Journey #13

77 2 0
                                    

Maaga umalis si Tyrone ng maaga. Dumiretso kaagad siya sa bahay nila dahil nag-aantay na raw ang tatay nuya sa bahay. Sumakay sila sa maliit na pickup truck. Tahimik lang si Tyrone at hindi na nag-aksaya pa na magsalita.

Dawson give Tyrone his old touch screen cellphone. May nagagamit si Tyrone dahil doon. May mga music din kaya naka-earphone lang siya sa byahe.

Nang makarating sila sa isang bahay ay kinuha niya kaagad ang bag niya at ng Lola niya. Dalawang palapag ito at sementado.

"Tara na, apo." Sumunod siya sa kaniyang Lola at dumiretso sila sa ikalawang palapag. "Apo, halika na muna at pawis ka na."

Pinunasan siya ng Lola niya at nilagyan ng bimpo ang kaniyang likod. Kaagad na lumabas ang mama niya kaya naman ay yumakap siya rito at nagmano.

"Okay naman ba ang pag-aaral mo?" tanong kaagad nito sa kaniya na kaagad niyang ikinatango. "Okay ba?"

"Hindi ako pinapabayaan ng mga kuya ko, mama. Okay lang ako."

"Dinidisiplina yan doon ng mga apo ko. Huwag kang mag-alala at parati rin akong kinakausap noong panganay sa kanila. Yun din minsan ang umaayos sa gulo-gulo at kung anu-ano pa kaya huwag kayo mag-alala."

Si Lucas ang pumupunta sa school nila kapag may bigla na lang may nakakaaway si Tyrone sa school na hindi naman siya ang nagsimula dahil parati rin na pinagkakatuwaan si Tyrone sa klase. Hindi rin sa lahat ng oras ay nasa tabi niya si Dawson kaya hindi na minsan napipigilan pa ni Tyrone ang sarili kaya minsan ay talagang lumalaban na siya. Kahit na ganoon ay talagang dinidisiplina pa rin siya ni Ryker. Kailangan niyang maglinis ng buong base at ng dance studio ng isang linggo kapag may gulo siyang kinasasagkutan para mas pilitin ni Tyrone na huwag na lang lumaban ng pisikal at magsumbong na lang sa mga teacher o kahit sa kanila kapag nagkataon. Si Lucas din ang kumukuha ng mga card at umaattend sa meeting sa tuwing may PTA meeting sa school. Si Lucas lahat kaya naman sobrang malapit talaga si Tyrone kay Lucas.

"Close ka na rin po ba sa kanila, mama?" Nakangiting ngumiti ang Lola niya sa mama niya. "Mabuti naman kung ganoon."

Nang lumabas ang asawa ng mama niya ay kaagad lang na tumango si Tyrone at ngumiti. Natutulog daw ang dalawa niyang kapatid. Lumabas na rin ang asawa ng tatay niya at binigyan din siya ng napakatamis na ngiti.

Nang tumawag si Dawson ay nagpaalam si Tyrone na lalabas muna saglit. Dumiretso siya sa isang hardin at naupo sa isang konkretong upuan.

[Are you okay there?] Dawson asked without hesitation. [Nasa bahay pa rin ako. Bukas pa flight namin eh.]

"I am fine. I am with my blended family."

[Hindi ka naman ba inaano ng papa mo diyan? Baka na naman iniinsulto ka na naman.]

"I'm with mama at Lola kaya hindi yun magsasalita ng kung anu-ano. Don't worry."

Halos isang oras pa sila nag-usap bago tuluyan magpaaalam sa isa't-isa. Tyrone stayed at the garden and watch the butterflies fly around him.

"Hey, man." Napalunok si Tyrone ng dumating ang asawa ng mama niya. Hindi sila close dahil hindi naman talaga sila nagkikita ng mama niya para makilala niya ang asawa nito. "Why are you alone here? Ayaw mo ba na makipagbond sa mama mo?"

Lumingon siya rito saka ngumiti habang umiiling. His stepdad is holding a can of beer. Inabutan siya nito ng can of soft drinks na kaagad naman niyang tinanggap.

"Hindi naman po sa ganoon."

"Lagi ka ikinikwento sa akin ng mama mo." He chuckled before he sipped a but on his can of beer. Tyrone opened his drink. "You look so adorable. Don't worry your mama is safe with me. You can also visit on our house. Hindi naman ako yung tipong strict stepdad. You can bond with your siblings, I don't mind."

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon