(t's pov)
"ilang beses ko ba uulitin na hindi ko nga alam na nandito to? kung gusto mo puntahan mo ako dito ngayon" tugon ko sa kanya, hindi ko alam kung paano pa ako mag e-explain sa kanya, hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ko, hindi niya ako kayang pakinggan ngayon, hindi ko naman talaga alam, bakit nandito to, kung alam ko lang, sana hindi na ako umalis.
"sana man lang inalam mo bakit ka biglang pinauwi sainyo diba?" sagot ni sun sakin, hindi ko na natanong din dahil nag mamadali sila mami na pauwiin ako sa kanila, "uuwi din ako agad i promise, hindi naman mag tatagal 'to dito e" sabi ko kay sun, hindi siya sumagot sakin, binaba niya lang yung tawag.
i turned to mom, sobrang halata siguro sa mga mata ko ang galit, "ma, bakit hindi niyo naman sinabi sakin na dadating to?" tanong ko kay mami, "anak, hindi ko din alam ang gagawin, hinahanap ka nga niya" sabi lang ni mami sakin, bumalik ako sa sala para puntahan yung ex ko na nag hihintay sa akin sa sala, ex suitor lang.
kanina kasi habang nag aayos ako sa condo ni sun, biglang tumawag sa akin si mami, ang sabi niya lang ay umuwi ako ngayon din sa kanila, wala si sun sa condo dahil may biglaang meeting sila ng mga kasama niya sa thesis na ginagawa nila, kaya umalis nalang ako. tinawagan ko siya ng paulit-ulit pero hindi siya sumasagot, kaya wala akong choice kung hindi umuwi nalang.
"ano ba pakay mo dito?" tanong ko sa ex ko na nakaupo sa sofa namin sa sala, hindi siya umiimik, nilapitan niya ako habang papalayo naman ako sa kanya, "gusto ko kasi na mag ayos tayo", sabi niya sakin.
"tumigil ka" sabi ko sakanya, sinampal ko siya agad ng bigla niya ako nilapitan para yakapin, "umalis ka na" sabi ko sa kanya, pero hindi siya nakikinig, hindi siya umaalis sa sala, ayaw kong maabutan kami ni papa dito, magagalit yon sigurado ako.
ayaw ko din na mag stay pa dito, ayaw kong iniwan kong mag isa sa manila sa sun. bakit kasi nandito to? bakit kasi ang kulit?
"listen to me first" tugon niya pa, hindi, ayaw ko makinig, wala na nga akong pake sa taong to, bakit parang ewan biglang sumusulpot. "umalis ka nalang mabuti pa, masamang may hayop dito sa bahay" sabi ko, hindi talaga siya nakinig kahit anong pang lalait pa ang sabihin ko, naiinis na talaga ako dito.
"napilitan lang naman akong iwan ka dahil hindi ako susustentuhan ng mga magulang-" hindi ko na siya pinatapos, sinampal ko siya ulit, "lalabas ka o ipapakaladkad kita?" sabi ko sa kanya, "huli na lahat, wag ka ng babalik" sabi ko habang papalapit ako sa kanya at tinutulak siya papuntang pintuan.
"im happy na, i dont need you"
"get out!"
sigaw ko sa kanya, hinawakan lang ako ni mami sa kamay para pigilan ako na saktan pa ang ex ko, wala ng pumapasok sa utak ko ngayon kung hindi ang paano ko sasabihin ng maayos ito kay sun dahil sigurado akong galit 'yon.
"sa susunod ma, tell me muna ano nangyayari bago niyo ako pauuwiin-"
"umuwi kana, hinahanap kana sigurado ni sun"
sabi ni mami sakin, niyakap ko ng mahigpit si mama bago ako umalis ng sala, kinuha ko agad ang bag at susi ng car ko sa sofa at lumabas na sa garahe. agad din ako pinag bukas ng gate, hindi ko alam paano ako nakapag drive ng mabilis, wala akong ibang inisip kung hindi si sunny, halos buong araw din ako wala sa manila, dahil kaninang umaga pa ako umuwi dito, hindi ko naman alam na yung desperado kong ex ang bubungad sa akin.
tinry kong tawagan si sun ulit pero walang sumasagot, si lana at si nuri na hindi ko makausap dahil parehong busy, si kel ang tinawagan ko nung hindi ko ma contact ang tatlo, sinagot niya naman yung tawag ko.
"GIRL! SUNNY IS MAD, LIKE MAD MAD" bungad niya sa akin sa phone.
"I KNOW! ASAN SIYA? KAILANGAN KO SIYA MAKAUSAP NGAYON DIN" sigaw ko sa cellphone.