Charlotte
linggo ngayon at araw ng pahinga ng mga magulang ko pero umalis sandali si mommy para bumili ng ibang kailangan nila ate sa debut nila, kasama si lauren at sila ate. kami ni serene at daddy ang naiwan dito sa bahay.
day-off ngayon ni ate gold kaya naman si daddy ang nagpapatulog ngayon kay serene, kaya na matulog ni serene mag isa pero hindi siya natutulog hanggat wala lang kumakanta sa tabi niya. nagulat nga ako na ganito kaganda ang boses ng daddy ko.
kinakantahan niya ng nursery rhymes si serene habang ako naman ay nagbabasa ng tahimik sa gilid nila, pinapanood ko lang sila hanggang sa sumuko na si daddy sa kakakanta. "ah, lotte, ikaw naman nak. pagod na si daddy"
"po? ikaw na daddy, di man po maganda boses ko, umiiyak nga po sa akin si serene pag ako na yung kumakanta eh" sabi ko sa kaniya at mukhang wala na siyang choice kung hindi ituloy ang pagkakanta niya para kay bunso.
"tagal umuwi ng mama mo, siya na kumanta masakit na panga ko. ang tagal matulog ni serene" reklamo ni daddy na kinatuwa ko, pero maya maya lang ay nakatulog na rin si bunso kaya naman napahinga na ng malalim si daddy. parang may natapos na maze eh.
"sayang nak no? di ko nagawa na ihele ka man lang" sabi sa akin ni daddy ng tabihan niya ako, may lungkot sa tono niya kaya naman napatingin ako sa kaniya, "wag ka mag alala daddy, napatulog naman po ako ni ano eh" sabi ko nalang at ngumiti.
as much as possible kasi, kahit na nagsisisi si daddy na di niya ako nakuha ng mas maaga pa, ayaw ko iparamdam sa kaniya yung ganon. "besides dad, nung naman po nakuha niyo ako, napahele niyo naman ako eh. napatulog niyo naman ako, di nyo na po ba matandaan?"
"natatandaan, pero ba nung sanggol ka. dinala ka ni ano rito tatlong taon ka na" sabi niya at hindi mawawala sa utak ko kung ano ang mga nangyari noon at mga pinagdaaanan ko. kaya hindi ko makakalimutan yung childhood eh.
"wag ka mag alala nak, kahit bente ka na hehele ka ni daddy" pagbibiro niya, "daddy naman! matanda na po ako, kaya ko na matulog mag isa" sabi ko sa kaniya at nakipagkwentuhan nalang siya sa akin, sabi ko nga, parehas kaming bookworm ni daddy.
nakwento sa akin ni lola na mahilig mag basa si daddy noong bata pa siya, may library nga sila sa bahay nila dati at sa kaniya lang yung, punong-puno raw ng libro ni daddy. wala nga raw nakakapasok sa library na yun, kung hindi si daddy lang.
"sa debut mo, kahit na eight years pa, anong gusto mo nak?" tanong ni daddy bigla sa akin, "hmm, kahit ano po dad. pero gusto ko po magtayo ng sarili kong public library, para may mapuntahan yung mga iba kong kaibigan sa bahay ko dati. pag po kasi umuuwi ako noon run, nagbabasa ako ng mga libro nila" sabi ko sa kaniya.
"sige nak, patayo tayo public library" sabi ni daddy at niyakap ko siya sa sobrang tuwa, "yey! salamat daddy!" sabi ko pero mahina lang dahil baka magising si bunso. "welcome anak, basta ikaw ha" sabi niya at hinalikan ako sa noo.
"kinokontak ka pa?" alam ko na agad sino tinutukoy ni daddy, hindi naman tumigil yun kakakontak eh. pero kung ako lang din ang tatanungin, gusto ko ng itigil niya yung pagkokontak sa akin, hindi na kasi nakakabuti sa mental health ko.
parang, anytime, kukunin niya nalang ako bigla. sinubukan na niyang gawin yun noon, pero syempre mabuti nalang at sinundo ako agad nun ni mommy mula sa bahay ni eunice.
alam ko naman kung paano ako nabuo, pero imbis na bumawi sa akin si eunice, sinasaktan niya pa ako noon at si mommy at daddy lang ang nag alaga sakin ng mabuti, kung paano dapat alagaan ang isang bata.
"opo, pero hinahayaan ko nalang po. hindi naman niya ako makukuha mula sainyo ni mommy" sabi ko at napangiti naman si daddy, "walang makakauha sayo sakin nak, patayin ko muna sila bago ka nila makuha"