Hanggang sa dumating ang umaga ay nakatulala na lang si Tyrone. Nasa tabi niya lang si Dawson at halos hindi niya man lang ito binibigyan ng pansin. Simula ng kinuha ang katawan ng Lola niya ay nakatulala lang siya habang nakatanaw sa malayo. Hindi naman na umiiyak pero hindi nagsasalita.
"Kumain ka na muna. Please, Tyrone, kumain ka na."
Hindi niya pinansin si Tyrone. Nakayuko lang si Dawson habang hawak-hawak ang kamay ni Tyrone. Pasinghot-singhot pa si Tyrone at masakit ang mata dahil sa pag-iyak.
Hindi napilit ni Dawson si Tyrone. Nanatili lang nakahiga si Tyrone sa k'warto niya at tahimik na umiiyak. Nagpaalam si Dawson sa kaniya na tutulong ito sa paghahanda sa labas. Yakap-yakap ni Tyrone ang litrato nila ng Lola niya at tahimik na umiiyak.
"May sasabihin daw si kuya Lucas sayo," sabi ni Dawson bago naupo sa tabi niya at iniloudspeaker ang phone. "Nakikinig na siya, kuya."
[Bebe, ako na bahala sa school mo. Pupunta ako doon. Nakapag-exam ka naman kaya okay naman. Sabi ni Dawson hindi ka kumakain. Bebe naman… kumain ka okay? Sorry kung hindi pa ako makakapunta diyan, pero pupuntahan kita okay? Just please be strong. Babalik tayo ng magkakasama. Hindi kita iiwan diyan okay?]
Mas lalong tumulo ang luha ni Tyrone. Niyakap niya ng mahigpit ang unan niya habang hinahaplos ni Dawson ang buhok niya.
[Hey! Ako naman…] Rinig niya si Ryker. [Bebe Tyrone, kumain ka please… kung pwede lang na mauna na kami diyan ginawa ko na pero kailangan namin ayusin ang maiiwan dito bago pumunta diyan. Sumunod ka kay Dawson. Ayoko naman na magkasakit ka mas lalong ayaw ng Lola mo yun. I love you, bebe.]
[Tyrone, I want to hug you pero baka malate. Kumain ka at magpalakas. Ayaw ni Lola mo na nagkakaganyan ka,] sabi ni Hoshi. [Mumultuhin ka noon kaya kumain ka. Baka kurutin ka noon—Aray!]
[Kung anu-ano ang sinasabi mo diyan. Tyrone, wait for us okay? Huwag mo pabayaan sarili mo diyan. Pupuntahan ka namin promise,] sabi naman ni Flinn.
"Hindi niyo ako iiwan dito?" nanginginig na sabi ni Tyrone. "Ayoko maiwan, hyung."
[Of course hindi ka namin iiwan. Baka nga may iniwan pa si Lola mo na sulat na isama ka namin eh kaya please, bebe… kumain ka at nandiyan para sayo si Dawson. Just wait, bebe. We're just fixing our schedule at ang mga excuse letter sa school. Be strong okay?] Tyrone nodded even Lucas can't see it.
"Sige na, kuya Lucas. Ako na bahala rito. Ingat kayo. Iuupdate ko na lang kayo," sabi ni Dawson.
[Thank you, Dawson. Ingat kayo diyan.]
Nang maputol na ang call ay naupo si Tyrone. Pinunasan ni Dawson ang pisngi niya gamit ang kamay nito habang nakangiti.
"Kain ka na?" Tyrone nodded. "Let's go."
Hawak ni Dawson sa papulsohan si Tyrone. Papalabas sila nang makasalubong nila ang papa ni Tyrone. Napatingin ito sa kamay ni Dawson na nakahawak kay Tyrone. Sa oras na iyon ay si Tyrone na ang nauna maglakad para lampasan ang papa niya.
Sabay na kumain sina Tyrone at Dawson. Laking pasasalamat ni Tyrone na hindi siya kinukulit ni Dawson na magsalita dahil wala talaga siya sa mood. Tahimik silang kumain.
Nang dumating ang 1pm ay dumating na nga ang kahon kung nasaan ang Lola niya. Halos manghina si Tyrone nang makita ito. Ni hindi siya makalapit. Mabuti na lang at nakaaalalay sa kaniya si Dawson dahilan para hindi siya tuluyang matumba. He's crying so loud and Dawson just hugged him tightly.
Hindi pa rin niya matanggap na wala na ang Lola niya. Parang kahapon lang ay masaya pa sila. Ngunit talagang hindi niya inaasahan na iyon na ang huling araw at gabi na makakasama niya pa ng buhay ang Lola niya.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...