JM's therapy

377 38 0
                                    

[Emman's POV]

its been three months since last na tinakbo si JM sa hospital. Pero hanggang ngayon, hindi parin sigurado kung nagpaprogress ba ang kalagayan nya. Naaawa ako sa bestfriend ko pero sa kabilang banda, mas awa ako sa taong mas nadudurog ang puso everytime nag a undergo ng treatment si JM, si chasey. Halos minsan di na niya kayang magstay sa loob ng treatment room pag halos mapasigaw na si JM sa sakit..

One time nga nadatnan ko nalang siyang nakasalampak sa sahig sa labas ng treatment room— nakayakap sa mga tuhod nya at humahagulgol. I sat beside her then tapped her back.

"Hey! brave girl, nasaan na ang hero naming lahat sa paglaban sa sakit ni JM?" biro ko nalang saka nagbigay ng panyo sa kanya.

"Hindi ko na alam ang pwede ko pang gawin to resist every pain Em.. Sobra syang nasasaktan. Pero ang masakit, kailangan ko siyang plastikin at ipakitang kayang kaya ko siyang panooring nagkakaganyan. " sagot niya sakin habang pinupunasan ang luha.

"Kakayanin nating lahat to, JM's gonna pass through it especially now na alam niyang may isang taong sobrang umaasa sa kanya. You're JM's best medicine. " pagpapalakas ko ng loob sa kanya. poor girl, bakit kailangan niyang malagay sa ganitong sitwasyon.

"Sabi sa akin nung Pari sa simbahan kanina, ang buhay daw ay may kakaibang paraan sa pagsubok sa katatagan at tiwala ng isang tao sa Diyos. It's either by having nothing happen at all, or by having everything happen at once. Looks like what's happening right now is the latter, and it's so damn hard to accept that it really is."

Kinakagat na niya ang daliri niya para tumigil sa pag-iyak pero mukhang walang balak magpaawat ang mga luha niya sa pagpatak.

"Alam mo Chase, naniniwala akong kaya niya sa atin ibinigay ang pagsubok na ito kasi malaki ang tiwala niyang kayang-kaya natin tong lagpasan. Lalong lalo na ikaw, ika ang lakas niya, namin."

Hindi na siya sumagot sakin at halos nakatulala nalang sya.


Naalala ko tuloy yung mga panahong tuwang tuwa kami sa mga kalokohan niya. Her childish and jolly side never fails to lighten up the mood of everyone. Kahit  na daig pa nila ni JM ang mga warlords, hindi namin magawang mabadtrip sa araw araw nilang bangayang alam naming mauuwi rin naman sa lambingan.

Ang mga hirit niyang madalas ay pang out of this world, ang mga jokes niyang hindi nakakatawa pero sa hagikgik ka niya madadala, sa bawat thoughtful messages niya, I miss everything about her.

Minutes pass at lumabas na ang doktor ni JM. agad naman kaming tumayo. Im expecting na halos mapapatakbo si Chasey papunta sa loob ng treatment room pero hindi yun ang nangyari.

"Doc, can I talk to you?" bigla niyang sabi sa doktor ni JM. Well, its normal naman na kausapin ang doktor ng pasyente pero this time, parang iba ang kutob ko. Maging si Dr.Giron ay bahagyang nagulat. Hayy sana hindi Chasey, never make something you'll regret someday.

"About what,ijah?" Bakas ang pagtataka sa mukha ni Dr.Giron dahil sa tono ng pananalita ni Chasey.

"Can we discuss this in private?" Nag-nod si Dr.Giron saka sumenyas na sundan siya ni Chase. Lalong gumapang ang takot sa katawan ko nung iinsist ni Chase na huwag akong sumama.

Hindi na ako nagpumilit pero plano kong abangan siya sa labas ng opisina ni Dr.Giron, I wanna know her plan. Pasimple akong sumunod sa kanila pero nung malapit na ako sa nurse's section ay may natanaw akong pamilyar na babae.


"Yassi?" Anong ginagawa niya dito? Tss! Hindi siya pwede dito! Takte! 

Nagpalingon-lingon ako pero wala na sila Dr.Giron at Chasey sa paningin ko. Tss, bahala na. Kailangan kong malaman ang pinaplano ni Chasey bago mahuli ang lahat. Bahala na! PAnigurado namang hindi din siya kakausapin ni JM.




US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon