Hinayaan na lang niya na tuluyang tumakas ang nakamotor. Pinunasan niya ang mga luha niya bago nagmaneho ulit at kaagad din na nagpark pero pagkababa niya ay nagulat siya dahil nagmamadaling susakay sina Dawn sa sasakyan.
"Dawn!"
"Kuya! Kay kuya Tyrone na ako sasabay. Huwag niyo akong simulan ngayon please lang, mommy." Nang makalapit ito sa kaniya ay dali-dali siyang hinila nito palapit sasakyan niya. "Naaksidente si kuya Dawson. Kailangan natin pumunta sa hospital. Sayo na ako sasabay. Let's go-" Kamuntikan sana siyang matumba mabuti na lang at napahawak siya sa hood ng sasakyan. "Fine, I'll drive, kuya. Pasok na."
Inalalayan siya nito na makapasok a loob. Pareho na silang basa dahil sa ulan. Pagpasok at pagkaupo niya ay isinandal niya ang ulo niyansa may bintana. Pati pagsuot ng seatbelt ay hindi na niya maayos pa.
"What happened, Dawn? Why?"
"Paauwi na ata siya. Nakamotor lang din si kuya. I don't know what exactly happened, kuya Tyrone. Pahinga ka na muna. Namumutla ka na."
Nanatiling nakadilat ang mga mata niya habang nakasandal ang ulo sa may bintana at nakatingin sa labas. Nakatulala lang siya habang patuloy lang sa pag-agos ang mga luha niya sa kaniyang pisngi. Paminsan-minsan ay pinupunasan niya ito gamit ang palad niya pero panay pa rin ang pagtulo nito.
Nang makarating sila sa hospital ay kaagad nilang nakita na ipapasok pa lang si Dawson sa loob. Nakita niya na duguan ito at walang malay. Tinakbo niya ang direksyon nito at hinawakan ang kamay ni Dawson.
"Hyung, wake up. Hyung!"
"Kasalanan mo ito," sabi ng mommy ni Dawson sa kaniya at halata ang gigil nito. "Bakit ka ba kasi nakilala ng anak ko?"
"Mommy, we're in the hospital. There's a lot of people. Don't make a scene. Walang alam ang publiko sa nangyayari. Please, mommy."
"Hindi ko iiwan si Dawson, Dra. Pasensiya na pero hindi ako lalayo sa anak niyo dahil alam ko na hindi rin papayag na malayo sa akin. Parang awa niyo na. Hayaan niyo na kami, Dra."
Lumingon ito sa paligid bago ibinalik sa kaniya ang paningin nito bago siya nito tuluyang tinalikuran at iniwan. Wala na siyang pakialam sa mga nakakakita basta ang mahalaga ay ang kalagayan ni Dawson. Hinila siya ni Dawn at niyakap dahil sa may nga taong nakakakita.
"It's okay, kuya Tyrone. Magiging ayos si kuya." Sa hindi malaman na kadahilanan ay nahilo si Tyrone.
Nagising siya ay nasa kama na siya. Pagtingin niya sa tabi niya ay busy si Lucas na nagbabasa ng libro ni Ryker. Si Hoshi nakahiga sa sofa at nakahiga sa lap ni Ryker na tulog din habang nakaupo. Si Flinn naman ay nakaupo at nagcecellphone sa lapag habang nakasandal sa hita ni Ryker ang ulo nito.
"Hyung," bulong niya. Isinara kaagad ni Lucas ang libro saka lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ang pisngi niya saka hinalikan ang kamay niya. "Hyung, anong nangyari?"
"Bebe, bata ka naman ganyan? Grabe mas lalo niyo akong pinakakaba. Parati na lang kayo nagsasabay ni Dawson. Gusto niyo bang atakehin ako sa puso? Nagugulat na lang ako sa mga emergency call na natatanggap ko."
"Si Dawson?"
"Don't worry stable naman na. Mabuti na lang talaga at sa puno siya bumangga. Baka matagalan lang siya magising dahil iwan ko ba sainyo, wala kayong kain, at sapat na tulog. Malilintikan talaga kayo, simula ngayon ikaw sa akin ka titira. Kayong dalawa. Nangigigil ako sa inyo!"
Lumapit si Ryker sa may kabila ng kama at hinawakan din ang kamay niya. Ngumiti ito sa kaniya saka bahagyang inayos ang buhok niyang natatakpan na ang mata niya.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...