S
For the past weeks ay wala rin kaming ginawa sa bahay kung hindi ang kumain nang kumain dahil holiday, long weekend.
Hindi na namin naisipan pang lumabas ng bahay dahil mas gusto ng mga bata na magstay muna sa loob dahil namimiss daw nila ang bonding namin sa bahay.
Simula nga rin nung naging okay kami ni Tannie ulit e hindi ko nilabag kahit isa sa mga rules niya no'n, ayaw ko lang siya bigyan ng reason again to overthink.
And kahit ba mag asawa kami, for me, mas gusto ko pang malaman ang magiging new rules niya lagi, i dont know, it turns me on eh.
I like it when she's strict, wala, parang super under ko naman? No, hindi po ako under. Mabait lang akong asawa.
"Dad look, si Serene nakatayo na!" nabali ang atensyon ko ng biglang sumigaw si Charlotte, nakita ko nalang na nakatayo si Serene habang nakahawak sa mga kamay ni Charlotte.
Ang kambal kasi ay nasa kusina tinutulungan ang Mommy nila, habang nandito kami ni Lauren sa living room nagse-set up ng tv.
"Oh my God, good job Serene, ang galing mo ate Charlotte nakaalalay ka agad" sabi ko naman, binuhat ko sandali si Serena saka ako pumunta ng kusina.
"Ooh, kaya mo na raw tumayo baby? Hm? Kaya na?" pangungulit ni Tannie kay Serena, kinuha niya sandali si Serene sakin para makakuha ako ng iinumin ng biglang may notif sa phone niya.
Mukhang sa isang delivery service, "Hon may parcel ka na parating?" tanong ko, "wala naman, alam mong hindi rin naman ako nago-order diba? Why?" tanong niya sakin.
Kinuha ko ang phone niya saka ko pinakita ang notification, "baka wrong number lang? Hon, nagluto ako ng food, bakit naman ako papadeliver ng chicken wings?" well, may point naman siya.
Binaba ko nalang ang phone niya at binalik ko na si Serene kay Charlotte, tinuloy nalang namin ni Lauren ang paga-ayos ng TV.
May kailangan lang naman akong ayusin sa TV eh then okay na, para lang mas maayos panonood namin mamaya ng movie.
Hindi namin ginamit ang theater room dahil wala na rin naman ang mga gamit do'n, nandoon na nakalagay sa bagong bahay namin, hindi lang kami pwede lumipat ngayon dahil may final touches pa ang bahay na yon.
Pagkatapos mag asikaso nila Tannie sa kusina, agad nilang dinala ang pagkain na ginawa nila, may homemade pizza, may clubhouse sandwich, at juices for the kids. May sarili kaming inumin ni Tannie which is cola, bawal sila sa softdrinks.
Pinaupo ko na sila sa sofa habang hinihintay lang namin mag play ang movie, may bagong paborito kasi ang mga kids and gusto raw nila panoorin ulit.
"Who is that Serene?" tanong ko, "Gru!" maligalig na sinabi nito, nakakapagsalita na siya, nakakatayo na nga eh.
Kamukha ni Abby si Serene, big eyes, chubby cheeks, and syempre, small pa lang ang baby namin.
Serene likes unicorn too, kaya para lang din siyang Abby.
Maya-maya, another notification na naman ang nag pop-up sa phone ng Misis ko.
"Are you sure wala kang inorder?" tanong ko, "Wala talaga Hon, like, alam mo rin naman na hindi na ako mahilig mag order online" sabi nito, inignore niya na naman ang notification.
"Baka naman may nagbigay ng number mo sa delivery service na yan? Wala ka ba kainitan right now? You know, sa mga cases mo" tanong ko, kasi nangyayari yan eh, and that's concerning.
"As far as I know, wala. But who knows baka mamaya pinagiinitan pala ako, right?"
"Honey, seryoso kasi, ano ba sabi ng text?" pinakita niya sakin, about talaga sa food delivery.