42.

84 1 0
                                    

Tanya

nagising ako ng bigla akong nakaramdam ng init sa katawan ko, na para bang may nakayakap sakin ng mahigpit at hindi ko mawari kung dahil ba ito sa yakap niya o dahil sa init ng katawan niya.

inangat ko ang ulo ko para makita ko ang mukha niya at ang mala anghel niyang mukha ang sumalubong sakin, kahit tulog, ang pogi pa rin.

may parte sakin na lumambot ng kaunti sa kaniya lalo na may sakit siya, alam kong doctor siya at kaya niyang gamutin ang sarili niya, pero hindi.

hindi niya kaya at hindi niya magawa dahil simula nung naging kami, hindi na niya ginagamot ang sarili niya, lagi niya akong tinatawag kapag may sakit siya.

sabi pa ng mama niya sakin na ako raw ang mag papagaling sa anak niya dahil hindi naman daw nakikinig si sun sa kanila, sakin lang daw may takot ang anak niya.

ang higpit ng yakap niya sakin, yung yakap na parang hindi niya ako pakakawalan, yung yakap na kailangan ko noon pa pero hindi ko natanggap dahil pilit ko siyang tinataboy.

tinignan ko ang labi niya na sobrang tuyo, kahit ba pag inom ng tubig hindi niya magawa? tuluyan niya na bang pinapabayaan ang sarili niya?.

yumuko ulit ako para bumalik na sa pag tulog, hindi ko namalayan na hindi ko man lang naisip na tanggalin ang yakap niya sakin o tumayo man lang.

dala na rin siguro ng bigla akong lumambot sa kaniya, hindi ko alam pero ramdam ko naman na nag sisisi siya, pero pipiliin kong maging matigas nalang.

ayaw ko na muna ulit mag tiwala pa sa pangit na 'to! baka mamaya gawin niya ulit, hindi na muna ako mag patawad ngayon. hindi ko pa nasisira ang buhay ni eunice.

pinakalma ko ang sarili ko at lalo akong kumalma ng narinig ko ang tibok ng puso niya, pinakinggan ko lang dahil kalmado ito.

pinakinggan ko lang hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ulit. ang himbing ng tulog ko, yung tulog na alam kong ligtas ako.

ligtas kami ng mga anak ko.

pag gising ko sa umaga, wala na ang mga anak ko sa tabi ko, si sun nalang at ako ang natira sa kama.

hindi na ako malapit kay sun dahil maluwag na at umusog na ako sa kabilang dulo, hindi ko nga alam paano ako nakalapit sa kaniya sa gabi.

pero ang importante, magigising siya ng hindi ako ang katabi. or huli na ang lahat?

"good morning, bakit ka umusog?" tanong niya, nakatalikod ako sa kaniya kasi ayaw ko siyang harapin, "ayaw ko lang tumabi sa cheater, sorry" sabi ko nalang at tatayo na sana ako ng bigla niya akong hawakan da kamay.

"stay with me"

"please?"

"bakit ako mag sta-stay?" pag susungit ko sa kaniya at inalis ko ang kamay ko sa kamay niya, "because i need you, wag ka muna matigas, please?" sabi niya pero sabi ko nga, pipiliin kong maging matigas na muna sa kaniya.

nagulat kami sa biglang pag bukas ng pintuan, "mommy! daddy! breakfast is ready!" sabi ni tamara atsaka niya kami hinatak ni sun papunta sa kusina. "me and svea prepared all of these!" tamara said, proudly. huhu.

ang kalat ng kusina pero hindi ko na pinansin, umupo na agad ako at kumain, ang dami nilang niluto! very dangerous kaya mag luto! they are 4 years old pa lang!

"look mga anak" pauna ko sa kanila habang kumakain sila, "i appreciate all of these, lahat ng effort niyo, but please don't cook ng wala kayong kasamang adult" sabi ko at tumango naman ang kambal. i just smiled at them at kumain na rin ako ulit.

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon