Sun
katapos kong mag asikaso sa umaga, agad na akong bumaba sa kusina para puntahan ang mga anak kong kumakain ng almusal nila.
isang linggo na rin ang nakakalipas simula nung mangyari ang pag amin ko sa mga mahal namin sa buhay.
iniisip ko rin kung paano ako makakabawi sa kanilang lahat, alam kong di sapat yung pag hingi ko ng tawad.
wala na kasi si tanya rito sa bahay dahil maaga siyang umalis para sa hearing niya, pupuntahan ko siya mamaya dahil ganon naman ako lagi.
gusto ko siyang suportahan sa mga laban niya sa loob ng korte, ganon din siya sa akin tuwing may mga kailangan akong gawin.
"Daddy? Good morning!" maligalig na bati sa akin ni Svea at sabay yakap sa akin, niyakap ko siya pabalik.
"Asan mga kapatid mo?" tanong ko sa kaniya at nag kibit balikat lamang ito.
"Here! binihisan ko lang po si Charlotte" sambit ni Tamara sa akin at nakita ko ang bunso ko.
she's wearing a small top and a denim pants, a white nike shoes to complete the look.
"Kakain lang tayo Tamara?" pag tatakang sabi ni Svea sa kaniya.
ngumiti si Tamara bigla bago niya sagutin si Svea, "yeah?" sagot niya lang at inupo na niya si Charlotte sa may kusina.
"Your daughter is so weird" sabi ni Svea na kinatawa ko.
"Your twin sister is so weird" ngiti ko at nakita ko na agad ang asar sa mukha niya.
natatawa akong lumapit sa may lamesa at inayos ang mga pagkain nilang tatlo.
minsan si Tanya ang naiiwan dito sa bahay, minsan ako. pero dahil nga pilay pa ako at may mga pasa pa sa mukha, ako muna ang naiwan dito sa bahay.
"Ah.. bago ko makalimutan" sabi ko at naharap silang lahat sa akin, "Pupuntahan ko si Mommy later kasi may hearing siya" sabi ko sa kanila at nagulat ako sa mga reaksyon nila.
tinignan nila ako mula ulo hanggang paa, lalo nilang tinitigan ang mukha ko na may pasa pa rin.
"W-what?" tanong ko sa kanila, ngumisi si Svea sa akin at napatanong, "daddy? no."
anong no? aba, mas mahigpit pa ata to sa mama niya.
"you're still pilay and madami ka pa pong pasa" sabi ni Svea sa akin at binali ang atensyon sa pagkain niya.
"Oo nga po, tsaka bilin ni mommy wag ka palabasin" dagdag pa ni Tamara na kinagulat ko naman.
ahh, nag bilin si Tanya sa kanila? ayos naman, atleast makakasama ko ang mga bata buong mag hapon.
"Pero may importanteng–" hindi ko natuloy dahil bigla na naman nag salita si Tamara.
"Stay ka lang daw po here" sabi niya na may diin sa kaniyang boses kaya nanahimik nalang ako at kumain.
natakot sa sariling anak?
siguro iisipin ko nalang din kung ano ang gagawin ko sa mga magulang ko st sa magulang ni Tanya.
lalo na kay Tito, pero natatakot ako mag pakita muna ngayon. baka kasi mabugbog ako ulit, masakit pa mukha ko.
"Daddy? kailan po pwede mag aral si Charlotte?" tanong ni Svea sa akin, napatigil ako sa pag kain ko at napaisip din.
"H-hindi pa kasi namin napagusapan ng mother niya at ni Mommy niyo kailan siya mag aaral and kung saan" simpleng sagot ko sa kaniya.
"Ang aga nga po namin nag aral ni Tamara, she's a genius din! enroll niyo na po siya daddy" pag kumbinsi ni Svea sa akin, napangiti ako dahil sa pag puri niya sa kapatid niyang bunso.