part 12

459 38 1
                                    

[Chasey's POV]

The power to make or break my friend...

The power to make or break my friend...

The power to make or break my friend...


Aysh! Nakakainis! Ano ba kasing ibig sabihin ni Emman sa sinabi niya? Nung tanungin ko naman, ang sagot ng mokong "It's for you to find out." Tapos ngingisi ngisi pa siyang paalis.


Ibinabaon ko ang mukha ko sa unan dahil sa pagkainis. Kasi naman! Ayoko sa lahat yung ganitong may hindi ako nalalaman. Napapraning ako ng sobra. Tss...

Nahahawa tuloy ako kay JM ng kaka tss...

Habang abala akong praningin ang sarili ko, bigla akong nakarinig ng kalabog sa labas ng kwarto.

"Shit! Ano yun?" Nasambit ko nalang sa sobrang pagkagulat. "Hello? May tao ba dyan?" Lumapit ako sa pinto saka muling inulit ang sigaw ko. "May tao ba dyan?" 

Wala akong nakuhang sagot pero nakarinig ako ng ungol. Shit! Baka kung ano na yun? Takte wala pa man din sila ate Karen ngayon! 

Luminga-linga ako sa paligid ng kwarto, nagtingin ako ng pwedeng gamiting pang self-defense. Aha! Yun!

Kinuha ko ang electric guitar kong medyo may kabigatan. Siguradong pag ito naihampas ko sa kung sino mang yun, tyak iindahin ang sakit! 

Mahigpit ang hawak ng kaliwang kamay ko sa electric guitar habang ang kanan naman ay nanginginig nginig na pumihit sa door knob. Dahan dahan akong lumabas. Nagpalinga-linga muna ako bago tuluyang naglakad. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay nakarinig nanaman ako ng ingay.

Blag! ahrgggg!

Parang suntok sa semento ang naririnig ko na sinasabayan ng ungol. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Napapasign o the cross na rin tuloy ako sa sobrang kaba.

Nang marating ko ang hagdan, nakita kong may nakabulagta dito. Nakasandal ang ulo niya sa railings ng hagdan Nakatungo siya kaya hindi ko gaanong makita kung sino, isa pa, deam lights lang ang ilaw dito. 


"Yaaaa!!!" Pupukpukin ko na sana nung bigla siyang  humarap at hatakin ako at...


Yakap? Yakap yakap niya ako!

Pilit akong kumakalas pero ayaw niya. Ilang beses kong sinubukang itulak siya pero hindi ko magawa. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya. 

Maya-maya'y lalong humigpit ang yakap niya. "A-aray ko. H-hindi ako makahinga ano ba!" Protesta ko pero hindi siya matinag.

"Sa wakas, nakita na ulit kita ayala. Ang tagal kitang hinanap alam mo ba yon?"

Nakayakap pa rin siya sa akin pero parang nawalan ako ng lakas nung magsalita siya. Nalulungkot ako dahil akala ata niya ako yung sweet cheeks na tinutukoy niya. Wala akong lakas na kumalas sa kanya lalo na sa sumunod niyang mga sinabi.

"Ano bang meron ka at nabaliw ako ng ganito sayo? Ni hindi ko nga alam noon ang pangalan mo o kung saan ka nakatira..."

He seems so heartless pero may itinatago palang kakaibang side ang mokong na ito. Sayang lang at hindi ako yung tinutukoy niya. Lalo akong nalulungkot dahil sa mga naiisip ko. Hayyy, dati si Yassi lang ang naiisip ko pero ngayon, meron pang iba. Pero ang weird nung pangalan nung girl ha? Ayala? Parang mall lang?

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon