Panay lang ang tanaw ni Dawson kay Tyrone dahil kahit kinaumagahan na ay hindi pa rin siya pinansin nito. Magkasama sila sa k'warto pero nakipag-siksikan si Tyrone kay Lucas sa taas. Mag-isa si Dawson na natulog sa unang palapag ng double deck na talagang parating nakatingin at nakamasid sa kilos ni Tyrone. Napapailing na lang si Dawson na kitang-kita naman ni Tyrone.
Lumapit si Ryker kay Dawson at kita iyon ni Tyrone sa peripheral vision niya. Magkatabi si Lucas at Tyrone na nanonood ng iilang mga dance cover sa cellphone ni Lucas. Nagtatawanan ito kaya naman nag-iwas tingin si Dawson.
"So you two are close right?" Tyrone heard when Ryker asked Dawson. "Why are you ignoring each other?"
"He's mad." Dawson chuckled. "I guess he doesn't want me here," he said jokily.
Tumayo si Tyrone at dumiretso sa k'warto. Nahiga siya at nagkunwaring natutulog. May break sila kaya naman nakakapag-pahinga pa naman sila. Mas magiging istrikto raw ang training kapag buo na sila. Hindi naman sa ayaw niya kasama si Dawson dahil mas komportable na siya rito dahil sa isa na rin ito sa mukhang kuya niya.
Napabuntonghinga siya habang nakatanaw sa kisame. Hindi yun ang point niya. Naiinis siya kasi bakit kailangan ipagpalit ni Dawson ang mas magandang opportunity para sa sitwasyon niya. Kung papipiliin siya ay doon niya gugustuhin makapasok pero masaya siya dahil sa mga kuya na nakakasama niya. Nagkaroon siya ng kaibigan.
Dahil sa wala magawa ay kinuha ni Tyrone ang cellphone niya sa bag niya at kaagad na tinawagan ang kaniyang Lola.
"Lola, miss na miss na kita."
Humalakhak ang Lola niya sa kabilang linya kaya naman niyakap niya ang unan niya. [Bibisitahin ko kayo. Kaya ko. Magdadala ako ng pagkain. May isang buong araw naman akong access diyan. Gusto mo ba sa linggo?] Nakangiti si Tyrone habang kausap niya ang kaniyang Lola at makikita sa mata nito ang buong kagalakan.
"Pwede po ba? Miss na kita eh." Napalingon si Tyrone sa pinto nang bumukas ito. "Lola, nandito si Dawson. Kakausapin mo?" tanong niya sa Lola niya dahil ayaw niya na maghinala ito dahil mas hindi sila nito tatantanan.
Tila natuod pa si Dawson sa may pinto bago tuluyang pumasok at hinayaan na nakabukas lang ang pinto. Lumapit siya kay Tyrone at naupo sa tabi nito habajg siya ay nakahiga.
[Sige. Naku namimiss ko na rin ang batang yan.] Malamig ang ekspresyon ni Tyrone na iniabot kay Dawson ang cellphone. Naka-loudspeaker ito kaya rinig niya pa rin. [Dawson, malapit na mag-pasukan. Siguraduhin mo sa akin na papasok ka hah? Ayoko na tumigil ka. Nasa kontrata rin na pwede kayo mag-aral kaya mag-aral ka at bantayan mo yang isa kong apo.]
"Yes, Lola. Bibisita ka ba?" tanong ni Dawson.
[Oo. Magdadala ako ng pagkain para sa inyo.]
Humalakhak si Dawson at bahagyang naghilamos ng kaniyang mukha gamit ang isa niyang kamay habang si Tyrone ay nakatingin lamang sa kisame.
"Lola, tatawagan ko si Dawn na puntahan ka at samahan ka."
Naningkit ang mga mata ni Tyrone dahil sa nasa isip niya. Nagkakilala na kaya sila ng Lola ko? Hindi mapigilan ni Tyrone na hindi mag-isip ng kung anu-ano.
[Bibisita rin ba ang batang iyon saiyo?]
"Opo kaya sabay po kayo. Sasabihan ko siya na puntahan ka bago pumunta rito."
Matapos ang kanilang pag-uusap ay pumasok si Lucas at umakbay kay Dawson. Magkatabi itong nakaupo at last na pumasok si Ryker na nahiga naman sa tabi ni Tyrone at yumakap sa may baywang nito.
"So your grandmother will visit us?" Ryker asked. Tyrone nodded. "And his little sister is with her too? So your family is close huh?"
"Kakikilala lang ng kapatid ko sa Lola niya noong isang araw na hindi ako tinantanan ng kapatid ko. And almost a month pa lang kami magkasama ni Tyrone," paliwanag ni Dawson.
Kinurot ni Tyrone ang hita ni Dawson dahilan para mapahiyaw ito sa sakit.
"Why did you choose this rather than that company?" tanong ni Tyrone para matigilan si Dawson sa pagreklamo ng sakit ng pangungurot nito sa kaniya. "Why?"
Hindi lang si Tyrone ang nag-aantay ng sagot dahil maging sina Ryker at Lucas ay nakatingin lang kay Dawson.
"I want to start not being on top. Tyrone is the first friend I treasure the most." Tyrone shrugged his shoulders. "When I am with him I am true and enjoying my life. I felt like he's bringing out the real me. His Lola and I agreed on this. Nadulas ang kapatid ko na bulakbol ako sa school at halos pasang-awa parati at talagang kailangan ko umulit ng grade 8 this year. Napagalitan ako ni Lola." Natawa pa ito bahagya sa pagkikwento habang si Tyrone ay naguguluhan kung bakit natutuwa pa ito.
"Bakit ka natatawa?" Naunahan ni Lucas si Tyrone sa pagtatanong kaya naman nanahimik na lang si Tyrone at nag-aantay ng tanong.
"Kasi, that's the first time na napagalitan ako na hindi disappointed sa akin." Tumingin si Dawson sa gawi ni Tyrone. "Your Lola made me feel like there's no need for me to always be on top. All I have to do is be myself, enjoy my life but know that I am a student with responsibility. My parents aren't like that. They see me as a threat to the family reputation and they are disappointed in me. I am doing it because I just want to feel them because they are saving other people's lives but they are drowning me in sadness. Sinusuportahan naman nila ako pero wala naman talaga silang alam. And I am doing because this is part of my happiness."
Matapos ang lahat ay naiwan si Tyrone sa k'warto. Nagpalit ng damit si Dawson habang si Tyrone naman ay nakatingin lang sa kaniya.
"Are you still mad?" Dawson asked while fixing his clothes. "Don't be mad. Ayaw mo ba na kasama ako? Bunso pa naman na kita."
"Stop englising me. Kanina ka pa!" sigaw ni Tyrone bago tumayo at naglakad palalabas. "Nasasayangan lang ako pero iyon gusto mo kaya sige, support." Ramdam kasi ni Tyrone na nakasunod lang din naman sa kaniya si Dawson.
Lumabas ang dalawa na magka-akbay na. Nagtake lang sila ng voice lesson to practice and learn what kind of voice they are into. Maging sina Ryker at Lucas ay nakikipagkulitan na rin sa kanila.
"Sino kaya ang dalawa na makakasama natin? Kailan ba dating nila, Ryker Hyung?" he asked while drinking water.
"Next week siguro. But I'm not sure if there's a new member. Nahihirapan sila maghanap dahil sa kaunti lang ang nag-aaudition at hindi naman sila basta-basta pumili lang ng may itsura. Talents over looks, bunos na lang yung looks."
Nagkibit-balikat na lang din si Dawson at sabay-sabay silang lumabas ng music room. Doon lang sinabi ni Ryker na may mga hidden camera sa lahat ng room maliban sa walk-in closet nila at comfort room.
Kinaumagahan ay nauna magising si Tyrone. Maaga nagising ang apat at nag-ayos. He also wash the dishes and Dawson and Lucas prepare their breakfast while Ryker is filming them with a camera that the staff gave them.
Hindi nga siya nagkamali ng maaga dumating ang Lola niya kasama nito ang kapatid ni Dawson na pinagpipipikon lang ng kuya niya.
"I hate you! You're not the reason why I visit here. It's actually kuya Tyrone, not you!"
Kanina pa kasi nagbabangayan ang magkapatid. Pati si Lola Felly ay talagang hindi na pinansin pa ang dalawa dahil nag-focus ito sa pangungumusta sa kaniyang apo.
"Ayos ka lang naman ba rito, apo?" Tyrone nodded while he's eating pineapple. "Kamusta naman ba sila?"
"Parang nagkaroon na ako ng mga nakatatandang kapatid, Lola. Binibaby nga nila ako rito kaya huwag ka po mag-alala. Kaya ikaw parati ka rin magsasabi ng totoo sa akin lalo na pagdating sa kalusugan mo ah."
Bahagya siyang hinampas nito sa siko kaya naman napangiwi siya. Napatingin pa siya sa gawi nina Lucas at Ryker na tinatawanan siya kaya nginusuan niya ito at tinignan ng masama.
"Mas matanda ako sayo kaya huwag mo ako pangaralang bata ka."
Lahat sila ay sama-samang kumain ng tanghalian. Si Lola Felly ang nagluto para sa kanilang lahat. Si Dawn ay medyo nakakasundo si Ryker na kasa-kasama nito kaysa sa kuya niya. Si Tyrone naman ay laging nakabuntot kay Lucas kaya naman si Dawson ang parating nakabuntot sa Lola ni Tyrone.
Naging masaya ang pananghalian nila. Lumabas din sila at pumasyal sa labas. Kumain lang sila ng street foods at dumiretso sa isang ice cream parlor. Masayang-masaya ang mga bata at kitang-kita sa mukha nito ang galak. Sa wakas ay nakagala na sila na walang inaalala dahil ang tanging mahalaga ay nakalabas muli sila.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...