Sunny
kailangan ba tuwing aalis kami kasama mga kaibigan namin, kailangan ba lagi muna kami mag away ni tanya? katulad din nung nag tagaytay kami, nag away din kami doon dahil dun sa staff na tumitingin at kinukuhanan siya ng litrato.
ngayon naman, dahil sa babaeng hindi ko naman kilala na nag follow sakin sa ig.
hindi ko naman talaga alam kung paano niya ako nahanap sa ig, hindi ko nga nilalabas ang account ko sa kahit na sino kahit pa naka public yon, hindi ko masyadong ginagamit din dahil hindi naman ako tambay sa mga social media.
habang kausap ni aly si tanya kahapon sa kwarto, lumabas agad ako ng bahay para kausapin sila uno na tulungan ako kay tanya, sinabi ko sa kanila kung ano ang balak kong gawin kay tanya para hindi niya ako maiwasan sa byahe namin.
"uno" tawag ko sa kaniya pero hindi siya lumalapit sakin, ganito talaga sila, kapag si tanya galit pati siya galit sakin.
"uno" wala pa rin kaya lumapit nalang ako sa kaniya habang nakasandal siya sa sasakyan niya kasama si joe, lana, at nuri.
"ikaw kasi, problema mo yan-" bungad niya sakin, pag lapit ko, pati tuloy sila joe, lana at nuri ay masama na ang tingin sakin.
"hindi ko nga alam kung paano ako nahanap nung babaeng yon" sabi ko, pero masama pa rin ang tingin nila.
"tulungan niyo nalang ako" sabi ko pa sa kanila, ng narinig nila yon unit-unti na nilang inalis ang tingin nilang di maganda sakin.
"ano naman gagawin mo?" tanong ni lana sakin.
"hindi kasi kami mag dadala ng sasakyan ngayon kasi yung civic niya hindi pa napa-ayos, yung vios ko naman hindi ko ma da-drive dahil masakit ang paa ko"
"kaya sainyo kami sasakay uno, sayang naman range rover mo kung hindi namin sasakyan"
pinalo pa ako ni uno sa balikat, bakit ba kasi sila namamalo?
"yung mga gamit niyo, ilagay niyo nalang lahat sa sasakyan ni uno sa backseat ha"
"para kapag uupo kami ni tanya sa loob, walang space sa loob na pwede niyang upuan"
sabi ko sa kanila habang tahimik lang silang nakikinig sakin, hinintay ko silang mag react para alam ko kung maayos at maganda ba ang plano ko.
"kung hindi okay ang civic niya, baka yung vios naman yung i-drive niya" sabi ni nuri.
"hindi niya ida-drive sasakyan ko, tinago ko susi ng mga sasakyan sa isang vase sa sala" sagot ko kaya tumango na sila sakin, nag simula na silang mag lipat ng gamit sa sasakyan ni uno.
yung ibang bag, at paper bag, kahit walang masyadong laman, pinasok sa sasakyan ni uno, kahit gamit na paper bag na yan, binigyan nalang ng bato sa loob para kunwari may laman para kapag gagalawin ni tanya, mabigat.
yung sasakyan ni ink at yung tatlo naming sasakyan ni tanya, nasa garahe lang dahil gagamitin nga namin yung kay uno.
nag hintay kaming lahat na matapos sila aly at tanya mag usap sa loob ng bahay, after din kasi namin mag pasok ng mga gamit sa loob ng sasakyan ni uno, pinapasok ko silang lahat sa mga sasakyan nila para labas nilang dalawa, aalis nalang kami dahil mawawalan na ng choice si tanya na lumipat pa ng ibang sasakyan.
pinauna ko talaga ang sasakyan ni uno kay ink, para kami yung susundan sa daan at para mamaya kapag natagalan si tanya sa pag sakay, businahan nila kami. sinabi ko yan sa kanila para mapapasok ko sa loob si tanya.