67.

26 1 2
                                    

Tanya


My Wife...


Hindi pa rin ako makapaniwalang tinatawag ko siyang wife! This feels so unreal, halos hindi na nga ako makaisip ng maayos dito sa Paris dahil iniisip ko na asawa ko na siya. Finaly.


Hindi talaga ako naniniwala sa kasal noon, dala na rin ng takot ko sigurong maiwan sa huli o di kaya naman ay masira lang ang marriage ko. But when she came, binago niya lahat ng gusto ko sa buhay.


Hindi ko nga alam na kaya ko palang manganak! Hindi ko naisip na kaya ko pala bumuo ng pamilya at alagaan sila ng ganito, mga kapatid at magulang ko lang inaalagaan ko ngayon pero ngayon? Sariling pamilya ko na inaalagaan ko.


Habang iniisip ko yung mga naisip ko dati na akala ko hindi ko kayang gawin, ito ako ngayon, nakahiga katabi ang asawa ko after our first night here. Hindi ko rin naisip na may makaka-honey moon ako!


Tinititigan ko lang ang asawa ko na mahimbing pa ang tulog, halos hindi ko na nga siya gustong gisingin dahil ang peaceful niyang tignan kapag tulog. Ganito ako palagi kapag ako ang nauunang nagigising sa kaniya, tinititigan ko lang siya, kahit nga late ako sa firm noon, hindi ako umaalis ng kama kasi hindi ko kaya...


May humihila sa akin pabalik at gusto ko nalang humiga sa tabi niya at samahan siya sa pagtulog, parang hindi ko siya kayang iwan mag isa.


Hinahayaan niya nga ako gawin kung ano ang gusto kong gawin, dati pa niya sinimulan yang "happy wife, happy life" na agenda.


Lumapit pa ako ng kaunti sa kaniya hanggang sa niyakap niya na ako ulit ng mahigpit at pinagpahinga sa braso niya, komportable na komportable ako sa pwestong 'to kasi mas natititigan ko ang mukha niya.


Nabaling ang atensyon ko sa phone ko bigla na nag alarm, umalis na muna ako sa pagkakayakap ko kay Sunny at kinuha ang cellphone ko. 12PM na pero ang sarap pa ng higa namin dito, pagod na pagod ah...


"What time is it?" nagulat ako ng biglang nagsalita ang katabi ko.


"12 PM"


"Oh my god... ang sakit ng balakang ko"


Nagkatinginan kaming dalawa bago kami natawa, nagets ko ba naman kasi agad ang ibig niyang sabihin! Masakit rin ang mga hita ko, hindi ko ba alam diyan mukhang first time lang ako nagalaw kagabi, nag all out ba naman!


"Masakit buong katawan ko" bulong ko naman sana ako humiga ulit sa gilid niya at pinaglaruan ang buhok niya.


"I'm sorry"


"For what?"


"For fucking you hard last night"


Sinabi niya 'yon habang nakatingin sa mata ko, how can she say that ng hindi man lang namumula? I can't believe this woman!


stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon