After the school year, Tyrone already works on his solo. It's a week shooting because they can't do it in just a day. Araw-araw ay may bumibisita sa kaniya sa set. Paminsan-minsan ay talagang nag-istay. Si Dawson ay parating may dalang pagkain para sa kanilang lahat sa tuwing dumarating ito.
Sa first day ay sumama si Dawson sa kaniya at umabot ito ng ilang oras. 2nd day ay dumating magkasama sina Flinn, at Hoshi doon siya nagkaroon ng cut sa kamay kaya naman alalang-alala sina Hoshi at Flinn sa kaniya. Sa ikatlong araw naman ay dumating sina Dawson, Lucas, at Ryker at may dalawang lunch. Sobrang saya ni Tyrone dahil walang mentis ang kaniyang mga kuya. Sa ika-apat na araw ay si Dawson lang ang dumating at iyon ang araw kung saan ito nag-cameo. Sa ika-limang araw ay sumakit ang balikat ni Tyrone dahil sa pagkakabigla sa pagsayaw pero ininda niya ito para sa last shoot. Si Lucas at si Dawson ang siyang kasama niya sa last day ng shoot.
Nang magtabi sila ni Dawson ay doon na nakita muling ang difference ng height nila. Mas matangkad na ulit ng kaunti si Dawson pero hindi naman ito nalalayo sa height niya. Pinanood niya ang mga tapos na scene at ng masatified siya ay saka siya nagpasalamat sa lahat ng staff.
"Good job, guys. Thank you so much," sabi niya bago tuluyan na tumalikod sa mga ito.
Matapos ang lahat ay nakahawak si Tyrone sa balikat niya dahil sa sakit pero bago pa man siya tuluyang makalapit kina Dawson ay nakaapak siya ng basag bote dahilan pala matumba siya sa sobrang sakit. Ang malala pa doon ay sa sandaling natumba siya ay natumba ang isang ladder dahilan para mabagsakan ang kaniyang balikat.
"Tyrone!" sigaw ni Dawson habang papalapit sa kaniya.
Nataranta silang lahat dahil sa pagbagsak ni Tyrone. Nang makita niya ang dugo sa paa niya ay hindi napigilan ni Tyrone na umiyak. Galit na galit si Zeyr dahil sa nangyari. Kaagad na binuhat ni Dawson si Tyrone at si Lucas naman ay nagmamadaling lumabas para kunin ang sasakyan sa garahe.
Halos hindi na niya napansin pa ang mga nangyari hanggang sa madala siya sa hospital. Dahil sa dugo ay nahimatay na siya sa bisig ni Dawson.
Pag-gising niya ay naramdaman niya ang pamamanhid ng paa niya. May benda ito at nakita niya si Dawson na natutulog sa upuan sa tabi niya. He pouted when he saw that his shoulder has a bandage too.
"Hyung." Bahagya niya pang kinalabit si Dawson bago ito nagising. "Ayos lang naman ako diba?" tanong niya kaagad dito.
Umayos ito ng upo at inihilamos pa ang palad sa kaniyang mukha bago tumango. Tila nakahinga siya ng maluwag dahil sa pagtango nito.
"Malalim ang sugat sa paa mo. Hindi ka makakalakad kaagad. Buti na lang talaga at hindi nagkafracture yang balikat mo at nasprain lang. Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat?" Ngumuso si Tyrone bago niya pinagmasdan ang paa niya. "Pwede ka naman na umuwi sabi ng doctor."
"Yeah. Ayoko rin naman dito," sabi niya pa.
Ayaw sumakay ni Tyrone sa wheelchair kaya ang ginawa ni Lucas ay dalawang wheelchair ang kinuha niya sa hospital. Naupo siya rito para maupo rin si Tyrone. Si Dawson ang may tulak sa wheelchair ni Tyrone habang si Ryker naman ang may tulak kay Lucas. Si Flinn ay gusto ng itulak si Hoshi dahil pilit siyang itinutulak-tulak nito.
"Dapat sumakay ka rin, Flinn," sabi ni Hoshi. "Ikaw na lang itutulak ko since wala kang wheelchair."
"Sipain kita diyan nakita mo. Tigilan mo ako!" halos sigaw na niya. "Ikaw kaya sipain ko ng ikaw ang sumakay sa wheelchair?"
"Joke lang. Hindi ka naman na mabiro."
Inayos na ni Zeyr ang lahat kaya nakalabas kaagad sila. May bodyguard din na nakaalalay sa kanila. Nang maisakay na si Tyrone sa sasakyan ay pumasok na rin sina Dawson at Hoshi. Ang apat ay sa sasakyan ni Lucas. Pagdating nila sa bahay ay karga-kargani Dawson si Tyrone paakyat sa k'warto nito kasama si Lucas.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...