26.

38 0 0
                                    

Author

three years later, balik na ulit sila sa pag-aaral, maraming nag bago, maraming nawala, tsaka marami na rin silang natutunan tungkol sa buhay.

yung iba, nag desisyon na humiwalay o lumayo para sa kanilang pang-sariling kapakanan.

marami rin ang pinili nilang mag stay kung na saan sila ngayon, dahil doon sila mas komportable.

at dahil balik na nga sila sa pag-aaral, hindi na rin sila lagi nag kikita-kita, hindi tulad noon na isang aya mo lang. go agad.

pero ang importante, marami silang natutunan sa buhay at pinapahalagahan nila kung ano ang meron sila ngayon.


-----



Kel

tatlong taon na rin simula nung nag hiwalay silang dalawa, aaminin ko, bilang kaibigan nila. sobrang sakit.

halos hindi ko nga maisip na mag hihiwalay sila dahil kung titignan mo noon, sobrang strong at halos hindi mo talaga maiisip na magagawa nilang mag hiwalay.

kahit ang dami nilang problema, kahit ang daming pumigil at humarang sa kanila, hindi sila tumigil lumaban para sa isa't isa.

pero tadhana nga naman no? kahit gaano niyo naman siguro kamahal ang isa't isa, may mga tao talaga na hindi para sa isa't isa.

nung nalaman ko yung balita galing kay tanya, halos ramdam ko sa boses niya ang sakit, halos hindi na siya makapag-salita nung sinabi niya sakin 'yon.

ganon pala talaga yon, kahit pala anong tago mo dun sa sakit na nararamdaman mo, hindi mo pala talaga matatago?.

naawa tuloy ako, kasi kahit hindi ko sila laging nakikita na mag kasama sila, naalala ko pa nung nag batangas sila, ang sabi sakin ni sof. sobrang cute at sweet daw nilang tignan dalawa.

kaya nakakapag-taka, kung bakit sila nag hiwalay dalawa. hindi mo rin kaya mang-hula kung ano ba talaga ang rason bakit sila nag hiwalay dalawa.

nung isang gabi, mag ka-kasama kaming tatlo nila uno at tanya, sa condo ni uno.

hindi ako madalas dito eh, lagi kasi ako sa condo ni tanya noon. akala nga ng mga kasama niya noon sa condo, mag jowa kami. ew.

nandito kami ngayon sa may harap ng tv, nakaupo sa may sofa habang umiinom sila. hindi kasi ako laging umiinom pero lagi akong nasa bar, ano ginagawa ko dun? wala lang.

umiinom sila ng wine, habang iniinom ko lang itong tirang milk ni uno sa may ref niya.

sobrang tahimik, mararamdaman mo sa hangin yung sakit. hindi mo man lang kayang iwasan kasi kahit saan ka tumingin, bakas yung lungkot.

gusto ko sana mag salita, mag kwento, mag chika, mag comfort. pero parang hindi ko siya magawa? parang may pumipigil talaga sakin.

habang nanonood kami, nakatingin lang ako sa dalawa, hindi ko ma-explain pero kahit wala silang imik, dama mo yung kalungkutan sa mata nila.

ako kasi, si sof lang talaga ang naging nobyo ko, after niya. wala na talaga akong naging jowa, mahirap kasi mag hanap tsaka wala akong panahon para sa mga bagay na ganyan.

kaya tuwing may kaibigan akong broken, hindi ko talaga alam ang gagawin kasi hindi ko pa talaga siya na-experience.

hindi rin naman kasi ako nasaktan nung samin ni sof, parehas naman kasi naming ginusto at para na rin yon sa ikakabuti naming dalawa.

cartoons ang pinapanood namin ngayon, ayan nalang daw kasi ang panoorin sabi ni tanya, para na rin daw gumaan ang pakiramdam namin at para hindi nalang rin daw masyadong malungkot ang hangin masyado.

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon