Journey #15

75 2 0
                                    

They can't even enjoy the break because of their schedule. Early In the morning, they have a photoshoot and it lasts almost 4 hours. It's December 31. They have a serious practice and 9 hours before it. Hindi sila katulad ng ibang management, nagkakaroon ng maraming applicant para maging trainee and after that pabawas sila ng pabawas hanggang sa makuha ang target na kailangan ng isang grupo bagl sila tuluyang ipakala as a group. Sila nabuo sila na para na sa lahat, maging trainee at member ng grupo.

They are so tired that they can't even realise that it is already new years eve. It's already 10 in the evening when they are back on their base. Lucas tried himself to cook spaghetti for them to eat. Bata pa ang mga kasama niya that's why he wants to celebrate the new year like how it should be.

Magkatabi sa couch si Dawson at Tyrone habang magkayakap na nagpapahinga. Flinn is also resting on a single sofa while his eyes are closed. Si Ryker at Hoshi ay pilit tinutulungan ang panagay nilang si Lucas dahil alam naman nila na pare-pareho silang pagod.

After makapagluto ay nagulat sila ng may bisita raw. Pagbukas nila ng pinto ay isang babae ang tumambad. Si Tyrone ay pilit inaaninag kung sino ang pinagbuksan ng pinto ni Hoshi. Nagulat siya sa kaniyang nakita.

"Kuya!" Dawn shouted.

Tamad na lumingon si Dawson at pilit na iminumulat ang kaniyang mga mata. Naupo na nang maayos si Tyrone at kaagad naman na tinulungan ni Hoshi si Dawn sa mga bitbit nito.

"I'm here to celebrate with you, guys. May biglang emergency sa hospital kaya umalis sina mommy at daddy so nagpaalam ako if I can stay here and they're okay naman. Besides I already talked to kuya Lucas and kuya Zeyr already know so wala kayong dapat ikabahala."

May dalang cake si Dawn at isang red wine. May fried chicken din at isang box ng pizza. Tulong-tulong sila habang inaayos ang mga pagkain sa iisang mesa habang busy pa rin si Lucas sa pagluluto.

"Grabe debut niyo na ah. Saktong January 1, so may event kayo tomorrow?" masiglang tanong ng kapatid ni Dawson.

"Oo. Kaya maaga kami dapat magising," sagot ni Tyrone. "Dito ka ba matutulog?"

"Yeah. I'll stay here in the living room, kuya. Ayoko sa room so huwag niyo ako pilitin."

Matapos magluto ni Lucas ay tinulungan siya ni Dawn sa pagsasalin nito sa bawat pinggan ng bawat isa. Kumuha si Tyrone ng mga baso, at si Hoshi naman ang naghuhugas ng mga ginamit na gamit ni Lucas sa pagluluto.

"Fangirl ka ba?" tanong ni Flinn kay Dawn.

Ngumiti si Dawn at saka bahagyang umayos ng tayo para lang sagutin ang tanong ni Flinn.

"Yes, kuya. Nanonood ako ng mga koreanovela and gosh ang dami kong crush doon."

"Kaya ka single," sabat na sabi naman ni Dawson sabay akbay kay Tyrone. Sinamaan siya ng tingin ni Dawn kaya patawa-tawa lang si Tyrone. "That's the truth, Dawn."

"Duh! Bakit kaya maraming nagkakagusto sa malayo at sa mga Koreano pa... eh ni wala ngang nagkakagusto sa kanila sa Pilipinas pa lang? Yan diyan kayo magaling maghanap ng mga g'wapo. Hindi raw mataas ang standard basta g'wapo" sabi naman ni Hoshi habang nagpupunas ng kamay. "Wala nga sigurong nagkakagusto sayo dito sa Pinas mangangarap ka pa ng sikat na Koreano? Nakakatawa," dagdag pa niya.

Tila nagulat si Dawn at tuningin ito sa gawi ni Tyrone. Tinaasan ng kilay ni Tyrone si Dawn habang nakahalf-smile ito dahilan sa pag ngiti ni Dawn.

"Eh bakit ba?" matapang na tanong ni Dawn kay Hoshi. "Akala mo naman sa inyong mga lalaki hindi magaganda at sexy ang nais. Tigilan niyo ako. My life, my choice. Kung gusto mo makialam, huwag na... okay lang. Pakialaman mo buhay mo kasi walang ibang may pake sayo kundi sarili mo."

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon