Ang mga sumunod na linggo ay naging hell week para sa kanila. Si Lucas ay halos parati namang hell week dahil sa pagiging college student nito. Lahat sila ay talagang hindi malaman kung ano ang uunahin lalo na ng sabay-sabay ang moving up, recognition day at graduation nina Tyrone, Flinn, Dawson, Hoshi, at Ryker.
Recognition day nina Tyrone at Flinn umaga, moving up naman ni Dawson at graduation naman nina Hoshi at Ryker sa hapon.
"Hyung, where am I going to go?" tanong ni Tyrone sa kanila habang hindi alam kung saan siya aattend. "It's hard. Flinn-hyung, saan ka?"
Kibit-balikat lang ang tanging sagot ni Flinn kay Tyrone na mas lalong ikanabahala ni Tyrone.
Magkaiba pa naman ng school sina Dawson, Hoshi, at Ryker. Hindi na tuloy malaman ng tatlo kung saan pupunta.
Gusto ni Tyrone na umattend sa moving-up ni Dawson pero gusto niya rin umattend sa graduation ni Hoshi o kaya ni Ryker.
Hanggang sa araw ng graduation ay talagang wala pa rin napagdedesisyonan si Tyrone. Kinausap na rin siya ni Hoshi na sa base na lang sila magkikita-kita after ng event ng bawat isa.
Maagang umalis sina Flinn at Tyrone dahil sa recognition day nila. Kasali sila sa honor students kaya may award sila. Si Dawson naman ay sinundo ng driver nila dahil na rin sa kagustuhan ng magulang nito kaya naman si Tyrone ay talagang hindi na alam kung saan pupunta.
"Flinn, saan ka mamaya?"
"My parents will pick me up after this. I can't go anywhere. Let's just meet at the base later."
Lalong napabuntonghinga si Tyrone. Ang alam niya dahil mas malapit ang school ni Lucas kay Ryker ay doon ito didiretso after ng klase nito. Si Dawson naman ay kinuha na nga magulang pero wala siyang naririnig tungkol kay Hoshi.
Nakilala ni Tyrone ang mga magulang ni Flinn. Hindi ito pala-salita at halatang mayaman ang datingan. Ni hindi man lamang ito ngumiti o nakipagkamay man lang kaya umiwas na lang si Tyrone.
Nang tinawag na ang pangalan ni Tyrone ay nakangiti siyang tumayo. Sa lahat ng estudyante siya ang walang kasamang guardian dahil sa hindi na niya nais pa na magbyahe pa ng malayo ang Lola niya. Nang nasa gitnang bahagi na siya ng Hall at papunta na sa right side bago pumunta sa stage ay nakita niyang nasa kabila si Flinn. Ngumiti lang ito sa kaniya saka tumango.
Naglakad na si Tyrone papunta sa side upang makaakyat na sa stage. Nagmeet sila ni Flinn sa gitnang bahagi ng stage. Si Flinn ang nagsabit sa kaniya ng medalya at ng kaniyang ribbon.
"Hyung, hindi ka man lang nagsabi. Nagulat ako," Tyrone whispered.
"I'm just in a mood today because I'm happy for you. That's all."
"I love you, hyung." Hindi na nag-expect pa si Tyrone na sasagutin iyon ni Flinn dahil kilala niya si Flinn. "Salamat."
Nang makababa na sila sa stage ay bumalik na muli sila sa nakaassign na upuan para sa kanila. Hinihintay na lang ni Tyrone na matapos ang awarding ng grade 11 bago niya balak na umalis at umuwi. Nang tinawag na ang pangalan ni Flinn ay tumayo si Tyrone at pumalakpak. Nang nasa gitnang bahagi na si Flinn at sumenyas ito sa kaniya na lumapit. Tinuro pa ni Tyrone ang kaniyang sarili, nang tumango si Flinn ay dali-dali siyang tumakbo papalapit sa kinaroroonan nito.
Nakahawak sa kamay niya si Flinn at nasa kabilang side naman ang parents nito. Pinahawak sa kaniya ni Flinn ang certificate at nasa tabi siya nito sa picture sa kabilang bahagi niya naman ay ang daddy nito. Ngiting-ngiti si Tyrone at yumakap pa ito kay Flinn matapos ang pagkuha ng litrato at ngumiti na lang si Flinn at mas lalong mawalan na ito ng mata.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...