Nagkikita-kita sila sa main building pero hindi na katulad nang dati. Minsan may mauuna, minsan may papahuli, at minsan may hindi magpapakita. Hindi na sila makumpletong magkakasama kaya pati si Zeyr ay nahihirapan na rin sa kanila. Wala silang magawa dahil talagang gusto ng space ng mga ito pero hindi ito ayos lalong-lalo na at isa silang grupo.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo," sabi nito bago tuluyang umalis.
Pumunta na lang siya sa music room pero nandoon ang mga ARCTURUS at STARRY para sa lesson nila. Pumasok pa rin siya at naupo sa isang silya habang nakatulala sa kawalan. Gusto niya na lang muna maaliw-aliw dahil sa mga nangyayari. Hindi pa rin nagsisink in sa isip niya ang mga pangyayari sa kanilang anim.
"May kailangan ka?" tanong ng tutor ng mga ito na siya rin naman nagturo sa kanila noon. "Bakit? May practice sila ngayon."
"Wala. Huwag niyo na lang ako pansinin. Nawawala lang ako sa katauhan."
Nakatingin lang siya sa labas habang nakikinig sa mga ito na tumutugtog. Halo-halo anv mga tugtog at masakit sa tainga kung minsan. Habang nakasilay sa labas ay halos walang laman ang isipan niya kundi ang nangyayari sa kanila. Matagal na silang magkakasama at ito ang unang beses na nakakayanan ng mga ito na tumagal sa sitwasyon nila ngayon.
Hindi mawawala ang pag-aaway ngunit hindi niya maintindihan ang nangyayari. Dati kapag may nag-aaway ay yakap lang ang katapat, hindi pa aabot ng isang araw bati na kaagad, laging may nag-sosorry at mag-iinsist na magkaayos na hindi tulad ngayon. Talagang wala man lang. Mabuti na lang at ayos naman na sina Dawson at Hoshi. Si Flinn ay dumidistansya rin muna dahil sa kanila dahil sa family problem nito. Sima Lucas at Ryker talaga ang walang pansinan.
"Kuya, ipinabibigay ni kuya Dawson." Napalingon siya kay Weather na may hawak na Dutch Mill. "Paglabas ko kanina nakita ko siya eh. Pinaaabot niya ito sayo."
Kaagad niyang tinanggap ang Dutch Mill na iniaabot nito sa kaniya saka niya ito nginitian.
"Salamat. Nasaan na siya?" tanong niya.
"Papunta po atang gym." Tumango siya at tumayo bago ginulo ang buhok nito.
"Great job."
Iniwan na niya ito saka siya dumiretso sa gym. Maraming staff siyang nakasalubong kaya naman panay ang pagbati ng mga ito sa kaniya maging siya rin. Pagpasok niya sa gym ay nandoon nga si Dawson at nasa treadmill. Naupo siya sa bench bago nahiga, kaagad niya namang sinimsim ang Dutch mill kahit na nakahiga siya.
"Let's do something," panimula niya. Kamuntikan pa siyang mabilaukan kaya naupo na lang siya. "Hindi ko na ito kaya. Nakakapagod na. Hindi ako sanay."
"How can we do that? Mahahalata nila kaagad yun for sure. Sa lahat ng tao sila ang nakakakilala sa atin. Alam na nila ang galawan natin. How can be so sure na darating sila?"
May punto ito dahil alam ng dalawa ang galawan nilang lahat. Hinarap niya ito at pinagmasdan ang sariling kamay bago niya maramdaman ang pagvibrate ng phone niya sa bulsa niya. Kaagad niya itong inilabas, nakita niya ang mensahe galing kay Lucas.
Lucas;
***** Meet me at that place. We're having a formal dinner there. Don't worry about the media because that's a private hotel. The security is tight. Aasahan ko kayong lahat.
Napalingon siya kay Dawson na nakaupo na rin sa isang bench at nag-iscroll na rin. Lumingon ito sa kaniya bago bumuntonghininga. Nang tumayo ito at lumapit sa kaniya ay inakbayan siya nito.
"Let's go together with Hoshi. Let's go, we'll prepare. It's a formal dinner so we need a suit."
Tumango na lang siya at tumayo. Magkasabay silang lumabas ni Dawson sa gym. Umiinom si Dawson sa tumbler nito habang naglalakad habang siya naman ay busy sa cellphone niya. Pagkalabas nila sa building ay nakasalubong nila si Hoshi kaya kaagad niya itong inakbayan.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...