"Lola, aalis na po ako." Kinuha ni Tyrone ang bag niya saka siya dali-daling lumabas ng bahay. Suot niya ang damit niyang bihira niya lang gamitin dahil sa isa ito sa pang-alis niyang damit. Napag-desisyonan niyang mag-tatry na mag-audition sa isang boy group total ay pasok ang kaniyang edad para makapag-audition. "Lola? Nasaan ka?!" sigaw niya na para mag-paalam sa kaniyang Lola.
"Apo! Nandito ako sa likod ng bahay!" Napangiti si siya at dali-daling pumaroon. "Aalis ka na ba?" tanong ng Lola niya nang makarating siya sa kinaroroonan nito.
Kasalukuyan itong nagtatanim ng mga gulay at halaman sa likod bahay. Lumapit siya sa Lola niya kaagad sa kaniya at humalik sa pisngi nito na kaagad naman niyang ikinatawa.
"Galingan mo ah." Masayang tumango si Tyrone. "Ang g'wapo-gwapo naman ng apo ko. Manang-mana ka sa tatay mo." Napawi ang ngiti niya nang mabangit ng Lola niya ang tatay pero hindi niya na lang pinahalata ang kaniyang pagkadismaya.
"Aalis na ako, Lola. Baka malate ako ng uwi ah. Depende lang naman, Lola. Ingat ka dito at huwag mo masyado pagurin ang sarili mo." Parang langaw siyang itaboy ng Lola niya dahil alam na alam na nito ang mga galawan niya. "Lola naman eh."
Tumatawa siya at ginulo ang buhok ng kaniyang apo. "Sige na. Baka hindi ka makahabol. Dali na. Kaya mo ba talaga mag-isa? Sure ka? Gusto mo samahan kita?
"Ayos na ako, Lola. Alam ko naman na po ang sakayan. Kailangan ko na po magpractice mag-isa para sa pagpasok ko sa high school."
"Mag-iingat ka," sabi ng Lola niya at tumango siya bago tuluyang kumaway.
Pagkalabas ng bahay ay dumiretso siya sa sakayan ng tricycle. Hindi sila mayaman at Lola lang niya ang kasama niya sa buhay. Hindi rin siya yung tipong may kaibigan dahil casual lang siya sa lahat. Yun siya eh.
Pagkarating niya sa isang kumpanya ay pinakita niya lang ang isang dokumento na kasali siya sa mag-aaudition. Online kasi nagpasa ng mga requirements kaya naman may dokumento lang na ipinaprint sa kanila para makapasok dahil may code ito. Napakasupportive ng Lola niya at ito ang may gusto at parating nag-aalaga sa kaniya dahil ang kaniyang mga magulang ay hindi sang-ayon sa ginagawa niya ngayon. Tinulungan siya ng kapitbahay nila para makapagregister.
Hiwalay ang kaniyang mga magulang kaya lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang Lola. Ang nanay ay may dalawang anak sa ibang lalaki. Ang tatay niya naman ay may isang anak sa ibang babae. Nang maghiwalay ang mga magulang niya noong bata pa lamang siya naiwan na siya sa lola niya, sa mama ng papa niya. Parati niya lang din na iniisip na ganun ba siya kadaling bitawan para ni isa ay wala man lang sa kanyang kumuha.
Mag-isa siyang naglalakad papunta sa silid na itinuro sa kaniya at pagpasok niya ay marami na rin tao. Nasa dance studio siya ngayon kasama ang iba. Ang iba ay nasa ibang palapag din. It actually has a different level of audition. Level 1, someone will hear their voice in a different genre if nakapasa sila mapupunta sila sa dance audition level. After that month training, dancing, and singing para makita kung sino yung kaya ipag-sabay ang dalawa. After noon doon pa lang ang simula ng lahat. Ipagsasama-sama ang napili at doon na magsisimula ang training hanggang sa makuha na nila ang lucky 7 na pagsasama-samahin. Pito lang ang kailangan nila sa grupo kaya bawat linggo magtatanggal sila.
Kaagad silang tinipon. Marami nagsasabi na wala naman siyang boses, na dapat itigil niya na ang kaniyang kabaliwan. Parati sinasabi ng mga magulang niya na mag-aral na lang daw siya kasi wala naman siyang mapapala sa pagkanta. Kung ano man kajolly ang mukha ni Tyrone ay siyang kabaliktaran ng klase ng kaniyang boses. His voice is indeed classified as a lyric baritone by true vocal experts yun ang sabi ng isa sa mga naging music instructor na nakilala niya noon sa school. The quality of his voice fits the traits as one as, it's husky, deep, sometimes rough, warm, thick and soulful paliwanag pa sa kaniya kaya hinahayaan niya na lang ang mga tao na sabihin ang gusto nila sabihin dahil alam niya kung ano ang meron siya.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Rastgele[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...