Sunny
" luvie what do you think? this or this one? "
" hmm, i dont know- ikaw nalang pumili! "
" uh i think may kulang "
" sorry, can we please go back there? parang may hindi ako nabili "
" no! wag tayo gagamit ng plastic sa house, lets buy some real plants nalang "
" no "
" nope, i dont like it "
" fine, lets get it na "
she's..... she's so gulo.
my head is spinning, ang gulo niya talaga kasama mag shopping, mas magulo ngayon kumapara kapag nag go-grocery kaming dalawa.
nandito kami ngayon sa Ikea para bumili ng mga gamit para sa bahay, tulad nga ng sinabi ko noon, si tanya ang pipili ng mga gamit para sa bahay.
kanina pa kami paikot-ikot dito sa Ikea, may time na gusto ko siyang iwan mag isa dito pero naalala kong clumsy pala siya, kailangan niya ng kasama.
baka mamaya may mabasag pa siya dito.
pero alam niyo ba? ang saya pala tumingin ng mga gamit para sa bahay, excited tuloy ako makita yung bahay na kumpleto na.
nandito kami ngayon sa kitchen area ng Ikea, napagusapan din kasi namin ni tanya na gawin naming minimalist lang yung kitchen, lalo na siya ang mag luluto palagi.
nung una, hindi kami maka decide kung ano ang pwedeng baguhin or idagdag pa sa kusina. medyo mahirap kasi ang gusto ni tanya, pero napag-usapan naman namin kaya nag kasundo kami na gawin nalang na minimilist yung kitchen.
ganon din sa living room, sa loob ng bahay, ayaw din kasi namin ng masyadong madaming nakikita o nililinis sa bahay, lalo na at kalahati ng araw namin sa school lang kami.
halos patapos na rin kami dito, nag babayad nalang siya sa loob, lumabas na ako para ilagay sa sasakyan yung mga kasya sa car, yung iba ay idi-deliver nalang sa bahay.
lumabas na siya sa loob ng Ikea, she's wearing my sweatpants na sobrang haba sa kaniya, pero sinuot niya pa rin. diba? ang kulit talaga.
sweatpants, tshirt, then hawak niya lang yung bag niya, she's so cool pero halos ma-stress yung mga tao sa loob sa kaniya.
naka sweatpants, sweater tsaka ko lang suot yung shoes na favorite ko.
gamit namin ngayon yung civic niya, sabi niya kasi sakin na sulitin na namin yung civic dahil baka bumili na daw siya ng bago ulit.
" sabi nila idi-deliver sa bahay yung sofa and yung refrigirator tom, yung bed ililipat na sa house now, then yung other appliances tom din " sabi niya sakin.
" okay, where tayo mag go next? " tanong ko sa kaniya.
" ewan, wala pa toiletries and rugs and dishwasher and- "
" mall, lets go " sabi ko nalang sa kaniya, lahat ng kulang naman na sinabi niya, sa mall mahahanap.
pinagbuksan ko siya ng pinto, tumakbo naman ako agad sa kabila para maka-alis na kami.
habang papunta kami sa mall, hawak niya yung mga resibo sa Ikea, isang mahabang resibo tsaka ang daming maliit, kanina pa kasi kami nag iikot sa manila para makahanap kami ng gamit sa bahay.
Tanya
" alam mo feeling ko, wala pa sa kalahati yung mga nabibili natin " sabi ko kay sunny na daretcho ang tingin sa daan.