74.

42 0 0
                                    

Sunny

Sinikap ko talagang mag-file ng leave muna for three days kasi gusto kong bumawi sa panganay ko.

Simula kasi nung sinabihan ako ng misis ko tungkol sa sinabi ni Svea sa kaniya, hindi na talaga nawala sa isip ko 'yon.

Bilang magulang, responsibilidad 'kong bigyan ng atensyon ang mga anak ko, ibigay lahat ng kailangan nila, suportahan sila sa kahit ano mang gawin nila sa buhay.

Pwera boyfriend.

Kaya nasaktan ako sa sinabi ng misis ko tungkol kay Svea, hindi ko alam na gano'n na nararamdaman ng anak ko.

Pero alam kong may mali dahil matamlay siya, hindi lang ako makakuha ng tyempo dahil kapag may oras na ako at gusto ko na sana siya tanungin, hindi nagtutugma dahil umiiyak si Tamara, tapos mamaya si Charlotte naman ang naghahanap sa'kin.

Kaya ngayon ako babawi, kailangan kong kausapin si Tamara at si Svea about this, I want to reconnect with my daughter again.

Pakiramdam ko kasi dahil sa tampo niya, lumalayo siya. I really need to make time for her.

Kaya naman kahit hindi pwede, pipilitin kong mag-file ng leave kahit ilang araw lang para makasama ko si Svea.

Nandito ako ngayon sa office ko sa hospital at inaayos nga ang papers ko, at isusubmit ko lang 'to para makaalis na'ko.

Inupdate ko na rin si Tanya about this, she said that it is a good idea naman daw since ilang araw walang pasok si Svea.

Si Svea lang, dahil may excuse leave siya for days, sa school lang nila 'yon dahil gusto raw niya mag pahinga.

Pagsubmit ko ng papers ko agad akong tumakbo papuntang parking at umuwi na, pero bago ako nakauwi, nag-order muna ako ng paboritong pagkain niya.

Nag-order ako ng dalawang box, hindi ko alam bakit sobrang dami naman ata ng inorder ko pero para lahat 'to kay Svea.

Pinark ko nalang sa labas ng bahay 'yung sasakyan dahil gusto ko rin naman ilabas si Svea ngayon para hindi siya masyado magmukmok sa bahay.

Sakto naman na tatawag si Tanya kaya sinagot ko nalang ang call niya bago ako bumaba sa sasakyan.

"She called me and she wanted her favorite food, nabili mo ba?"

"Binili ko na, nandito na'ko sa bahay" sagot ko habang inaayos ang pagkain at ang bag ko sa passenger seat.

"Good, nanonood siya right now so go na."

"Alam ba niyang uuwi ako?" tanong ko para sana masurprise ko siya.

"No, kaya go na! I love you!" sabay baba ng call, hindi na ako nakasagot dahil agad niyang pinatay ang call! Kaya te-text ko nalang sagot ko sakaniya.

Lumabas na ako sa kotse atsaka ko dahan-dahan na binuksan ang gate, nakahinga ako ng malalim ng nabuksan at nasara ko ng tahimik lang.

Napansin kong malinis ang harapan ng bahay kaya natuwa naman ako, ang sarap kasi sa pakiramdam ng uuwi ka sa bahay na malinis.

Napaka-arte pa naman ng misis ko.

Binuksan ko na yung pintuan at ang bumungad sa'kin ay si Kuya Manong at Manang na nakaupo sa sala habang nanonood, si Yaya Gold naman na busy sa kusina na asikasuhin ang pakiramdam ko ay snacks nila habang manonood.

"Good afternoon, Boss. Buti po napa-aga ata ang uwi niyo?" tanong ni Mana ng sa'kin, ngumiti muna ako bago sumagot dahil parang naistorbo ko sila ni Kuya Manong.

"Babawi lang sa panganay" sabi ko sabay angat ng mga pagkain ng binili ko for Svea, hinayaan na nila ako umakyat sa kwarto nila Svea.

Pagtapat ko sa pintuan ng kwarto nila, huminga na muna ako ng malalim bago kumatok. Kumatok na muna ako ng ilang beses saka lang bumukas ng pintuan ng kwarto nila.

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon