Mas naging inspirado si Tyrone sa pag-aaral. Hindi niya hinahayaan na may mapabayaan siya sa career niya at sa edukasyon na nais niyang makamit. Napaka-supportive ng mga kasama niya kaya naman ganadong-ganado siya sa mga bagay na ginagawa niya.
Sa graduation niya ay dumating naman ang mga magulang niya. Naging casual lang sila ng papa niya at okay naman sila ng mama niya. Niregaluhan siya ng papa niya ng sapatos para sa klase samantalang binigyan naman siya ng mama niya ng sariling condo na malapit lang din kung nasaan ang kay Dawson. Tinggap niya na lang dahil ayaw naman bawiin ng mama niya.
Hindi na rin naman pala-uwi si Lucas dahil tumutulong din ito kahit papano sa family business nila. Si Ryker naman ay busy sa paggawa nito ng mga inspirational quote na gusto niyang ipublish kapag pwede na. Si Hoshi naman ay busy sa kaniya solo na siya mismo ang nagsulat ng kanta habang tinutulungan siya ni Flinn bilang isang music producer.
Buong bakasyon ay nag-shoot sila ng kanilang comeback at mga photoshoot kasabay nito ay ang pag-aaral niya para sa solo niya. Mauuna maglabas si Hoshi samantalang siya ay mag-eensayo pa lamang. Wala pang alam ang media kaya naman todo effort si Tyrone.
Pinag-isipan niyang mabuti kung saan siya papasok. Si Lucas ay graduate ng Bachelor in Science in Film Making, sina Hoshi naman ay graduate ng Bachelor in Arts in Communication, samantalang ang kinuha ni Flinn ay Bachelor of Arts in Music Prod at graduating this year, habang si Dawson naman ay nasa Bachelor of Fine arts degree. Lahat sa kanila ay halos basta-basta na lang pumasok sa kung saang senior strand dahil sa pinag-iisipan nila kung saan sila papasok ng college kaya ay nag-bridging sila sa ibang subjects.
Matapos ang preparation at lahat-lahat para sa comeback nila ay balik na naman sila sa pag-promote ng mga ito. Kung dati ay yun lang ang ginagawa nila ngayon ay hindi na. Medyo pumipila na rin ang mga endorsement, mga shoot sa iilang products, mga shoot para sa kanilang album, at kung anu-ano pang personal nilang gawain.
Tyrone decided to choose bachelor of fine arts too. Yun na lang din ang pumasok sa isip niya ng makita ang list ng course kung saan din ay pumasok si Dawson at yun na lang din ang pinili niya. Sa kanilang lahat ay siya ang huling makakapagtapos.
Bago sila tuluyang umalis sa apartment ay nag-vlog sila at ipinakita ang kalagayan nila. May isang bahay si Mr. Gendrado sa isang subdivision kaya naman pinalilipat na sila doon since lilipat na ito. Masayang-masaya sina Tyrone dahil hindi na sila magsisiksikan. May sarili man na unit sila ni Dawson at si Lucas ay hindi na masyadong palauwi ay good news pa rin na sa isang bahay na sila titira.
May mga staff na tumulong sa kanila sa paghahakot. Si Dawn naman ang nagsilbing kumukuha ng video sa kanila habang isa rin sina Tyrone sa nagliligpit ng mga gamit.
"Anong masasabi niyo ngayon na lilipat na kayo?" Zeyr asked. "Excited?"
"Ako super excited," sabi ni Tyrone habang hawak niya ang bag niya. "Sa wakas masasabi na namin ang katagang feels at home," dagdag niya pa dahilan para batukan siya ni Hoshi.
"We're excited. Malawak na ang space. Salamat, boss babe," sabi nito. "Tsaka salamat sa lahat-lahat ng staff. Mahal namin kayo. Diba, Dawn?"
"Anong kinalaman ko. Ops." Hindi nagsasalita si Dawn kaya naman lakas ng tawa ni Tyrone dahil sa pagsasalita nito. Hinarap ni Dawn ang camera sa isang malaking salamin saka kumaway. "Uhm yes guys, I'm here again. No issue, just me. I'm the camera girl again for today. Just don't mind me," sabi nito bago itinapat ang camera kay Tyrone.
"So... By 2 raw sa k'warto since mayroon doon isang master's bedroom, at tatlong k'warto. Ang isa ay para sa mga gamit ng staff or pahingahan ng staff at ang dalawa ay para sa inyo. Paano kayo maghahati-hati?"
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Acak[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...