59.

55 0 0
                                    

Sunny

"Take care po Doc" ayan ang bati sa akin habang palabas ako ng hospital, tapos na shift ko kaya uuwi na ako sa bahay. Hindi na ako nag o-overnight dito dahil butis si tanya, kailangan ko siyang bantayin.

May dala rin akong pagkain ulit para sa kanila at bulaklak para sa apat na babaeng nag hihintay sa bahay, hindi pa naman late kaya sigurado akong gising pa silang apat.

Tuwing uuwi nga ako lagi kong nadadatnan ang mga bata na hawak ang tyan ng Mommy nila, si Charlotte minsan tinatanong bakit daw wala siyang nakikitang sign ng baby, tinatanong niya sa buntis kung nasaan banda nag baby.

Three months nang buntis ang fiancé ako at napapansin ko na lumalala na masyado ang mga cravings niya, hindi naman kami nag aaway dahil tuwing may topak siya agad kong kinakausap ng maayos naman.

Hindi siya mahirap na i-handle, nahirapan lang ako nung si Kid ang pinaglilihian niya, parang gusto kong sapukin si Kid kapag inaasar niya ako na nakatabi niya raw fiancé ko.

Siya nga isang gabi lang ako gabi-gabi, ulol.

Pag-uwi ko sa bahay agad kong pina-park ang sasakyan ko kay kuya manong saka na ako bumaba, nasa braso ko ang coat ko at suot ko naman ang bag ko, hawak ko ang mga flowers at foods na dala ko para sa pamilya ko.

Pagbukas ko ng pinto, tumakbo ka-agad sa akin si Charlotte na dala-dala ang stuff toy niya na olaf, bigay yan ng mama niya. Si Svea at Tamara naman na pinapainom ng milk ang Mommy nila.

Ang fiancé ko na hindi maganda ang timpla, nakasimangot na sa akin at hindi maganda ang tingin sa akin, lumapit muna ako sa sofa para bigyan ng kiss sa noo ang kambal, ng ang fiancé ko na ang iki-kiss ko sa noo, bigla niyang iniwas ang ulo niya at hindi ako tinignan.

Napatingin ako sa mga bata at tinanong gamit ang mga mata ko kung napano ang Mommy nila, hindi rin nila alam kaya napatingin sila sa Mommy nilang hindi maganda ang timpla.

"I have foods, and these flowers are for you girls" umupo nalang ako at binigay ang mga bulaklak sa mga bata.

"Ang ganda Daddy! Thank you so much po" Svea thanked me, and she kissed my cheeks din. Same with Tamara.

"Thank you Daddy ko" sabi niya at hinug pa ako at kiss din sa cheeks, si Charlotte ang huli kong binigyan dahil siya ang mas nagalak. She looks so excited!

"What's this Daddy?" she asked me habang pinagmamasdan niya ang bulaklak.

"Tulips, baby. Your Tita Mommy's favorite" sabi ko at tinignan ko ang fiancé kong malayo ang tingin, pero napatingin din siya sa mga bata pero hindi sa akin.

Umupo sa sahig ang mga bata at inamoy-amoy yung mga tulips na dala ko, isang bouquet naman ang dala ko for my fiancé. Pero hindi niya man lang ito sinulyap kahit alam niyang sa kaniya naman itong dala ko.

Binitan ko coat ko sa isang table pati yung bag ko at tinabihan ko siya sa sofa, hinarap ko ang bouquet na dala ko for her but she just ignored my flowers for her. What's our problem ba?

"Are we okay?" I asked her saka ko pinatong ang bouquet sa kabilang side ng sofa.

Inignore niya na naman ako, ilang beses ko pa siyang tinanong kung napano siya pero hindi niya man lang ako sinagot. Tumayo na ako para mag ayos sana sa kwarto namin pero nagulat lang kami ng biglang nag salita fiancé ko.

"Saan ka pupunta?" sobrang tapang ng tono niya kaya nagulat pati ang mga bata, tinignan namin siya at seryoso lang ang tingin sa akin.

"S-sa taas, gusto mo sumama?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot, tinignan ko ulit sila Svea pero mukhang di talaga nila alam kung ano ang nangyayari sa Mommy nila.

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon