[Mhasey's POV]
"I love you till the last race on Earth finally end."
"I love you till the last race on Earth finally end."
paulit ulit niyang binubulong sakin.
"Bee, tulungan mo ko.." pilit ko siyang inaangat. Hinihila ko siya paalis sa tubig pero hindi ko kaya.
"Hindi ko na kaya Bee, tulungan mo ko.." pagmamakaawa niya sakin.
"Babe, hold my hand. Halika dito." biglang nagsalita ang isang lalaking walang mukha sa likod ko. Pero nang lingunin ko siya, nakita kong umiiyak na siya.
"Niloko mo lang ako. Mga manloloko kayo!" sigaw niya sakin at tipong tatakbo na. Gusto ko siyang habulin para magpaliwanag. Pero hindi ko mabitiwan ang kamay ng isa pang inaangat ko sa tubig. Nang ibaling ko ulit ang tingin ko sa lalaking nalulunod, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Bakit?Bakit mo nagawa ito?" Halos hindi ako makakilos sa tanong niya. Maya-maya, bigla nalang niyang binitiwan ang kamay ko at nagpatianod sa tubig, hanggang sa tuluyan na siyang lamunin nito.
"SHawwwwnnnn!!!!!!!"
"Shawn?" halos habulin ko ang hininga ko ng magising ako. Isang panaginip lang pala ang lahat. Isang napakasamang panaginip. Muling bumalik sa ulirat ko ang sakit ng pagkawala niya. Pero bakit ganon ang sinabi niya? At anong kinalaman nung isang lalaki sa panaginip ko? Bakit galit na galit siya sakin? Sabi pa niya niloko ko siya, NAMIN siya.
hindi kaya?
halos manlumo ako sa naisip ko ng makita ko ang mukha ng lalakeng nakayakap sa akin.
Si JM nga kaya ang faceless guy sa panaginip ko ay siya?
Hindi ko na matanggal ang takot ko dahil sa panaginip ko. Pinasya ko nalang na dahan dahang bumangon mula sa kama ni JM. Maingat ko ring tinanggal ang kamay niyang nakayakap sakin. Nung saktong palabas na ko ng pinto, bigla siyang nagsalita
"Mahal kita,Chase" hindi ko alam kung ikakatuwa ko ang narinig ko o manlulumo ako sa sama ng loob. Masaya dahil ultimo panaginip, alam kong si Chasey parin ang tumatakbo sa isip niya. Napakaswerte ng kapatid ko. Pero sa kabilang banda, labis na lungkot dahil sa twing maaalala kong imbis ang kapatid ko ang nakakaranas sa pagmamahal niya, ako itong nandito, ni wala naman akong pakeelam kahit gano pa siya kalambing at kaalaga.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Novela JuvenilA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...