lips and it's so pink.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon