Journey #55

121 2 0
                                    

This is Seyfert's Sextet final journey. There's a lot of typo errors that may be encountered because it's still unedited. This story is not just focused on Dawson and Tyrone's story, it's more focused on group journeys or the journey of Seyfert's Sextet. Each of them will have a character or point of view revelation. It will start with Lucas going to Ryker, Hoshi, Flinn, Dawson, and the last one Tyrone's point of you that may tackle the present time. Thank you for supporting this story and taking up time to be with this journey of this story.

----------------

Nag-celebrate sila ng new year kasama ang pamilya nila. Maging ang mga magulang niya at ang pamilya nito ay lumuwas din para makasama siya. Pumunta lang sila sa isang restaurant at doon nag-celebrate ng new year. Magkakasama sila ng mga magulang niya kasama ang tatlong kapatid niya. Napag-alaman niya rin na nanood ito noong unang araw ng concert nila.

Matapos mag-celebrate kasama ang kani-kanilang pamilya ay bumalik siya sa hotel. Nadatnan niya si Hoshi na kasama ang kapatid nito sa k'warto nito. Nakipagkamustahan siya rito bago niya iniwan ang dalawang magkapatid.

Pagpasok niya sa room niya ay nagulat siya dahil sa pagtunog ng phone niya. Kaagad niya itong kinuha sa bulsa niya at nakita ang message na galing kay Dawson.

Dawson;

Sa rooftop.

Napabuntonghinga hininga na lang siya bago tamad na tamad na lumabas ulit. Dumiretso siya sa elevator at pinindot ang rooftop. Nagcecellphone lang siya habang paakyat ang elevator.

Pagdating niya ay simpleng liwanag lang naman ang kita niya. Nang makita niya si Dawson na nasa pinakadulo ay nilapitan niya kaagad ito. Isinandal niya ang likod niya sa barandila at nagscroll sa phone niya dahil tinitignan niya ang mga pictures nila ng kapatid niyang sina Aisha, Adrian, at Alexa. Napangiti pa siya kaya hindi niya napansin kaagad na nasa harapan na si Dawson at nakakulong na siya sa magkabilang braso nito na nakahawak sa barandila ng building.

"Happy new year," sabi niya bilang pagbati. "Ano kailangan mo? Bakit nandito tayo?" tanong niya saka itinago ang phone sa bulsa ng shorts niya. "Baka may cctv dito, Dawson." Nilibot niya ang paningin niya sa paligid ngunit bigla na lang hinawakan ni Dawson ang magkabilang pisngi niya saka siya hinalikan.

"There's no cctv in here because Charis already made something. Sa kanila kaya ang hotel na ito.... I mean sa kanila." Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Nag-request ako na dalawang araw na no cctv dito and bawal yung iba. Is that okay? Don't worry too much. Tayo lang nandito.Ngayon tsaka bukas kasi dito tayo magsesetup for our last live after the concert."

Isinandal na niya ng tuluyang ang likod niya sa harang bago tumalikod kay Dawson. Sobrang lamig ng hangin dahil madaling araw na. Tanaw na tanaw ang ilang sa mga lungsod kaya sobrang ganda sa paningin. Dawson embraced his waist and put his chin on his shoulder.

"The city is very beautiful," he whispered.

"You're beautiful than that city." Natawa siya saka napailing sa sinabi nito. "I'm serious. I'm whipped on your beauty. Dami kong kaagaw sayo pero syempre akin ka lang."

"Stop it, Hyung. You're making me shy," he said while smirking.

He felt Dawson's lips on his earlobe. "You're my everything, always remember that." He nodded before Dawson let go of his waist and he faced him.

He kissed Dawson's forehead with a smile on his lips. "I hope we're together forever," he whispered.

Kinuha ni Dawson ang kamay niya habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Isinandal niya na muli ang likod niya sa barandila sa rooftop. Hinalikan ni Dawson ang likod ng palad niya habang diretso ang tingin sa mga mata niya.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon