Sun
"masakit love, masakit na sobra!" reklamo ni tanya sa living room ng biglang sumakit ang tyan niya, kanina kasi ay ayos lang kami na nag ke-kwentuhan at halos walang bahid sa mukha niya ang sakit.
ngayong pa-akyat na sana kami sa kwarto namin para magpahinga, hindi pa siya nakaka-apak sa isang step ay uminda na agad ang sakit ng tyan niya. kaya pinaupo ko muna siya sa sofa at tinawag si manang para bigyan ng tubig si tanya.
"next week pa due date mo love, ano? dadalhin na kita sa hospital?" tanong ko sa kaniya, gusto ko hanggat maaga pa kung hindi na niya kaya ay makapunta na kami sa hospital, ayaw kong dito pa siya sa bahay mahirapan.
"love!" sigaw niya at ramdam ko na ang sakit niya dahil humihinga na siya ng mabibigat ngayon, lumabas pa ng kwarto ang mga bata at mukhang nag aalala sila sa mommy nila.
"daddy! manganganak na po si mommy?" tanong ni svea sa akin, hindi ako makasagot kaya tumango nalang ako. tinatawagan ko ang mga tao sa hospital para i-ready ang presidential suite pati na rin ang delivery room dahil manganganak na nga si tanya.
"love, tara na" sabi ko sa kaniya at tumabi naman si manang pati si yaya gold, binuhat ko agad si tanya at agad kong dinala sa garahe, hindi ko alam kung saan ko galing yung lakas ko pero nabuhat ko siya kahit na ramdam ko ang kabigatan niya.
"ahh!" sigaw niya kaya tumakbo na agad ako papuntang driver's seat.
"manang, please bring our things. nasa loob po ng kwarto namin. dalawang malaking maleta po yun. kuya manong, kayo na po mag maneho kila manang, yaya gold, wag mong iiwan ang mga bata" bilin ko bagoa ko sumakay at hinarurot ang sasakyan.
hindi nawala sa byahe namin ni tanya ang mga malalakas na sigaw niya at pawis na siya wala pa nga, ngayon nalang siya manganganak ulit kaya nung first time namin ay halos hindi ko alam ang gagawin, pero buti nalang ngayon, alam ko na.
kahit na mabilis ako sa daan, maingat naman ako kaya safe pa rin naman si tanya sa akin, umiiyak siya sa sakit kaya hinawakan ko muna ang kamay niya, hinigpitan naman niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko.
"malapit na tayo love, okay? malapit na tayo, im here."
habang nasa byahe kami ay ina-assure ko lang siya na malapit na kami at sinasabi ko rin na nandito lang ako, na kasama niya ako kaya wag na siya matakot. tumatango naman siya at sa tuwing may tumitigil sa harapan namin ay nag o-overtake ako kahit binabawal niya ako.
"fuck baby! alam kong nagmamadali ka pero wag kang mag overtake!"
"nago-overtake ako para madala kita sa hospital! this is for you! dont talk about law right now, kung makakasuhan man ako wala akong pake" sagot ko sa kaniya kaya mas minadali ko pa ang pagkamaneho, bwisit, dapat pala sa malapit ko nalang pinagawa hospital ko.
pagpunta namin sa hospital may isang nurse naman ang naka-abang para i-park ang sasakyan ko, bumaba na ako agad at agad ko ring binuksan ang pintuan ni tanya, nandoon ang obgyn namin at ang isang wheelchair.
"Doc, kami na po bahala, mag change na po kayo" sabi ng nurse sa akin, inupo ko agad si tanya sa wheelchair at hinalikan ko muna ang ulo niya pati ang tummy niya bago ako nag bihis.
papasok kasi ako sa delivery room, gusto ko siyang samahan e, ayaw kong mahirapan siya na siya lang mag isa. hinatid ko muna sila sa harap ng delivery room at habang hinahatid ko sila ay may mga naririnig akong...
"ah ito pala asawa ni Doc Sunny?"
"ang ganda ng asawa niya, maganda anak nila for sure"