75.

39 0 0
                                    

Sunny' pov

Bigla nalang kami nabulabog ng mga bata dahil sa biglaang pagdating ng mga bwisita na to, well, kilala niyo naman sila.

"Hi mga inaank!" bati ni Mille sa mga bata, kasunod niya ay sila Sweet at Sugar na agad na binuhat si Lauren na kumakain pa ng chips sa sofa.

Asa kusina ako kasama si Svea kasi at Tamara na nagpeprepare ng makakain nila, kasama naman ni Charlotte si Lauren sa sala.

"Ninang!" sigaw ni Svea at agad na tumakbo papunta kay Ninang Mille niya.

"Nako! Pinapagod ba kayo ni Daddy niyo?" pagbibintang ni Mille, kaya agad 'kong nabitawan ang hawak kong pampunas ng kamay. Pasalamat siya dahil hindi ko ito hinagis sa mukha niya.

"Excuse me? Never 'kong pinagod ang mga bata" sabi ko at hinawakan ko sa kamay si Tamara para makapagmano na siya sa mga Ninang niya.

"Nasaan ang asawa mo?" tanong ko sabay halik sa pisngi ni Mille, "Asa labas, ayon, binabakuran ata ang sasakyan mo" sabi nito at agad naman akong lumabas ng bahay.

Saktong nakita 'kong pinagtitinginan na nila ang sasakyan ko, hindi naman 'yan bago. Pero limited edition lang kasi, natawa nalang ako at sakto naman na tumabi sa akin si Lauren.

"That car, magiging akin diba Dad?" tanong niya bigla, mabuti nalang at alam 'kong anak 'ko 'to.

"Of course, sayo 'yan" sabi ko nalang kahit mukhang naiiyak na ako.

"Pare! Nice car" sabi pa ni Deen sa akin habang nakangiti, kinamayan pa ako ng gago at agad na nakipagfist-bomb kay Lauren.

Sumunod naman na pumasok si Ink, siya lang at may kasama pang chix. Hindi ko kilala pero familiar, pero papakilala rin nito sa'kin mamaya. Kumindat e.

Nasa loob na sila ng bahay ngayon pero may sasakyan pa rin sa labas na hindi umaalis, itatanong ko sana pero nung tumalikod ako ay nakangiti na silang lahat, parang mga timang.

"We have a little surprise for you" sabi ni Sweet. Tumingin nalang muna ako dahil baka sinundo lang naman nila si Tanya sa work.

Sumenyas na si Mille sa sasakyan at namatay ang engine nito, maya-maya pa ay may isang babaeng bumaba sa sasakyan, morena at kasing-height lang naman ng misis ko.

Ng makalapit na siya sa gate, namukhaan ko na agad kung sino siya. Tumakbo ako ng mabilis saka ko lang siya binatukan at niyakap sandali, hinampas niya pa ako dahil napalakas ata ang pagbatok ko sa kaniya.

"Lai! Gago, kailan ka pa umuwi dito?" tanong ko habang kayakap ko siya, "Kakarating ko lang, baka mamatay na'ko sa yakap mo" sabi nito at pinakawalan ko muna siya, "Sorry disappointed lang, akala ko kasi Misis ko umuwi" hirit ko pa at akma naman na hahampasin niya ako.

"Joke lang! Kailan ka pa umuwi?" tanong ko ulit sa kaniya habang papasok na kami sa bahay.

"Last week lang, pero naging busy kaya di ako nakapagmessae agad, anyways, nasaan na ang mga pamangkin ko?" tanong niya at agad naman pumalupot sa paa ko si Lauren.

Hindi pa kasi nagkikita si Lai at ang mga bata dahil sa ibang bansa ito nakatira kasama ang family niya, lumapit naman sila Svea at Tamara kasama si Charlotte at nagmano sa Tita Lai nila, except kay Lauren.

"Ayaw sa'yo ng bata, ngayon lang nakakita ng pang–"

"Sige ituloy mo at ng mahampas kita" pananakot nito, parang si Tanya lang, pero mas takot ako sa Misis ko.

Nagpakilala si Lai sa mga bata at agad naman lumambot sila Svea sa kaniya, sweet kasi si Lai pero sa akin lang talaga siya brutal. Ewan ko ba d'yan, kami kasi ni Mille ay chill, pero medyo magulo.

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon