62.

33 1 0
                                    

Tanya


alas dose na ng umaga at hindi pa rin natutulog si lauren, ilang gabi na kaming ganito ulit dahil iyak siya nang iyak. hindi ko na ginigising kung minsan si sunny dahil pagod na siya maghapon e, nasa news na rin pala na may bagong anak daw kami kaya naman sobra sobra ang mga tao sa hospital at kung minsan ang pinupunta nila doon ay si sunny para mamigay ng regalo. 


even some of our friends from dior and LV ay namigay ng regalo, minsan napapatanong nalang kami kung celebrity ba kami o marami lang talaga kaming friends? napupuno na yung isang room sa baba ng mga gifts. 


"shh lauren anak, sleep na" pagpapatahan ko sa bata pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakaiyak, hindi ko na napansin na nagising na pala si sunny dahil sa iyak ni lauren. 


"bakit di mo ako ginising? its 2 AM you should sleep" sabi niya at gustong kunin si lauren sa akin.


"ikaw ang nag bantay kaninang hapon, its fine, nakatulog ako kaninang hapon. you should sleep" sabi ko at iniwas si lauren sa kaniya, she looks annoyed. haha, gusto niya siya na ang mag alaga pero gusto ko na matulog na siya.



"akin na, you need to rest" sabi niya at kinuha na si  lauren sa kamay ko, nakapagtataka naman na hindi na umiiyak si lauren ngayon, sadyang bwisit lang talaga ang itsura niya, kamukha niya daddy niya kapag annoyed sila. 


wait.. nabibwisit sakin anak ko? hoy! di pwede yan, ako nanay mo lauren. 


"she looks like me" rinig kong bulong ni sunny na agad kong kinaharap sa kaniya.


"hoy! kamukha ko rin, wag kang ano dyan" sabi ko at tumalikod na ulit, nasa kama na ako ngayon at agad kong binalot ang katawan ko sa kumot.


"pero mas kamukha niya ako" asar niya pa kaya kahit gusto ko siyang batuhin ng pillow hindi ko magawa! hawak niya bunso namin, baka si lauren ang matamaan.


"sige ah, wag mo ko kakausapin mga three days" sinabi ko at muli kong binalot ang buong katawan ko ng kumot. 


"as if naman hindi mo ako mapapansin for three days, im your fiance tanya," damn she's right, hindi ko nga kaya na hindi siya kausapin for a day, three days pa? 


napatulog na niya si lauren at binalik sa crib, nilapit ko nalang yung crib sa tabi ko para rinig ko agad kapag umiiyak na naman siya, ang iyakin ng mga anak ko. si charlotte lang hindi, i mean... she's not my child but still! 


ang kambal kasi, naging iyakin nalang nung mga 1-3 years old sila hanggang sa lumaki na pero buti naman nga ngayon ay hindi na sila umiiyak dahil matanda na sila! si charlotte naman tahimik lang, hindi ko alam kanino siya nag mana sa katahimikan, baka kay sunny. si lauren naman iyakin na ngayon, sana hindi na iyakin kapag lumaki. 


kaya lang naman kami nagigising ni sunny noon sa mga kambal ay dahil ayaw nilang matulog at kung minsan, si tamara lang ang iyak nang iyak habang si svea naman ay nakanguso lang. siguro baby pa lang si svea nagpapractice na mag posing posing. 

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon