Wala na ngang pumigil pa kay Tyrone. Umalis kaagad sila para bumalik sa base. Magkakasama sila sa isang van. Ang driver, si Dawn, Dawson, Lucas, Hoshi, Flinn, Ryker, at siya. Natulog lang siya buong byahe sa balikat ni Ryker na siyang katabi niya. Nagpaalam pa rin siya sa mga magulang niya sa kabila ng nangyari.
After a day he tried to came back to his school, practice, and other stuff. Mahirap pero pinipilit niya. Parati na rin sila magkakasama since tapos na ang mga project ng bawat isa. Binigyan din muna sila ng oras para makapagpahinga at makapagfocus muna sa acads nila.
Malapit na rin ipalalabas ang movie kung saan kasali si Dawson. Hindi nila ineexpect na magkakaroon si Dawson ng kalove team sa movie na iyon ng mapanood nila ang trailer. Ayon din sa kaniya ay wala siyang plano na maging consistent sa love team thingy pero marami pa rin ang nagsiship sa dalawa.
Mas lalong hindi naging madali kay Tyrone ang lahat. Mas naging sensitive siya lalo sa mga bagay-bagay. Mas naging emosyonal ngunit sa kabilang banda ay nananahimik na lang siya. Minsan sa tuwing malalim na ang gabi ay pupunta siya sa bathroom at iiyak ng mag-isa habang nakabukas ang gripo dahil sa pagkamiss sa Lola niya. Hindi naging madali ang lahat para sa kaniya.
"I'm just curious, kuya Tyrone. Bakit nananahimik ka na lang? Baka sumabog ka niyan," sabi ni Dawson habang magkasama sila sa lobby. "Hindi ko sinasabi ito kay kuya dahil nirerespeto kita as my kuya also. But ilang ulit na, kuya Tyrone. Mananahimik ka na lang ba talaga?"
Tyrone sighed because Dawn saw him again being bullied in front of their school when Dawn fetched him. Nagkaroon kasi ng lakad si Dawn at isinama na siya nito pauwi.
"Mas okay na huwag na lang magsalita para hindi na lumala pa. I don't want them to be in trouble because of me, Dawn. Alam mo naman na minsan padalos-dalos sila kapag kami yung naapakan eh. Ayoko na ng gulo," he answered.
"I know na sabi ni kuya Ryker na mas mabuting huwag na pumatol sa mga immature na katulad nila pero namimihasa na sila, kuya Tyrone. It's not good. Sanay? The heck with that! Kaya ba noon wala ka ng pakialam sa mga nagsasabing bakla ka dahil sinasanay mo sarili mo sa sinasabi nila?"
"Dawn, hindi importante if totoo man o hindi. Ayoko na ng gulo. Ayoko na."
Palaging sinasabihan si Tyrone ng bakla ng mga schoolmates niya dahil sa bawat galaw niya. Hindi kasi siya yung tipong lalaking-lalaki kung gumalaw. He's physical features are not into a typical boy lalo na sa broad shoulders that may look of his waist tinier and he's so bubbly like a girl. At hindi sinasabi ni Tyrone na nabubully na siya sa school dahil wala naman nambubully sa kaniya kapag kasama ni Tyrone si Dawson kaso noong nagkaroon ito ng project doon na mas nagsilabasan ang mga bully.
"I don't understand you," Dawn said before she walked out.
Napabuntonghinga na lang siya dahil sa inasta ni Dawn. Kapag may mga babae naman siyang kasama tingin ng tao bakla pa rin siya kaya bakit pa siya mag-aadjust kung kahit saang banda huhusgahan at huhusgahan pa rin siya. He know to himself that's he is not a gay.
Nagkaroon sila ng birthday prank kay Lucas. Lahat sila ay hindi ito pinansin at walang pakialam pero dahil astig si Lucas hindi man lang ito nasurprise dahil ang pangit daw ng prank. Lahat sila ay nag-focus na lang muna sa school at sinabi na rin na magkakaroon sila ng time to spend Christmas with their family and Tyrone doesn't want it.
Nang dumating ang birthday ni Flinn ay hinintay na lang nila ito makabalik dahil sinundo ito ng kaniyang mga magulang. Ni hindi na sila nakapag-plano pa basta nag-celebrate na lang sila hanggang umaga at satisfied na sila basta magkakasama sila.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...