"what?! mille's pregnant?!" she asked while eating her favorite cereal.
mille called me kasi, ako ang unang nabuntis kaya sa'kin siya unang nag sabi.
"yes, she is!" sagot ko at bumalik sa upuan ko.
nandito kasi kami sa may kusina at busy kumakain ng breakfast, tulog pa ang mga bata dahil maya-maya pa sila magigising.
"wow.. akala ko naman after two years ng kasal doon palang sila magkaka-anak" sabi niya at yumuko para sa cereal niya.
"kakatapos lang ng kasal nila and look! mille's already pregnant" sabi ko habang nakangiti, naalala yung araw kung kailan ko sinabing buntis na ako.
"naalala ko tuloy nung.." i paused, tinignan ko siya sa mata bago ko tinuloy. "naalala ko tuloy nung ako naman ang buntis"
Flashback
"ill get the car" bulong niya.
kakatapos lang namin sa doctor at sinubukan ulit yung sample, nadismaya kami ng sinabi ng doctor na malabo ang tyansa na mabuntis ako.
umuulan ngayon sa labas at halos bumagsak ang katawan ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.
pangarap namin 'yon, pangarap namin ang makabuo ng isang magandang pamilya. bakit naman parang pinagkakait sa amin?
pakiramdam ko ay malungkot din si sunny pero sinusubukan niyang maging matatag para sa aming dalawa, naawa tuloy ako dahil excited siyang magka-anak.
wala akong problema, healthy kaming pareho. pero nung itatry ang sample sa akin, wala na talagang tyansa na mabuntis pa ako.
pag dating ng sasakyan sa harap ko, hindi ko magalaw ang mga paa ko. para akong naestatwa sa kinatatayuan ko kahit na alalayan pa ako ni sunny.
nakita ko ang mga mata niyang pulang-pula. alam kong umiyak pa ito bago ako sunduin dito, bakit ang daya niya? bakit di niya ipakita sa akin?
"sakay na, love" sabi niya bigla at doon lang ako natauhan.
buong ride pauwi sa bahay namin sa lancaster ay nakatulala lang ako, hindi ko alam ang gagawin.
nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay kong nakapatong sa lap ko at hinalikan ito.
"it's okay, love. it's okay" sambit niya habang hinahalikan ang kamay ko.
hindi, mahal. alam kong hindi okay.
tumango nalang ako at hinalikan ko siya sa pisngi, kung kanina ay halos hindi ako makagalaw, pero ngayon parang binigyan niya ako ng lakas.
siya ang lakas ko.
"let's talk about it pag dating natin sa bahay, if you want to sleep then sleep ka, okay?" sabi niya pero umiling lang ako.
ayaw kong matulog habang siya gising, tapos ano? iiyak siya ng hindi ko na naman nasaksihan? no.
i want to see her crying, hindi dahil sa akin. kung hindi gusto ko na kasama niya ako at patahin siya.
"i'm not sleepy, papanoorin kita mag maneho" sabi ko at sumandal ulit sa upuan ko.
nakatingin ako sa daan tapos titingin ulit sa kaniya, paulit-ulit dahil hindi ako mapakali.
pag uwi namin sa bahay ay agad din kaming nag asikaso para matulog na dahil pagod kaming dalawa buong araw.
sumiping siya sa akin at siniksik niya ang ulo niya sa balikat ko, pinatong ko ang ulo niya sa braso ko at doon ko siya pinatulog.
para siyang baby sa pwesto niya dahil nakaharap siya sakin habang nakapatong ang ulo niya sa braso ko, i want to baby her kasi! she's my baby kaya. my first and forever baby.