"Bilis na putek!" sigaw ni Ryker. "Aabot tayo, bebe."
Tumatakbo siya habang inaayos ang kaniyang necktie. Hawak naman ni Dawson ang suit niya habang tumakbo. Si Lucas naman ang may hawak ng kaniyang toga habang si Hoshi naman ang may hawak ng graduation gown, samantalang si Flinn naman ang may hawak ng program.
Pagkapasok nila sa venue ay dali-daling isinuot sa kaniya ni Lucas ang toga niya. Hindi na siya umabot sa pagmartsa pero nakaabot naman sila sa pagkuha ng award at diploma.
Akala niya ay hindi na siya makakaattend since nagkaroon sila ng online interview dahil sa isang international channel. Matapos ito ay hinila kaagad siya ni Lucas at kani-kaniyang dala na ito ng mga gamit niya dahil aattend daw sila.
Matapos ang program ay sama-sama silang nagpapicture. Sobrang saya niya dahil umabot siya. Iniyakan niya talaga si Lucas dahil gusto niya umattend sa kaniyang graduation day.
"We'll go to a restaurant. Tara na," sabi ni Lucas habang nakaakbay si Ryker sa kaniya.
Nagulat si Tyrone dahil sa mamahaling restaurant sila pumunta. Ang daming kung anu-ano sa plato nila na hindi naman niya maintindihan. Sobrang mahal ng pagkain at madami pero lahat ng ito ay kaunti lang ang serve. Nagtatawanan pa sila dahil sa baia raw yung mga damu ang nagpamahal sa pagkain.
"Hoshi, we're famous. We should act like a richkid," sabi ni Lucas. "Ayusin niyo ang upo niyo."
Lahat naman siya ay nagstraight ng upo. Hindi nawala ang kalokohan nila habang kumakain lalo na at si Hoshi at Lucas ang pasimuno sa mga kalokohan. Hindi ipinakita ni Lucas ang bill sa kanila pero sa nakita nilang prices ng menu ay alam nilang mahal at ilang digit iyon dahil maliban sa order nila ay madami pang dinagdag na side dishes si Lucas at desserts.
"Hyung, kainin mo yan. May bayad yan," sabi niya kay Hoshi at itinuro ang mukhang damo.
"Alam kong mahal mo ako kaya ah. Dali nganga na, bebe."
"Tara na. Sobrang nakakahiya kayong kasama," sabi ni Ryker. "Dapat sa atin sa tabi-tabi lang kumakain. Hindi tayo bagay sa ganitong lugar," natatawang sabi ni Ryker.
Nang makauwi sila ay pumunta si Ryker sa gym habang may dalang tubig at libro. Tumawag din ang mama niya at nag-congratulates sa kaniya. Lahat sila ay nagulat dahil sa biglang pagdating ni Zeyr.
"Hoshi, let's talk," sabi ni Mr. Gendrado bago dumiretso sa taas. "Faster."
Halos takbuhin na ni Hoshi ang hagdan at natisod pa ito dahilan para lumingon sa kanila. Nagpipigil pa siya ng tawa kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Hoshi. Bumaba si Ryker dahil pinapababa siya ni Zeyr.
Ilang minuto lang ay bumaba si Hoshi na nakabusangot. "Papalayasin na raw ako sa bahay na ito. Hanep talaga. May nilabag na naman daw ako. Mag-iimpake na ako," sabi ni Hoshi sabay balik papunta sa taas. "Ay Dawson at Tyrone kakausapin daw kayo."
Nagkatinginan silang dalawa at nagkibitbalikat sa isa't-isa. Magkasabay silang umakyat at dumiretso sa veranda. Nakatayo si Zeyr habang nakaupo si Mr. Gendrano at nasa ibabaw ng mesa ang dalawang siko at magkasilop ang mga kamay nito.
"May pinag-usapan tayo na bawal mag-girlfriend hanggat hindi disband ang grupo. Hindi ibig sabihin na naging maluwag ako sa inyo ay sisirain niyo ang pangalan na pinaghirapan niyo."
"I don't understand, Boss babe... I mean, Boss," sabi niya sabay lingon sa katabing si Dawson. "Wala naman kaming girlfriend."
"Yes, wala nga, at hindi ko rin nasabi na bawal mag-boyfriend."
Pareho silang nagkatinginan ni Dawson sa sinabi nito. Napaiwas ng tingin si Dawson at napakagat ng labi samantalang siya ay ibinalik ang tingin kay Mr. Gendrado.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...