T
patapos na ang gabi kaya naman inaya na ako ng mga bata na kumain sa baba, sila na kasi ang nag aayos ng dinner namin.
"mommy! si daddy po pauwi na, magagalit pa yun kapag hindi ka pa kumain ngayon!" sigaw ni svea habang pababa ako ng hagdan.
hindi niya ako napansin na pababa kaya naman ang lakas pa ng sigaw nito, natuto ng sumigaw! haynako! ako na ngayon sinisigawan.
"ito na! kunin niyo yung chair ni Serene, her full name is Serene Tiach Linney F. Coldwell.
"hi baby stl" bati ni charlotte kay serene, pinayagan kong buhatin niya sandali si serene habang tinulungan ko sila tamara na ayusin ng dinning table.
surprisingly, akala namin ni sun ay magrereklamo sila dahil wala na kaming katulong, pinauwi na sila ni sun dahil matanda na si manang, hindi na namin kailangan ng driver at guards.
may peaceful at quiet life na kami ngayon, hindi na exposed ang mga bata sa social media, tulad dati na akala mo ay celebrity kami.
normal life nalang kumbaga, pero kilala pa rin naman kami, hindi lang gano'n katulad ng dati which is mas okay dahil at least, magkakaroon ng payapa na buhay ang mga bata.
pagkatapos namin ayusin ang dinning table, biglang nagbukas ang pintuan ng bahay at nakita namin ang daddy nila na kakauwi lang galing work.
she's so pogi kahit na mukhang tired na siya, tumakbo agad ang mga bata sa kaniya at iniwan ako mag isa rito sa kusina. wow ha!
"Daddy!" bati nilang lahat, hinalikan naman sila ni sun isa-isa, saka na sila pumuntang kusina.
"Tired?" tanong ko na pabulong, lumapit siya sakin saka ako niyakap ng mahigpit "No na, kita na kita e" bulong niya saka kami nagyakapan sandali, inupo niya na si serene sa chair niya saka niya nilagyan ng pagkain ang plate ni serene.
pwede na kasi si serene sa mga soft foods, at hindi na namin siya sinasanay sa breastfeed kasi baka magaya siya kay lauren na hanggang 3 years old ay nagbibreastfeed.
yun din kinagalit ni siso sakin, aba! sorry naman!
"how's your day mga anak" tanong ni sun habang kumakain, "okay lang naman daddy, i got a perfect score today" sabi ni svea, syempre. anak ko yan eh.
"really? congrats baby, how about you tamtam?" tanong ni siso ulit, tinitignan niya pa rin si serene na kahit nagsasalita siya.
"same daddy, sabay lang din kami umuwi nila charlotte" sabi ni tamara, "okay lang naman daddy, sinundo ko kanina si lauren sa room niya tapos sinundo na kami nila ate svea" sabi ni charlotte.
"good mga anak, ikaw lauren?" tanong niya kay lauren, "oks lang dy" yan lang sagot niya. bakit naman ang tipid ng pogi na yan.
yes. pogi.
unti-unti ko na ata natatanggap na baka ganyan na talaga si lauren, walang problema sakin. pero baby girl ko pa rin siya eh! baby ko pa yan!
"wow tipid, ano problema natin dyan pogi" sabi ni sun, hinampas ko nalang kamay niya ng palabiro.
"gusto ko motor" sabi ni lauren bigla, "motor? ang dami natin motor sa garage, you can pili when you're 18 na" sabi ni siso.
"no! no Lauren dont anak" sabi ko, "mommy naman" sabi ni lauren. "baby delikado kaya mag motor" sabi ko ulit.
"daddy tignan mo si mommy!" sumbong ni lauren. "wow, sakin ka na nagsusumbong" sabi ni sun, "akala ko ba mommy's girl ka?" asar ni sun kay lauren.
"hindi na daddy, Daddy's girl na pala ako" tinignan ko ng masama si lauren tsaka siya nag smile ng matamis sa harap ko. haynako.