Sunny
pag gising ko kaninang umaga bumungad na agad sakin mga tingin ng parents ko sakin, yung mga tingin nila, yung mga tingin na hindi ka makapaniwala bakit tulog pa yung tao.
"ang aga niyo naman dumating" bungad ko sa kanila saka ko kinati ang mga mata ko para makita ko sila ng maayos.
"hindi kami maaga siso, late ka lang nagising" sabi ni mama sakin saka siya nag sungit ng tingin.
"yung buntis ayon asa baba, siya nag hahanda ng breakfast niyo" sabi naman ni dadi, napatingin ako sa side ko at wala nga si tanya sa tabi ko, bumangon na ako agad tapos daretso ako sa cr para maligo.
napahimbing siguro ang tulog ko kaya hindi ko napansin ang oras, maaga pa naman bago mag start ang class ko, lagi kasi nag sstart ang araw ko ng 7:30 dahil matagal pa bago gumising si tanya non, pero maaga siya nagising ngayon hindi ako late!
maaga lang talaga dumating ang parents ko, 7:00 pa lang at nandito na sila. after ko naligo lumabas na agad ako sa kwarto at dumiretso na ako sa baba kung asan si tanya, nakita ko siyang hinahawakan yung tummy niya kaya ang bilis kong nag punta sa kaniya.
"napano?" tanong ko sabay hawak sa tummy niya.
"masakit lang" sabi niya sakin, narinig siguro ni mami kaya lumapit siya agad kay tanya.
"are you okay anak?" tanong ni mami, tumango naman si tanya saka nalang siya ngumiti kay mami.
"dont be scared to tell me, masakit ba? gaano kasakit?" tanong ulit ni mami.
"konti lang naman po, normal lang naman po 'to diba?" tanong ni tanya, halata sa tone niya nag alala siya.
"yes, normal pero hindi normal yan kapag sobrang sakit na ha?" sabi ni mami, inabutan ko ng water si tanya saka siya pinaupo ni mami.
"kapag sumakit pa ulit, go to your ob ygne na ha?" hinawakan ni mami ang tummy ni tanya saka siya bumulong, "wag ka masyadong masakit apo, yung asawa pa naman ni mommy mo late nagising" sabi niya saka sila tumawa ni tanya.
"mom hindi nga po ako late nagising! maaga lang po talaga kayo dumating" sagot ko sa kaniya saka nalang siya natawa.
"oo nga po pala, buti po ang aga niyo?" tanong ko sa kaniya, lumapit ako sa kanila ni tanya saka ko pinatong ang kamay ko sa balikat ni tanya.
"wala para mabantayan namin asawa mo, diba marami kang gagawin today?" tanong ni mami sakin.
"yes but later pa naman 9:00 ang class ko" tanong ko kay mami, feeling ko kasi may binabalak siyang gawin eh.
"ikaw ba tanya? ano ba plano mo today?" tanong naman ni mami kay tanya.
"mag visit po sa bahay na pinapagawa namin ni sun" sagot niya kay mami.
"sure, samahan ka namin" sabi ni mami saka siya ngumiti kay tanya, umalis na siya sa harap namin sabay sigaw kay dadi sa sala, "honey sasamahan natin si tanya sa bahay nila" sabi niya.
"i want my strawberry taho na" bungad niya sakin pag luhod ko sa harap niya to touch her tummy sana, yung pinaglilihian niya agad ang bungad sakin.
"bibigay ko taho mo later, okay?" sabi ko sa kaniya saka ko hinalikan tummy niya.
"super kulit ni mami mo baby, pero kailangan sundan baka pangit ka lumabas eh" bulong ko sa anak namin saka naman ako biglang pinalo ni tanya.