Nagkagulatan sila dahil sa tawag ni Hoshi. Nasa isang private bar daw sila at pilit nilang iniuuwi si Ryker pero nahihirapan silang pakalmahin ito. Tinawagan na rin daw si Zeyr dahil kailangan nilang mailabas ito na walang mga tao ang nakakaalam sa nangyayari.
Kaagad na nagdrive si Dawson papunta sa lugar. Kabadong-kabado na siya dahil sa unang pagkakataon ay naglasing ng ganoon si Ryker. Sa kanilang lahat ito ang hindi nalalasing dahil nililimatahan nito ang sarili sa paglalasing at ito rin ang nagiging bantay nila kaya hindi ito nagpapakalasing.
Pagdating nila sa bar ay dumiretso sila sa room kung nasaan ang mga ito. Kaagad niyang niyakap si Ryker na umiiyak na. Hindi niya alam ang gagawin ang tanging alam niya ay nasasaktan ito.
"Hyung, nandito na ako. Uuwi na tayo, hyung. Nandito ako, hyung. Uwi na tayo... okay?"
"Tyrone," Ryker whispered. "Masakit. Ang sakit-sakit."
"Alam ko. Naiintindihan ko, hyung. Okay lang. Okay lang. Alam ko na, shh... Uuwi na tayo. Nandito lang kami."
Tinulungan siya ni Dawson na itayo si Ryker. Umiiyak na rin si Hoshi sa tabi kaya naman nilapitan niya ito. Si Hoshi ang pinakamakulit sa kanila, ito ang masasabing happy pill ng grupo pero once na umiyak na ito ibig sabihin hindi na niya kaya.
"Magiging ayos lang tayo, hyung. Shh... Iuuwi na muna natin siya."
Nakaabang si Zeyr sa kanila sa labas. Isinuot ni Dawson ang hoodie nito kay Ryker kaya nakasleeveless na lang ito. Nakaalalay siya sa likod ni Ryker habang nakasakbit ang kamay niya sa braso ni Hoshi at sabay silang lumabas. Mabuti na lang at masyadong busy ang mga tao kaya hindi sila masyadong napansin ng mga ito dahil nakaka-cap sila ni Hoshi at nakamask naman si Dawson.
Paglalabas nila ay kaagad na ipinagdrive sila ni Zeyr papunta sa subdivision kung saan nakatira si Ryker. Hindi ito nagcondo dahil ayaw daw nito. Pagpasok nila ay kilala naman na sila ng guard nito kaya nakapasok na sila. Pagdating nila sa bahay ay nasa labas si Lucas.
"Hyung, anong ginagawa mo rito?" tanong niya kaagad matapos niyang makababa sa sasakyan. "Lasing na lasing si kuya Ryker."
Pagbaba ni Ryker at nahihilo pa ito dahil kamuntikan pa itong matumba mabuti na lang at nakaalalay si Dawson sa likod nito. Nang makapasok na sila ay kaagad nilang inihiga si Ryker sa couch.
Dumating na rin si Flinn at isa rin itong hindi ayos dahil sa ayos nito. Magulo ang buhok nito at amoy alak din. Lahat sila ay hindi ayos kaya pati siya ay naiiyak na dahil sa nakikita nitong mga ayos ng kuya niya.
"What's happening to you?" Zeyr asked. "What's happening to you?! Ano ba, Seyfert's Sextet?! Anong ginagawa niyo sa buhay niyo?!" Nasa isang tabi si Hoshi at umiiyak habang si Flinn naman ay nakayuko. "Hindi kayo ito. Bakit?"
"Sorry, Zeyr," he whispered.
"Alam ko na may namamagitan sa inyo ni Dawson, Tyrone. Alam ko na may iba sa inyo ni Ryker, Lucas. Alam ko na may babaeng kinahuhumalingan ka, Hoshi. Alam ko na mahirap ang sitwasyon mo, Flinn. Pero huwag niyo naman ako ganitohin," Zeyr almost whispered. "Hindi na lang ito tungkol sa trabaho. Kapatid na rin ang turing ko sa inyo pero nahihirapan na rin akong makitang ganito kayo."
Iyak na nang iyak si Hoshi kaya niyakap na ito ni Flinn. Paglingon niya kay Dawson ay nagpipigil na rin ito dahil kagat-kagat na nito ang labi nito kaya yumuko na lang din siya. Si Lucas ay nakatayo at nakayuko na rin pero si Ryker ay nakatakip ang isang palad sa mukha habang tahimik na umiiyak.
"Ayusin niyo na ito," bulong ni Zeyr bago tumalikod sa kanila. "Sa atin lang ito kaya parang awa niyo na ayusin niyo na ito." At tuluyan ng umuwi.
Pagkaalis ni Zeyr ay napaupo na sa lapag si Tyrone habang umiiyak. Hagulhol siya ng hagulhol. Makita lang na nagkakaganito ang bawat isa sa kanila hindi na niya kaya pa.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...