"Ma'am ako na po" ayan ang sinabi sa akin ng bago naming kasambahay, ako kasi ang nag lilinis sa kusina.Boring na kasi masyado rito sa bahay! Binawalan na ako mag trabaho ng fiancé ko dahil palagi na naman kasing sumasakit ang tiyan ko.
Mas maselan ako nag buntis ngayon, hindi ko alam kung bakit. Pinapaiwas ako sa stress kaya hindi na ako pinayagan na pumasok sa trabaho ko.
Ayos na rin naman siguro 'yon dahil may oras akong makasama pa ang pamilya ko.
Wala ang mga kids dahil nasa school na sila, in-enroll na namin si Charlotte sa school nila Svea para magkakasama nalang sila.
Umuwi siya sa nanay niya bago siya pumasok sa school, last week 'yon. Gusto raw niyang makita muna ang nanay niya kahit sandali, nag stay siya roon ng mga ilang araw lang.
Ang fiancé ko naman ay nasa trabaho at oras-oras ay tinatawagan ako para tanungin kung kamusta ba ako.
At dahil yung obgyn ko naman ay sa hospital niya lang, mabilis na ang nga appointment ngayon doon.
I'm really proud of her, noong isang araw lang ay pinaguusapan namin na kung puwede gawing libre nalang ang mga check up para sa mga senior citizens.
I helped her naman and then naging okay ang lahat kaya mas kumalat ang pangalan niya dahil sa libreng check up sa hospital niya, ganito naman kasi ang gusto niya noon pa na gawing libre ang mga check up sa hospital sa kaniya sa mga senior citizens at kung sakaling wala rin silang pambili ng gamot ay ako na rin ang sasagot.
mahilig tumulong sa mga tao si sunny, hindi siya nagdamot o kahit na ano sa mga taong nakapaligid sa kaniya, siguro 'yon din ang isa sa mga dahilan kung bakit nahulog talaga ako sa kaniya.
sana lang ay hindi siya magsawa na tumulong sa mga tao, kilala ko naman siya at alam ko naman na hindi siya magsasawang tumulong sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
nilabas din sa news ang libreng check-up sa hospital niya kaya mas lalong nakilala rin ang hospital niya e, nilabas pa sa news ang mukha niya at ininterview din siya ng mga reporters. nakakatuwa dahil nakukuha niya yung mga deserve niyang recognition.
at dahil nga mas lalo siyang naging sikat ngayon, may mga lumitaw din na pictures niya dati sa b.a.d kaya mas lalong na-enganyo ang mga tao sa kaniya. maraming pumuri sa kaniya na labis kong kinatuwa.
humupa na rin naman yung news na yon pero araw-araw ay maraming mga senior ang pumupunta sa hospital niya para mag patingin, kahit busy siya ay hindi niya ako kinakalimutan na kamustahin o pagsabihan na kumain.
sinabi niya na kapag daw may lumapit sa aking mga reporter ay tawagin ko raw siya agad, hindi ko ba alam. artista na ata fiance ko e?
nandito lang ako sa sala namin at nagpapahinga nalang ako dahil hindi na ako pinapagtrabaho rito sa bahay dahil yun ang bilin ni sunny sa mga kasambahay namin. kahit si kuya manong ay hindi ako pinapagmaneho kahit na kaya ko naman, gusto pa nga raw doblehin ni sunny ang security dito sa bahay pero sinabi ko na hindi na yon kailangan.
"hindi na kailangan, i can handle high profile cases while im pregnant. dont worry, just send it to my email" sinabi ko kay kel sa call, sa firm kasi ako ang inaatasan na humandle ng mga high profile cases.
nagpapaalam lang si kel kung kaya ko ba raw, alam kong magagalit si sunny pero last na 'to. gusto ko lang muna humandle ng last na case bago ako mag file ng leave ulit. pero siyempre ipapaalam ko pa rin to kay sunny.
sana lang payagan niya ako dahil last na talaga to at gustong gusto ko makatapos ng isang case nalang! papayagan niya naman ako right?
i can handle myself naman and... ugh, baka hindi nga ako payagan ni sunny.