[ Chasey's POV]
niyaya ako ni Gelo na magpunta muna sa chapel ng ospital. Tama siya, sa mga oras na to, ang nasa itaas ang pinakakailangan ko.
"Diyos ko, iligtas niyo po si JM. Parang awa niyo na po." bulong ko habang nakatitig sa imahen niya sa harap ng altar. Hindi ko parin maitigil ang pagpatak ng luha ko kaya eto si Gelo, wala ring tigil sa apgra rub ng likod ko.
"oh, tahan na. Baka mamaya ikaw naman ang mapano niyan" paalala niya sakin to think na wala naman siyang alam sa kondisyon ko ngayon.
maya maya, biglang sumulpot si Ryan. Tarantang taranta siya.
"Guys, medyo bumalik na yung malay tao niya pero kritikal parin ang lagay niya." pagkasabi ni Ryan nun, napatakbo na ako papuntang ER.
"ma'am, bawal po kayo dito." saway sakin ng isang nurse pero di ko siya pinansin. Dire-diretso ako sa kama kung san nakahiga si JM. wala akong pakeelam kahit sino pa ang pumigil sakin.
"ma'am lumabas po muna kayo. Hindi po talaga—-"
"Shut the fuck up! Kapag yung boyfriend ko namatay at hindi ko man lang nakausap i swear to God isusunod kita!" hindi ko na napigilan. Lumabas na ang evil side ko. Halos mamutla yung nurse after kong sabihin yun. Medyo nagli-low naman sila sa pagpigil sakin. Yung isang doctor sumenyas nalang sa mga nurse na hayaan muna ako kahit saglit lang
nilapitan ko yung kama niya. Alam kong narinig niya akong sumigaw kanina. Napansin ko kasing nakatitig siya sakin habang papalapit ako sa kanya
di ko alam knug ano bang dapat kong sabihin o kung anong klaseng approach ba ang gagawin ko.
"he-hey.. Ano tong kalokohang ginawa mo?" naiiyak kong sabi habang hinahaplos yung pisngi niya.
"why? Why did you run away?" kahit hirap siyang magsalita, pinilit niyang itanong yun.. bigla nalang may tumulong luha galing sa mata niya. Lalo tuloy akong naguilty. Naikwento rin sakin ni Mhasey ang nangyari kanina sa hub kaya alam kong yun ang tinutukoy niya.
"im sorry.. hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari dahil sa pagiging selfish ko."
"wag mo na ulit gagawin yun ha? Wag mo na kong iiwan." bakas ang pagmamakaawa sa mga mata niya
pano na toh? Ano ng gagawin ko? Bahala na.. God please help me get through this mess..
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...