48.

37 0 0
                                    

agad na nabali ang atensyo ng mag nobyo ng makita nilang gising at nakatayo ang kambal sa harap ng kusina nila, nagulat ang dalawa dahil hindi man lang ito nag salita na gising pala siya. 

nasa kusina kasi ang dalawa para ayusin ang mga pinagkainan at ang kalat ng mga kaibigan nila nung kumain sila rito kanina, hindi nila napansin na may dalawang bata pala ang nakatayo at nag hihintay sa kanila. 

"bakit gising pa kayo?" tanong ni sun sa dalawa at agad na lumayo, ayaw kasi niyang makita siya siya ng dalawang bata na ganito ang itsura. pero huli na ang lahat, nakita na nila ang daddy nilang puno ng pasa sa mukha.

"w-what happened po? d-did lolo-" hindi na natuloy ni svea dahil hinawakan na siya ni tanya, "shh baby" sabi ni tanya, agad din lumabas sa mga mata ng kambal ang mga luha. 

hindi nila napigilan ang hindi umiyak dahil sa lagay ng daddy nila, ito ang rason kung bakit ayaw mag pakita ni sun sa dalawa na ganito ang lagay niya. alam niyang mag aalala at iiyak lamang sila sa harap niya na ikahihina rin ng loob niya. 

"daddy is fine" sabi ni sun para mapawi ang mga luha ng kamabal pero hindi sila tumigil sa pag iyak, "tamara? stop crying, baby. you know mahihirapan ka huminga after, right?" sabi ni sun at tumango naman si tamara sa kaniya at pinunasan naman niya ang luha ni tamara.

"svea? daddy is fine ha? no need to worry mga anak" mukhang maiiyak na rin siya sa harap ng mga anak niya pero sinubukan niyang pigilan dahil hangga't maari, ayaw niyang makita siya ng kambal na umiiyak ulit. 

"ito yung kapalit ng ginawang sakit ni daddy, kaya i deserve this." sabi niya at sabay punas ng mga luha ng kambal na hindi pa rin matigil sa kakaiyak.

"but mommy already forgive you, diba po?" sabi ni svea kay sun at tumango naman ang daddy nila, "then why do they have to do that to you?" paiyak na tanong ni svea sa daddy niya na kinaiyak ng kapatid niya.

"you look so kawawa daddy, you are full of pasa and im sure that red mark po ay blood" sabi ni tamara at nag halumpasay sa iyak. 

"shh, sabi ko nga. deserve ni daddy 'to, okay?" sabi nalang ni sun sa kanila at nanahimik ang dalawang bata, "bakit pala kayo nagising?" tanong ni tanya habang pinupunasan niya ang luha niya. 

"s-si charlotte po kasi, g-gising" sabi ni tamara at agad na nag punta ang apat sa kwarto nila mag kakapatid, nag sama kasi ang tatlong maria ni sun at tanya sa iisang kwarto nalang. 

pag pasok nila sa kwarto, agad na binuhat ni tanya si charlotte para patahanin sa pag iyak, pagod siguro ang bata kaya nag bubungit sa pag tulog niya. 

"shh...shh...shh charlotte" sabi ni tanya habang karga niya si charlotte sa kanyang mga kamay habang hinahaplos-haplos niya ang ulo ng bata, ganito kasi patulugin ang bata. mahilig si charlotte sa mga hawak ni tanya, nasanay siya sa kamay ni tanya kaysa sa kamay ng nanay niya. 

hindi na kasi madalas nag papauwi ang bata kay eunice, simula nung nakabasag si charlotte at nasigawan siya ni eunice. kila tanya kasi, hindi nila masyadong pinapagalitan ang mga bata dahil sa maayos silang lumaki, at lalong hindi rin sila sinisigawan nila tanya at sun kaya hindi sila sanay sa kahit na ano mang sigawan. 

natakot ang bata sa kaniyang sariling ina kaya hindi na muan siya nag pauwi sa nanay niya, mas minabuti at mas pinili niya sa puder ng daddy niya at sa piling ng mga kapatid niya. 

"t-tita m-mommy?" bulong ni charlotte at habang pinapahiga ni sun ang kambal sa kama nila, napatingin ito sa dalawa. 

Sun

nakita ko kung paano halikan sa pisngi ni charlotte si tanya, hindi ko alam kung bakit ginawa 'yon ni charlotte sa kaniya pero mas lalong hindi ko alam kung bakit hinalikan ni tanya si charlotte sa noo. 

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon