Tanya
"Mom! You guys are gonna be late, let's go na!" pagtawag ng panganay namin na nasa garahe na, nandito pa kasi ako sa kusina at kumakain pa, late na kasi ako nagising at nakalimutan ko pang sabihan ang asawa ko na may meeting nga pala ngayon.
Nasa hospital siya ngayon at ilang beses ko na siyang tinawagan dahil kailangan namin pumuntang school ngayon para sa meeting na tinutukoy ng mga bata noong nakaraang linggo.
"Si Daddy po? Hindi po ba makakasunod?" tanong ni Tamara, tinignan ko ulit ang phone ko at ang huling text na sinend ko sa asawa ko ay "lagot tayo sa kambal pls"
"She's on her way, don't worry. Lagi naman present Daddy niyo sa mga school activities, diba?" pagkukumbinsi ko dahil totoo naman, hindi naman uma-absent ang Daddy nila sa mga ganitong bagay.
Kahit pa na sobrang importante na ng mga ibang kailangan gawin ni Sunny ay handa niyang bitawan lahat 'yon para sa mga bata, para sa aming pamilya niya.
Maaga kasi siyang umalis ngayon dahil may maaga siyang operation na kailangan gawin, dati, kahit sobrang busy na niya hindi na 'yan umuuwi sa bahay dahil kailangan niya rin bumalik sa hospital agad, pero ngayon kahit pa na konti lang ang oras niyan para magpahinga ay uuwi pa siya para makasama ang mga bata.
Bakasyon nga kasi ng mga bata ngayon kaya mas marami na ang mga oras na magkakasama kami, ako naman ay busy rin sa trabaho pero agad din akong umuuwi at tinutuloy nalang ang ibang trabaho ko rito sa bahay namin.
As usual, sumama sa firm ko ang best friend kong si Kel, ewan ko ba sa kaniya. Binibigyan na siya ng magandang position sa firm namin noon huwag lang siya umalis pero tinanggihan niya lang din, dahil mas gusto niya raw na mag trabaho sa firm ko.
Maayos naman ang takbo ng firm, wala rin naman ako nagiging problema sa mga baguhan kong abogado, lahat naman ay napapanalo ang mga kaso at wala naman akong aberya na naririnig sa kanila.
Lumabas na ako ng bahay at nagpunta na sa garahe, ako na ang mag mamaneho dahil wala rin si Kuya Manong, busy siyang bantayan ang mga sasakyan ni Sunny.
Ganitong araw kasi ng buwan, siguradong nasa clark ang ibang sasakyan ni Sunny dahil doon niya lang pinapaayos ang mga sasakyan niya, lalo na mga sports car niyang collection.
Maalaga si Sunny sa lahat ng bagay, kung paano niya kami alagaan ganon niya rin alagaan ang mga sasakyan niya. Sinasabi niya rin na mapupunta rin naman sa mga bata ang mga sasakyan niya kaya wala naman daw siguro akong problema kung bibili siya ulit.
Oo, nagpapaalam muna talaga 'yan sa akin dahil namomoblema na kami kung saan na namin ilalagay ang mga sasakyan niya.
Believe me, yung ibang sasakyan niya ay nasa Lancaster dahil hindi na magkasya sa garahe namin ang iba, dalawa lang naman ang nandoon at may tagabantay din sa bahay namin doon.
Pagsakay ng mga bata sa likod, sumakaya na si Svea sa harapan at umalis na kami ng bahay dahil kanina pa nagmamadali itong panganay namin. Pakiramdam ko ay nandoon din kasi ang crush niya.
Nako, lagot talaga 'to kay Sunny kung makita niyang nakatingin si Svea sa crush niya. Pero gustong-gusto naman no'n na may girlfriend ang bunso namin, ang bata pa ni Lauren!
Basta babae, magkasundo yang dalawang 'yan. Ewan ko, bahala silang dalawa diyan.
Pagkarating namin sa school nila Svea at Tamara, nakita ko na ang isang sasakyan na nakapark mismo sa tabi ng sasakyan ko, kay Sunny 'to.
Pagkababa ko ay may sumalubong na agad sa akin na yakap, isang mahigpit na backhug ang natanggap ko at alam na alam ko kung sino ang yumakap sa akin.
"I ditched my meeting for this" She whispered.