FINAL JOURNEY TYRONE'S POV

169 3 0
                                    

FINAL JOURNEY

"I will never move on and I will never forget because that's the happiest thing that has ever happened in my life. Seyfert's Sextet is my Universe, our fans are my Stars and no matter what happens BRIGHT ENTERTAINMENT our home. STARRY and ARCTURUS become our babies and all the Staff becomes our protector. Why would I ever forget such beautiful days in my life?" Tyrone said while he's biting his lips and trying not to surpass a smile in front of Dawson.

"Let's go," Dawson said.

"Ang dami kong sinabi tapos sasabihin mo lang let's go?" tanong niya dahilan para magulohan si Dawson. "Lumayo ka muna sa akin, Dawson. Nag-iinit ang ulo ko sa'yo. Nasaan na ba yung susundo sa atin? Magdrive ka na lang kaya."

Nang humalakhak si Dawson ay binato niya ito ng dala niyang bag na kaagad naman nitong nasalo. Lumapit ito sa kaniya saka yumakap. Bahagya rin ang mabilisan nitong paghalik sa may leeg niya.

"Nasa baba na sundo natin. Sorry naman na."

Nasa baywang niya ang kamay ni Dawson sa paglabas nila sa bahay. Nagulat sila dahil si Zeyr ang nasa loob ng sasakyan kaya bumaba naman kaagad ito at niyakap silang dalawa. Nakakausap naman nila ito dahil hindi naman nawala ang contact nila kay Zeyr at kahit hindi na sila nito hawak ay nananatili pa rin ang pagiging maalaga nito sa kanila.

"Namiss ko kayo. Sana namiss niyo rin ako," sabi nito sa kaniya sabay hawak sa balikat niya at niyakap siyang muli. "Kamusta ang mga baby ko?"

"Okay lang kami, Zeyr. Ang saya naman. Driver ka na ba ngayon?" tanong niya matapos silang maghiwalay sa pagkakayakap.

"Sa inyo lang ako handang maging driver."

"Musta lovelife, Zeyr?" Dawson asked. "Baka may hindi ka na sinasabi diyan ah."

"Still exploring, Dawson." Tumawa na lang sila pare-pareho. "Let's go baka nandoon na yung iba."

Dumiretso sila sa building at si Harris pa rin ang namamahala ng Bright Entrainment. May anak na itong kambal na 1 year old na sina Heaven at Neveah kay Charis na dating fiancee ni Lucas. Si Dawn naman ay kasalukuyan na ring buntis sa magiging panganay nila ni Hoshi habang pumapatok ang clothing line neto dahil na rin sa pamamahala nilang dalawa. Hindi pa sila kasal dahil gusto ni Dawn na huwag muna dahil gusto niya munang makapanganak at matutong makalakad ang bata kaya civil wedding lang muna ang nakapaloob sa kanilang pagsasama. Pagkarating nila sa building at naglakad sila papasok ay nakahawak siya sa kamay ni Dawson kaya bahagya niya itong hila-hila.

Binati sila ng mga staff at ang iilang malalapit sa kanila ay niyakap nila at alam niyang may pasimple ng naghihimutok sa likuran niya. Pagharap niya ay nakanguso na nga si Dawson at panay ang linga dahil hindi mapirmi kaya hinawakan niya muli ang kamay nito saka hinila mas malapit sa kaniya.

"Tara na?" bulong niya rito.

"Ikaw lang naman hinihintay ko," sagot nito dahilan para pisilin niya ang pisngi nito. "Tyrone."

Nang papasok na sila sa elevetor ay nakita nilang magkasama si Krisstof at Tiara. Tumakbo ang dalawa papalapit sa kanila ng makita sila nito.

"Kuya!" sigaw ni Tiarra. "Namiss ko po kayong dalawa," dagdag pa nito.

Niyakap niya ito gamit ang isang kamay dahil hawak niya pa rin ang kamay ni Dawson. Ganoon din ang ginawa niya kay Krisstof. Yumakap din ang dalawa kay Dawson at ginulo pa bahagya ni Dawson ang buhok ni Tiarra. Masaya silang makita na isa na rin ang dalawang grupo sa talagang patuloy pa rin ang pag-angat. Ang dating baby-baby na si Tiarra ay ibang-iba na rin lalo na at nasa 20 na rin ito. Si Krisstof ay mas lalo pang tumingkad ang pagkagandang lalaki at kasalukuyan na rin itong 24 years old.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon