40

65 1 0
                                    

Tannie

hindi ko alam pero sobrang sweet ni sunny lately, she's been giving me flowers and chocolates, lagi rin kami nag di-date kasama ang kids.  tamara and svea are doing pretty well sa school, and i think they deserve this naman.

as usual, daily routine na namin ang sabay sabay kumain at sabay sabay na aalis. ako ang amg hahatid ngayon sa mga bata dahil binigyana ko ng day off ng boss ko dahil malaki ang naipanalo kong case this week, halos nakataya ang pangalan ng firm at ang pangalan ko sa case na 'yon, sayang lang dahil hindi nakita ni sun kung paano ko sila dinurog sa court. 

pero i understand, madaming pasyente ang lumilipat sa hospital nila because of her, ang galing talaga ng doctor ko. sinabihan ko naman siya agad and she's so happy kaya non, she congratulated me and nag padala pa siya food para sa lahat ng tao sa firm! tuwang-tuwa naman si kel dahil sa dami ng pagkain nung araw na 'yon.

medyo nakakatampo lang dahil sa lahat ng panalo ko, kasama ko siya, kaya medyo weird lang and nakakatampo talaga na wala siya sa isa sa mga pinakaimportanteng panalo ko sa buong buhay ko sana, sayang pero okay naman. bumawi naman. 

habang inaayos ko ang uniform ng kambal, napansin kong gamit na naman ni sun ang cellphone niya, personal phone niya ulit. pero as usual, hindi ko nalang din masyadong pinansin dahil baka something important lang naman ulit, hindi na rin ako yung tipong nag hahalungkat sa cellphone niya, 

hindi ko na yon gawain! 

after ko asikasuhin ang kambal si sun naman ang inasikaso ko, siya ang huli kong inaasikaso dahil kailangan ko pang i-iron ang coat niya, pero napansin kong hindi ito nalabhan dahil sa stain, sinubukan ko pa sana labhan kaso oras na at kailangan ko ng ihatid nag kambal sa school, 

habang pinaplantsa ko ang coat, may napansin akong kakaibang stain, i dont wear red lipstick. not my thing. and brown hair? bakit may buhok sa coat niya? ah! baka buhok lang ng pasyenta, nalagas siguro, but this stain? i dont wear red lipstick! who wears a fucking red lipstick sa work? lalo na if sa hospital? what? 

hays. its time, mala-late ang mga bata, pinicture ko nalang at bumaba na ako, pero bago ako lumabas ng kwarto sumigaw muna ako para alam niya na aalis na kami, lumabas siya sa cr dala ang cellphone niya. 

sabay kaming bumaba at nag paalam na siya sa mga bata, hinalikan niya sila sa cheeks at ako naman ang sunod niyang hinalikan sa labi. peck lang, hindi man lang niya ako minomol? cold naman sunny! edi wag!

joke lang, its fine naman after niya ako i-kiss sumakay na agad ako sa sasakyan ko at umalis na kaming tatlo, at nag k-kwentuhan lang kami habang papunta kami sa school nila. 

"dapat po sa ibang section nalang ako kasi sabi po nila baka wala na daw po makasagot sa recitation, laging kami ni tamara ang sumasagot" sabi ni svea, "noooo, i need you svea!" ganti ni tamara kaya nag yakapan naman sila bigla, mga batang 'to, super clingy sa isa't isa. 

"gusto mo lumipat ng ibang section?" i asked svea, "yes i want to, because unfair naman po to my other classmates na palaging kami nalang po ni tamara ang laging nakaksagot" sabi ni svea sakin, lagi talaga ako napapabilib ni svea, "and besides, tamara is okay naman po by herself" dagdag pa niya, "you and daddy raised us to be independent, kaya im okay with my sister transfering sa ibang sections, yun nga lang, ako na ang president sa room?" sabi ni tamara. 

"can i speak mga anak?" tanong ko,  tumanog naman silang dalwa bago ako "you can always give them chance to speak, tell your teachers that ask your other classmates to answer" sabi ko at tumango ulit sila, "you are so good in giving solutions sa kahit na anong problem mom" sabi ni tamara, "that's why hindi pa siya natatalo sa mga case niya" dagdag pa ni svea, "nako binola niyo pa si mommy" asar ko at nag tawanan naman kami.

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon