99.

23 0 0
                                    

S


maaga ako nag out ngayon sa hospital dahil tapos na rin naman appointments ko saka yung rounds ko, hindi naman din ako masyadong kailangan sa E.R kasi kumpleto staffs ko ngayong araw. 

"aga ng uwi, siguro may date kayo ng misis mo" nagulat ako sa nagsalita sa likod ko, si doc. lopez lang pala, cardiologist. "syempre, lagi kami may date ng misis ko" sabi ko sa kaniya. she's also a masc like me, hindi lang siya intersex. may girlfriend, dito rin nagtatrabaho.

hindi naman ako mahigpit sa ganyan, hinahayaan ko lang basta sana hindi maapektuhan trabaho nila, kung hindi ay paalisin ko nalang sila rito. bawal sa hospital ko ang ganyan, mas mahalaga ang buhay ng mga pasyente namin kaysa sa kung anong relasyong ang meron sila. 

"naks, na ol. yung girlfriend ko galit na naman" sabi sakin, "ikaw ba naman ang dami mo atang babae eh" pagbibiro ko, natawa nalang siya at nagkukwento pa, pero biglang nagring ang phone ko at si tam ang tumatawag. 

"sandali pre, anak ko tumatawag" sabi ko saka ko siya iniwan, sinagot ko ang tawag habang papunta ako sa sasakyan ko sa parking lot, "nak, ano?" sagot ko kay tam. "dad? saan ka po? pasundo po ako please, hindi ko po alam nasaan ako" yung lang ang sinabi niya ay nag alala na buong sistema ko kung asaan ang anak ko.

"send me your location nak, dont move. mabuti pa mag hanap ka ng store at wag kang aalis run" sabi ko, hindi ko pinatay ang call, hindi naman malayo kung asaan si tamara pero kasi nag aalala ako. 

pinalaki namin silang street smart oo pero kung ganito ang sitwasyon, hindi talaga nila alam ang gagawin, agad ko silang pupuntahan. limang minuto lang ay nakarating ako sa location ni tamara, shet puro pa naman talahib nandito. mga damo, katakot kung gabi ko siya madadatnan dito. 

"anak, are you okay? paano ka naman napunta rito?" tanong ko pagbaba ko ng sasakyan para puntahan siya, alam kong paiyak na siya kaya naman pinasakay ko na sa sasakyan. "daddy, hindi ko po talaga alam na dito kami pupunta, sabi po kasi nila sa mall lang kaya pinauwi ko rin po mga guards ko" sabi nito sa akin pag sakay namin  sa car. 

"save it for later anak, you seems stressed. may water ako dyan at may candy, matulog ka" sabi ko, sinunod niya ang sinabi ko at nakaiglip siya. hindi ko sila pinapag-kwento pag stressed, they might add or forget some details ng kwento kasi kapag ganon.

pag-uwi namin ng bahay ginising ko siya at hinayaan na mag kwento sa sala. dun ko nalaman lahat, yung buong kwento kung bakit siya napunta sa lugar na yun. 

"Hindi ko naman po kasi alam, kung alam ko naman Daddy hindi naman po ako pupunta run eh" ang tanging sagot sa akin ni tamara.

sinundo ko kasi siya ngayon, tumawag siya sa akin kanina na bigla siyang inaya mag mall ng mga ka-team niya sa tennis pero sa party pala ang punta niya.

"you're not even an adult" i said, "daddy hindi ko nga po alam na party, hindi naman po ako sasama kung alam ko po na party yun" sagot niya sa akin.

yung lugar na kung saan ko siya sinundo ay malapit pa naman yun sa damuhan, malapit na nga sa farm ng mga kakilala ko eh.

"gabi na rin, bakit hindi mo naisip na magpasundo na? may driver ka, may body guard, pinaalis mo pa sa tabi mo para makasama ka" sabi ko sa kaniya, halos mangiyak-iyak na siya sa harap ko dahil ako ang kausap niya, hindi ang mommy niya eh.

"ulitin mo pa Tamara ha, be cautious, be mindful, and be wise!" i said before ko siya iwan sa sala mag isa. her sister, svea is listening to us pala sa may tabi habang ang mga nakababata naman nilang kapatid ay asa playroom.

"her friend are party go-ers, i told her many times already na wag siya nakikisama sa mga tao na yun" svea said, i believe her naman since she's always honest with us–her parents.

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon