52.

36 0 0
                                    

Tanya

sunday today kaya medyo maaga ako nagising, nagising ako at nadatnan si sunny na nakahiga pala sa chest ko.

hinaplos-haplos ko muna ang ulo niya bago ako tumayo, kahit ilang minutes lang e gusto ko pa sana siya makatabi.

"good morning, love" bulong ko sa kaniya pero hindi siya nagising.

natawa pa ako dahil parang nainis pa ito ng binati ko siya ng good morning, gusto pa ata niyang matulog.

kaya hindi muna ako umalis sa kama, hinayaan ko pa siyang mahiga sa dibdib ko hanggang sa siya na mismo ang umalis at niyakap niya yung pillow sa tabi niya.

nakaharap siya sakin ngayon at mahimbing na natutulog, ang sarap niya talaga titigan kapag tulog.

ang peaceful niya tignan, parang kahit lindol mapapatigil dahil sa kapayapaan na matatanaw mo sa mukha niya.

she looks very calm, very gentle, very bright kapag tulog. kaya sa tuwing may problema talaga ako? sa kaniya lang ako tumatakbo.

hinalikan ko muna siya sa noo at inayos ang blanket na nakabalot sa katawan niya bago ako umalis ng kwarto para tignan ang mga bata.

wala kasing gigising sa mga bata ngayon dahil wala kaming kasama dito sa bahay, nag day-off muna si yaya pati si kuya manong.

mabuti nalang din yon dahil nandito naman kami ni sun para bantayin ang mga bata, tsaka itong araw na to ay nakalaan talaga sa pamilya ko. at para narin makapag-pahinga sila, alam kong pagod sila sa mga nakaraang araw dahil parehas kaming wala ni sun lately.

pag dating ko sa harap ng pintuan ng kwarto ng mga bata, dahan-dahan ko itong binuksan para hindi ko sila magising sa pag bukas ko ng pinto.

ang hihimbing pa ng tulog nilang tatlo, nakahiga lang sila sa sara-sarili nilang mga kama dito sa malaking kwarto nila.

tinignan ko muna ang bunso dahil baka mamaya ay wala na itong kumot sa katawan niya, ng tignan ko ay bigla akong napanganga dahil kamukhang-kamukha niya talaga ang daddy niya.

binuhat ko muna siya at sunod kong ginising ang kambal na humihilik pa ngayon, sarap ng tulog niyong lahat ha.

"Svea.. wake up" bulong ko sa panganay, hindi naman to mahirap gisingin e.

"Svea, wake up na ha? oras na anak" sabi ko sa kaniya, ngayon ay medyo nagigising na siya dahil iniiling na niya ang ulo niya.

"Tamara? tamara anak, wake up na" sabi ko naman sa batang to na may pinakamalakas na hilik.

"Tamara pag luto natin ng breaky si daddy, wake up!" sabi ko ulit at doon pa lang siya nagising.

"breaky?" tanong nito sa akin na nakasara pa ang mga mata.

nakaupo ako ngayon sa tabi ng kama niya habang buhat ko si Charlotte at taimtim na natutulog sa balikat ko.

"breakfast nak, tayo na ha" sabi ko ulit at tumango na siya.

hinalikan ko muna siya sa noo at si Svea bago ako lumabas ng kwarto nila, binuksan ko na rin ang ilaw para magising na talaga sila!

baka mamaya ay pag balik ko dito tulog pa silang dalawa, family day natin ngayon kaya magising na kayo mga beh.

nag lakad ako ng dahan-dahan papunta sa kwarto namin ni Sun dala si Charlotte.

itatabi ko muna siya sa daddy niyang mahimbing pa rin ang tulog!

"baby wake up" bulong ko sa kaniya.

"late na dy" sinabi ko yon kahit maaga pa naman.

gusto ko lang na makita na silang gising, pero kahit si Charlotte ay bagsak pa rin sa tulog niya e.

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon