Journey #16

67 2 0
                                    

Nagpatuloy sa pag-aaral ang anim kasabay na mas lalo pa nilang pagtitraining. Dahil sa Bright Entrainment ay mas pinag-iigihan nila ang pagtitraining para sa susunod pa nilang MV, Dance choreography, photoshoot, at marami pang iba. Dahil na rin sa creativity nila ay pati sila ay may naiimbag na rin sa larangan na tinatahak nila. Dahil bawat isa sa kanila ay talagang into entertainment ang nais na kunin sa kolehiyo.

Lucas knows how to write a song while Ryker is into rap. Si Flinn naman ay may alam sa pag-tono nito sa gitara na nakakatulong kay Lucas. Lahat sila ay tuluyan ng nilamon ng school at dance studio/music room. Wala na silang ibang ginagawa pa. Excuse na rin sila sa school kung minsan kapag talagang kailangan na nilang habulin ang oras sa pagpa-practice.

Halos hindi na nga nila namamalayan ang pagtakbo ng oras. Buwan na ang lumipas matapos ang first music video nila. Hindi man ito masyado pumatok pero may mga susunod naman silang ginawang project. Alam naman nila hindi madali ang mga bagay-bagay. Ano man ang mangyari ay hindi nakakalimot si Tyrone na araw-araw na tumawag sa Lola niya.

Ni hindi na nga masyado pang nakikipag-halubilo ang bawat isa sa kanila sa mga kaklase nila at maging sa mga group works ay talagang ambag na lang ang talagang naibibigay nila pero wala na ang presences. Hindi na inaabot pa ng oras nila ang mga bagay-bagay na ginagawa ng mga normal na teenagers.

Lucas is a type of person na nagiging nanay na nila. He's talkative and acts like a mom. Ryker is the one who is so serious not all the time but depends on time and he's giving a dad vibe to the group. Hoshi is a cute one and he's a bestfriend material. Flinn is a cold yet can be melted by his group members. Dawson is close to Lucas and he is Lucas' baby while Tyrone is the younger one and everyone's baby.

Pinakamatangkad sa kanilang lahat si Lucas na 5'6 katulad ni Ryler pero nasa 5'4 siya mas matangkad pa rin talaga si Lucas. Sumunod si  Dawson 5'3, Flinn 5'1, at Hoshi 5'2 at si Tyrone naman ay nasa 5'0 lahat sila ay nasa 5. Hindi nagkakalayo ang height ni Tyrone kina Flinn at Hoshi pero dahil bunso at bata pa si Tyrone talaga ang pinakamababa sa kanila. Everyone is now comfortable with each other kaya naman hindi na rin hirap pa sa mga bagay-bagay si Tyrone.

"Sorry hindi ako makakasama. Ito na ang ambag ko. Salamat pa rin sa pagconsider," sabi ni Tyrone sa mga kagrupo niya sa isang presentation. "Pasensya na hindi talaga kasi ako pwede umabsent sa practice namin."

"Okay lang. Naintindihan namin at least ikaw may ambag kesa naman sa iba na parating kasama wala naman ambag," sagot ng group leader nila. "Basta kapag sumikat kayo ah pahingi ako ng autograph tapos ano pwede ko ba mahingi number ni Dawson?"

"Itatanong ko kung pwede."

Ayaw naman ibigay na lang ni Tyrone basta ang number ni Dawson dahil baka siya naman ang kagalitan nito. Ayaw na ayaw ni Lucas na ipinabibigay nila ang number nito kaya talagang bago magbigay si Tyrone sa humihingi ay nag-aantay siya ng signal ng mga kuya niya.

"Sige ah. Basta kapag naibigay mo sa akin kahit huwag ka na mag-answer sa mga nakaassign sayo ako na bahala," sabay kindat ng kaklase niya.

Nang makita ni Tyrone na nag-aantay na sa labas si Dawson ay dali-dali na siyang nagpaalam sa mga kagrupo niya. Nang makalabas na siya ay kagad niyang nilapaitan si Dawson. Kailangan niya itry na maibigay ang number ni Dawson para na rin hindi na siya gumawa pa ng naka-assign sa kaniyang question. Advantage na niya yun para makapagpahinga pa ng matagal-tagal.

"May nanghihingi ng number mo. Group leader namin sa dalawang act. Pwede ko ba ibigay?" Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Dawson na tila hindi ito nasiyahan. "Replayan mo na lang kapag nagtext tapos kung ayaw mo talaga makatext eh deh  diretsohin mo. Okay lang kasi na hindi ko na sagutan yung naka-assign sa akin na anim na questions basta maibigay ko yung number—"

Hindi na natapos pa ni Tyrone ang sasabihan niya nang bigla na lang sumabat si Dawson na ikinagulat niya. Dawson is standing cool in front of him habang nakahawak sa strap ng bag nito ang isang kamay at nasa loob ng bulsa ng pants nito ang isa.

"Ibigay mo na. Bilisan mo, uuwi na tayo." Kaagad siyang iniwan nito at hindi makapaniwala.

Dali-daling bumalik sa loob si Tyrone at ibinigay ang numero ni Dawson sa group leader nila. Nang matapos ay tumakbo kaagad ni Tyrone para maabutan si Dawson. Naabutan niya ito habang palabas na sa school. Nag-aantay na rin si Flinn dahil may research itong ginawa kaya sabay-sabay na silang uuwi.

Kaagad silang nag-practice ng 5 hours bago bumalik sa base. Next week ay final exam na ni Dawson at bago iyon ay may shoot sila sa isang choreography. At hindi natutuwa si Dawson nang malaman niya iyon.

Busy ang lahat dahil pafinals na nila. Graduating sina Hoshi at Ryker at moving up naman ang kay Dawson. They're really indeed busy people. Mauuna mag-exam sina Dawson kaysa kina Flinn at Tyrone kaya hindi talaga nila ginagambala si Dawson para makapag-advance review na ito dahil sa may shoot sila the day before his exam.

Si Lucas ang panay ang gawa sa gawaing bahay kahit busy din ito. Si Tyrone naman ang tumutulong sa kaniya maging si Flinn ngunit karamihan talaga sa mabibigat na gawain ay salo ni Lucas. Katulad ng si Tyrone ang naghuhugas, nagliligpit, nagpupunas ng mesa after kumain, at taga ayos ng closet. Si Flinn naman ang naglalaba, nagsasaing, at nag-aayos ng mga gamit sa living room. Si Lucas ang all around kaya naman minsan ay wala na itong oras pa na magpahinga.

After a day of shooting a dance cover and a vocal training of them, Dawson is so busy reviewing along with Hoshi and Ryker. Kahit ang makulit na si Tyrone ay hindi talaga nang-iistorbo. Nakaupo lang si Tyrone sa isang couch habang nakayakap siya kay Flinn na walang pakialam.

Nang sumulyap si Dawson at nakita ang posisyon na iyon ni Tyrone kay Flinn ay kumaway naman siya kay Dawson. Nang sumenyas si Dawson na lumapit ay kaagad naman na tumayo si Tyrone saka lumapit kay Dawson.

"Why?" Tyrone asked.

"Wala ka bang ibang gagawin?" Umiling kaagad siya. "Anything? Sure?" He nodded. "Then stay here and help me to review. Ask me those questions na nasa reviewer ko." Kaagad naman na tumango si Tyrone at tinulungan nga si Dawson sa pagrereview nito.

Nang makalipas na ang halos dalawang oras ay nakatulog na si Tyrone sa hita ni Dawson. Patuloy pa rin sa pagrereview si Dawson kahit na ramdam na niya ang pagod at ang pangangalay ng mga hita niya. Nakapailalim ito sa study table at nakahiga naman sa hita niya si Tyrone.

Medyo naalimpungatan si Tyrone ng tapikin siya ni Dawson sa pisngi. Kinusot-kusot niya pa ang mga mata niya bago naupo na tila lutang pa dahil sa kagigising pa lang.

"Ouch. Aray ko. Aw." Inaantok na nilingon ni Tyrone si Dawson na dahan-dahan na iniaangat ang paa. "Sh*t aray."

Nang ngumisi si Tyrone ay kaagad na naalarma si Dawson. Wala siyang magawa dahil sa nangangalay ang mga binti niya kaya nagawa ni Tyrone ang nais niya. Pilit niya iginagalaw at hinahawakan ang binti ni Dawson dahilan para mas lalong humiyaw si Dawson.

"Tyrone Davis Lee!" sigaw ni Dawson na halos gumulong na sa sahig. "You ah!"

Tawang-tawa naman ang apat dahil sa ginagawa ni Tyrone kay Dawson. Pati si Hoshi ay tumulong na kay Tyrone kaya naman mas lalo pa nilang pinahirapan si Dawson. Tawang-tawa si Tyrone na tila yun na ang pinakamasayang nangyari sa buhay niya habang mangiyak-ngiyak na si Dawson.

Nang mahimasmasan na si Dawson ay kaagad niyang hinabol si Tyrone. Mabilis na tumakbo si Tyrone upang hindi siya maabutan ni Dawson. Panay ang lingon niya sa likuran niya para masigurado na hindi siya mahuli ni Dawson.

"Tyrone Davis Lee!"

Halos paikot-ikot lang sila sa living room kaya naman pati si Tyrone ay napapagod na rin sa pagtakbo.

"Awat na. Ayoko na, Dawson-hyung.Pagod na ako."

Sumenyas si Dawson na lumapit siya kaya naman nakangising sinunod na lang niya ito dahil pagod na pagod na talaga siya. Nang makalapit ay pinitik siya nito sa noo habang ang kamay nito ay nakahawak pa rin sa  leeg niya.

"Wala na. Tiklop na naman ang isang Dawson Cromwell Suarez sa isang Tyrone Davis Lee," tamad na tamad na sambit ni Flinn bago ngumiti ng bahagya.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon